Pages

Tuesday, June 19, 2018

Ang Salitang 'Ibinasura Ng SC' Kung Nanamnami'y Kasing-tamis sa Asukal at sa Taenga'y Isang Awit Napakasarap Pakinggan

Source: Ibinasura ng SC ang Apela ng PCGG
Ang salitang 'Ibinasura Ng SC' kung nanamnami'y kasing-tamis sa asukal at sa taenga'y isang awit napakasarap pakinggan dahil ibinasura ng First Division ng Korte Suprema ang apela ng PCGG na maghabol ng php51 bilyong pesos na danyos sa pamilya Marcos.

Halos umabot sa tatlong dekada
Ang pamilya Marcos sa paghihintay
Na malinis ang dinumihan nilang pangalan laban
Sa iba't ibang akusasyong kanilang pinagdaanan...

Halos madurog ang kabuuwan nilang pagkatao
Dumudugo sa kirot ang kanilang mga puso
Halos panawan na sila ng kanilang hininga
Sa sobrang sakit na kanilang nadarama...

Na sa akala ng pamilyang Aquino at mga Dilawan
Ang pamilya Marcos ay lulubog na sa kahihiyan
Pero mali sila dahil ang pamilyang pinaratangan
Ay nanatiling matatag sa paghihintay ng katarungan...

Sa araw na ito ang hatol ng Korte Suprema
Ay maliwanag pa sa sikat ng araw at buwan
Ang apela ng PCGG ay kanilang ibinasura
At sa pamilya Marcos iginawad ang hustisya...

Ang salitang 'Ibinasura ng SC'
Kung nanamnami'y kasing-tamis sa asukal
At sa taenga kung pakikingga'y isang awit
Na napakasarap damahin at awitin!

Source of idea and other info: Apela ng PCGG ibinasura ng SC



1 comment:

  1. The truth prevailed. Thank you Lord at last all the pains that Madam Imelda Marcos endured for the past three decades are now over.

    ReplyDelete