loading...

Friday, June 9, 2023

June 12 for the Filipinos, the World and the Victims of Child Labor

 Taon 1898 ay isinigaw

Ni Heneral Emilio Aguinaldo
Ang araw ng kasarinlan
Ng bansang Pilipinas
Mula sa bansang Espanya
‘Di maipaliwanag ang kasiyahan
At kaligayahan na naramdaman
Ng ating mga ninuno
Pakikibaka para sa Kalayaan at Kasarinlan - Hunyo 12
Kasabay ang pagwagayway
Ng makasaysayang bandila
Ang simbolo ng pagkakaisa
Ng mga mamamayang Pilipino
Kapalit ng maraming buhay
Na nalagas sa pakikibaka
Laban sa mga mananakop
At nalibing sa lupang hinirang
Na matagal nang nilapastangan
Ng mga banyagang kastila
Isang makasaysayang araw
Na kailan ma’y ‘di malilimutan
Ng bawat Pilipino sa mundo…

Ngunit ang Hunyo 12
Ay ‘di lamang para sa mga Pinoy
Marami rin pangyayaring naganap
At naisulat sa kasaysayan ng panahon
Na kailan ma’y ‘di mabubura na higit
Na marahas at mas madugong kaganapan
Na naging sanhi ng pagkitil
Ng maraming buhay at mga pangarap…

Taon 1885, Hunyo 12 sa bansang France
Gumuho ang bubungan ng gusali
Na pinagdadausan ng murder trial
At natabunan ang tatlumpung katao
Sila’y namatay ng walang laban…

Taon 1889, Hunyo 12, 88 katao
Ang namatay sa Armagh rail disaster
Sa Northern Ireland , na nagdulot
Ng sobrang lungkot at pighati
Sa mga naiwanang pamilya…

Taon 1899, ang tornadong New Richmond
Ang pang walong deadliest tornado
Na sumalanta sa United states
At naging dahilan ng pagkamatay
Ng 117 katao at ikinasugat
Ng dalawang-daang katao…

Taon 1943, ang Holocaust
Umaga ng Sabado Hunyo 12
1,180 na Jews ang humarap kay kamatayan
Sila’y isa-isang pinagbabaril
Ng walang pakundangan at awa
At sama-samang inilibing…

Taon 1978, Hunyo 12
Si David Berkowitz
Na binansagang “Son of Sam”
Mamamatay-tao ng New York City
Ay nahatulan ng 365 taon na pagkabilanggo
Dahil sa kanyang pagpatay ng anim na beses…

Kung maraming yumaon sa petsang ito
Marami rin ang dumating na nagpamalas
Ng kani-kanilang lakas at galing…

Taon 1107 Hunyo 12
Ipinanganak si Gaozong
At naging emperor ng China
Umabot ang kanyang edad na otsenta
Namatay siya sa taong 1187…

Taon 1875, ipinanganak si Sam De Grasse
At naging Canadian actor
Na hinangaan ng milyon-milyong
Tagahanga dahil sa kanyang galing
Sa pag arte, namatay siya sa taong 1953…

Taon 1906 ipinanganak si Sandro Penna
Siya’y isang magaling na Italian poet
Na hinangaan ng marami
Namatay siya sa taong 1977…

Taong 1912 Hunyo 12
Si Jameel Jalibi ay ipinanganak
Siya’y isang Pakistani scholar
Manunulat at Urdu linguist
Na ipinagmamalaki ng bansang Pakistan …

Ang Hunyo 12 ay pang 163 na araw
Sa Gregorian calendar at pang 164 na araw
Kung leap years, ito rin ay Russia Day
Mula noong 1990 at Lover’s Day ng Brazil
Dia dos Namorados - ang tawag nila…

At para sa mga kabataan
Ang Hunyo 12 ay pang Daig-digang Araw
Upang ipagtanggol ang mga menor de edad
Na sapilitang pinagtratrabaho
At supilin ang Child Labor sa mundo!

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!