loading...

Poetry Series: Paul Pruel: Poems

Mga Mata: Daan Para Lumigaya at Magkasala
Paul is a father of 3 for 31+years, a Single Dad: Widower, OFW for 15 years, a Blogger, a Poet, a Writer, 18 years internet experience, Self-motivated, Professional by experience. His favorite sayings: "Dream big and don't stop without giving it a chance to come true. Do it now what you can do for tomorrow." He believes that "Success in business takes hard work, commitment, leadership and desire."

Below are some of his written poems. He wrote them as his way to fight homesickness. 


Please note: For those who would like to read to some of his tula/poems below and would like to leave your comment/s, include the number of tula/poem you would like to comment (example: (1.) then your comment. Thanks much for your time. God bless. More tula/poems are coming.


(1.) Sana' y Laging Umaga 

Ang gumising nang maaga 
Para makita ko ang iyong ganda 
Masamyo ang iyong bango 
At marinig ang iyong halakhak 
Nang habang buhay... 

At pahintulutan ng Diyos sa langit 
Na tayong dalawa’y laging magkalapit 
Habang aking pinagmamasdan 
Ang taglay mong kagandahan 
Di kukupas sa pagdaan ng panahon... 

Nag-aalab ang ating pag-ibig 
Pintig ng puso ko’y ikaw lang 
Hangad tayo’y ‘di magkakawalay 
At sa hirap at ginhawa tayo’y magkatuwang!

___________________________________


(2.) Your Love is Forever in My Heart

I was alone in the beach nearby
When I got scented of a perfume
Which was familiar to me.


I heard footsteps and a chilly voice
My head whirled and I saw you
Upended behind me with your attire
Of the pearly gown you wore in our
First night 30 years ago on our honeymoon. 


You smirked: your smile dimpled your face
So I longed for you
And touched you with my thirsty lips
And we danced with the sea spray
That hugged our feet relaxing
On the sands beneath a cloudy sky.


But thereafter you disappeared slowly
You slipped from my hands
And had joined the thin air
Like bubbles you mixed with those clouds
Leaving me with your sweet fragrance.


The sun sank and you’re gone with the breeze
But your love will be persisting in my heart forever!

_____________________________________

(3.) You Are The Loser


When you’re dread and weary
Secluded and dispirited
You found me your victim
You’re akin to a vampire
Who just awoke from a long sleep
So eagerly desirous to get
My inmost precious substance...

With your deadly fingers
Mighty molars and lips
You clutched me completely
And bitten me intensely
I begged you to stop hurting me
But you did not listen
You just ignored my wish
And laughed-out-loud...

After draining out my vitality
You gauged me rubbish
And then throw me somewhere
In the toilet bowl and garbage can
Now I realize living with you
Is really helpless and unproductive
But I will tell you the truth
You’ll be the loser at the end...

For every tar and nicotine
That you had drawn from me
Generate great pains, misery as well
And shorten your life! 

_________________________________


(4.) Walang Papalag: Hold Up Ito!

Bandang alas 7: 45 ng gabi
Pasahero ng FX ang 4 na armadong kalalakihan
Na nasakyan ni maganda pauwi ng Bulakan
Nang biglang sumigaw ang isa sa 4 na kawatan: 
“Walang papalag! Hold up ‘to! ”

Nangatog ang kaniyang buong katawan
Sumigaw siya nguni’t walang lumabas
Na mga kataga mula sa kaniyang bibig
Pakiramdam niya’y may bagay na matigas
Na nakakalso sa kaniyang lalamunan…

Sumakit at nagsisikip ang kanyang dibdib
Dama niya ang pintig ng kaniyang puso
Dumadagundong na parang tambol
Sa loob n'ya'y galit nguni't di siya makagalaw
Sa takot na baka iputok sa kaniya ang baril! 

Ang kaniyang mga mata’y naging bukal
Ng kristal na tubig na dumaloy pababa
Sa kaniyang mamula-mulang mga pisngi
At sa kaniyang mga labi na nagtitimpi
Ng matinding galit nguni’t ‘di makalabas…

Hindi niya mapigilan ang pagdaloy
Gumapang ito hanggang sa kaniyang dibdib
Pinilit niyang takpan nang mahigpit ang mga mata
Upang mahinto ang pagpatak ng luha
Nguni’t ‘di masawata ang pagdausdos nito…

Wala siyang nagawa kungdi ang ipaubaya na lamang
Nguni’t napapaso siya sa t’wing dumadampi ang mga daliri
Ng mga kawatan sa kaniyang balat, isa-isang tinanggal
Sa kaniyang katawan, ang mahahalaga n’yang ari-arian
Na iniingatan niya ng mahabang panahon…

______________________________________

(5.) Tulad Ng Tuyong Dahon


Ang tao’y humihinga para mabuhay
At sa kaniyang pagtanda lilisanin niya
Ang lahat ng bagay at siya’y babalik
Sa lupa na kanyang pinagmulan…

Ang mga idiyang napipinta sa isipan
Kung lilinangi’t palalaguin ng tama
Sila’y magbibigay ligaya’t liwanag
At karagdagang kaalaman sa buhay…

Nguni’t pagkatapos silang pakinabangan
Sila’y wawalisin at papalitan sa isipan
Upang bigyan ng daan ang susunod
Na bagong punla ng kaalaman…

Katulad ng mga dahon na malago
Sa mga sanga ng isang punong kahoy
Kapag sila’y natuyo na-kusa silang
Babagsak sa lupa’t doon mananahan…

(Tagalog version for the poem 'A Dry leaf')

