Photo Source: KAPA Community Ministry Inc., Quezon City
Ayun sa Admin ng KAPA Facebook Group, I quote "Di ko mapigilan mapaluha habang tinitingnan ang larawan na to..Sobrang sakit sa damdamin na ang taong walang ibang hangarin ay matulungan tayo at maiangat ang buhay sa hirap ay masyado nilang inapi, Ang taong nagpakita ng pagmamalasakit sa atin higit pa sa isang tunay na pamilya! Ang taong nagpakahirap para sa ating lahat kahit hindi naman nya responsibilidad ay ang taong pinapahirapan,minaltrato at inapi ng ating Gobyerno!!! Kung wala na tayong maasahan sa mga naka upo sa trono, kelangan na natin magkaisa at ipaglaban ang karapatan nating mga mamamayan."
Ang nasabing photo ni Pastor Joel Apolinario ay tumanggap ng mga negative feedback mula sa mga Facebook users na nakakita at nakabasa sa ibig iparataing na mensahe ng Admin ng KAPA Community Group sa kanilang mga members. Isa sa mga comments ay mababasa ng ganito, I quote "Paawa effect... at ang mga bobong tanga naman ay naawa sa taung napakamayaman n ngayun dahil sa pang uuto nya sa mga ito.... katunayan ay nakapangalan s asawa nya ang mga ariarian... saan kaya galing ang perang ipinambili nito? Hulaan nyu.... mga miembro...."
Isang tanong ang naglaro sa isipan ko: Talaga bang tinulungan ni KAPA Pastor Joel Apolinario na maiangat ang pamumuhay ng kanyang 5milyong members? O ang kanyang 5milyong members ang tumulong sa kanya para siya ay yumaman?


Bakit si Pastor Joel Apolinario ay nagtatago dahil ba guilty sya? Imbis haharapin nya ang goberno at magpaliwanag kung totoong hindi sya guilty. Lumabas ka at isa uli mo ang pera ng taong inuuto mo. Kawawa yong huling nag bibigay sayo ay tinakasan mo. Anong purpose mo sa kanila na pinapa perma mo sila pag nag bigay ng donation kuno?, Para bang wala silang habol sayo kung magka lintik lintik ng hulian sà goberno?. Sà boong mundo ikaw lang yata na Pastor nagpa perma ng bawat donation sà mga tao. Lumabas ka at magpa liwanag ng taong bayan.Huwag ma takot kung walang kang Salalanan.
ReplyDeleteKorek paawa effect yan hahay buhay tlga
DeleteScam artist talaga
ReplyDeleteKung baga inaral nang mabuti at isanaplano ang bawat gagawin niyang hakbang. Genius nga!
DeleteSana lang sumurinder na siya at makipag cooperate SA mga otoridad para gumaan Ang kanyang konsensya at mabigyan na Rin Ng tamang justice Ang mga taong nabiktima nya dahil maniwala na hulog siya Ng langit para tulungan sila na maiangat Ang pamumuhay.
ReplyDeleteLagyan ng gobyerno ng reward money yan. Kahit 10m lang. Bgla magpapakita yan. Janet lim napoles nga ng mgka reward bgla sumuko eh.
ReplyDeletePwede bro. Lalu na pag tinaasan pa ang reward money let's say 20M. Baka ang kanyang nabiktima ay mag-unahan para isuko siya sa mga otoridad.
DeletePinalalabas ngayon ng KAPA group na wala daw sa masterlist ng KAPA yung tatlong naghain ng reklamo. Tanong - Sino ba ang may hawak ng Masterlist ng KAPA Investment Scam - di ba KAPA people? Dahil KAPA ang may control - pwede nila tanggalin sa masterlist ang sinumang member nila na magrereklamo para walang record na makita. Kaya nga tinawag si Pastor Joel Apolinario na genius...nakaplano ang lahat kung sakali magka gipitan.
ReplyDelete