Magtatatlong taon na sa panguluhan ang pangulo - pero ang mga raliyistang ito ay hindi pa rin maka move on. Ang nakakatawa - yong kapalpakan ni Noynoy Aquino noon kay Pangulong Duterte isinisisi. Kailan ba nagplano ang pangulo na ebenta ang Pilipinas sa China?
Sa panahon ni Noynoy Aquino - ang West Philippine Sea at ang Scarborough Shoal ay kontrolado ng China - katunayan ang China ay nagpatayo ng mga estraktura doon - pero walang ginawa si Noynoy at ang kanyang mga alipores na pigilan ang China.
Dapat noon pa itong mga raliyista nagsisigaw na wag ebenta ang Pilipinas sa China sa harap ni Noynoy Aquino dahil sa panahon niya doon nagsimula ang kasagsagang pagpasok ng China. Ngayon pinagsisikapan ni Pangulong Duterte na maayos lahat ang usapin sa West Philippine Sea.
OO nga po may karapatan kayong mag rally lalu na po kayo ay nagpapabayad. Pero pagdating sa usapin sa West Philippine Sea - ang pangulo ang higit na may alam para solusyunan ang problema - hindi siya bobo at siya ay isang abogado.
Source of idea and other info: Pangulong Duterte sa China

No comments:
Post a Comment