_____________________________________

(6.) The Man You Dreamed


Why you loved me? 
Is it because I act naturally
Without pretension
Or because I am so quiet
I don’t talk too much
Or because I am cool all the time
I don’t panic no matter
How complicated is the situation
Or is it because I am a sensitive type
Of a person – I do cry
When I am in deep emotions
Aloof sitting alone in the corner
With my tears
Or you liked me ‘cause
I am a man of actions
Or maybe because I am sincere
I seldom say, “I’m sorry”
But when I say it
It is said with sincerity
And touches your heart
Or you loved me because
I am a loving person
Through text messages and calls
I say, “I love you” in the morning
Lunch time, after office hours
And in the evening before sleep
Or because of my being romantic
To you, through gestures
I show my love, care and affections
I hold your hands, hug you
And kiss your lips
Or is it because I am always
Here for you, all sunny and rainy days
Guarding you, protecting you
From any harm and keeping
You safe into my arms
Whatever reasons you have
In mind, I am sure
You loved me because
I am the man you dreamed! 

_________________________________

(7.) The Magic of Camera


It is amusing
How mirrors and light
Makes people believe in mementos
Printed on dazzling surface: 

Picked, planned
Cloning each moment of joys and laughter
With just a rapid sound of a button
Almost as precise as the human eye; 

And I am left behind alone
Surprised staring at you
This is a piece of you, a copy of your face
Caught in this frame I am holding

Is this all I remember of you? 
I had to rely on another eye, not my own: 
Invention of mirrors and light
To aid me recall what my heart cannot? 

__________________________________

(8.) The Bed of My Burning Love


I considered a woman 
especially my beloved one: 

The flower of my eyes - bulaklak ng aking mata
The light of my home - ilaw ng aking tahanan
The pulse of my heart - pintig ng aking puso
The smile of my lips - ngiti ng aking labi
The cry of my lusts - sigaw ng aking pangungulila
My dream star - pangarap kong bituin
My miracle medicine - gamot sa t’wing ako’y nanghihina
The bed of my burning love - kanlungan ng nag-aapoy kong pag-ibig
And my delicious coffee and pie in the morning- panulak at pantulak ko sa bawat umaga. 


But guys don’t get me wronged: Women are not hot commodities for men's great desire for fun and sexual satisfaction: Women should not be treated like this. They would not be abused either. They are human beings who need respect, compassion and love. Without them men are lonely and the world would become a dead darkened room for men to roam around. 

In the Bible - Eve was taken out from Adam’s ribs and after they made love the civilization of men and women started and at that time the women were being controlled by men. 

Nowadays women can do most of the things that men do most of themselves. Women are competing now with men in all the fields of endeavors: from politics down to janitorial jobs, from fashions, entertainments and other professions. Women could be good leaders too for a nation. 

In the Philippines we already produced two women presidents, and in the Senate and Congress the women are participating actively in the making of laws of the land and in propagating governmental projects throughout the countryside. I honestly salute them. And that they deserve my respect and love!

______________________________________

(9.) Mga Anak Pawis: Simbolo ng Lakas at Katapatan


Gaano ba katotoo na tayong mga maralita
Ay nabubuhay daw sa ilalim ng kawalang pag-asa?
Ito daw ay tunay na larawan sa naghihirap na mamamayan.


Bagama’t tayo’y pinagkaitan ng magandang kapalaran - nguni’t 

Naniniwala ako ‘di ito nangangahulugan na tayo’y wala ng puwang,
Mabuhay sa mundo at makapamili sa buhay na ating lalakarin.

Totoo ang pagiging anak-pawis ay sadyang napakahirap,
At lagi nating pinangangalandakan 
na tayo’y alipin ng mga mayayaman.

'Di kaya panahon na na baguhin natin ang ating mga pananaw? 
Sa lahat ba ng panahon tayo’y aasa na lang ba sa mga maharlika? 
Sa mga politikong mandarambong at mandaraya? 

Lagi na lang ba natin iaasa ang buhay at kinabukasan
Sa mga taong nasa nanunungkulan? 
‘Wag kalimutan na tayong mga anak-pawis 
ay simbolo ng lakas at katapatan! 

Naaalala ko ang hirap ng nakaraan, I cried looking at my feet and hands wounded; too painful I couldn’t bear. Sa edad na 16, sa isang construction site sa bayan namin habang pinapala ko ang sang katirbang na hinalong semento graba at buhangin na nakalubog ang mga paa ko sa semento para lamang may pantustos sa pag-aaral sa high school sa susunod na pasukan. 

Sometimes I asked God, why it happened to me? Pero I realized na di dapat panghinaan ng loob, ginusto ko po ito at dahil din sa kawalan. I was firmed with my decision na ako na ang magpapatakbo sa buhay ko. Pero deep in my heart buhay na buhay ang pagmamahal at respito ko po sa aking mga magulang, naunawaan ko ang kalagayan namin.

At sa edad na 16 ako na ang nagpapatakbo sa buhay ko 
Kung sinu-sinong tao ang nakasama ko 
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa 
na mabuhay at tumindig sa sarili kong paa 
Hindi ako umasa sa sinumang politiko, politika at gobyerno… 

_______________________________________

(10.) Sumisigaw ng Pagsuyo


Ang isip ko ay tulero
Gulong-gulo pati puso
Pag-ibig kay Inang Bayan
Ay ‘di ko mailarawan...

Ang nakikita ko ngayon
Ay sobrang paglapastangan
Sa kan’yang ganda’t kariktan
Ng kanyang sariling angkan...

Ka’lan aahon si Ina
Sa hirap at pagdurusa
Mga inakay ay pasaway
Lagi silang naga-away...

Ang kan’yang katahimikan
Ay kan’lang niyuyurakan
Kahit si Ina’y masaktan
Gagawin ang kagustuhan...

Sila itong sumasakal
Kay Inang humahagulgol
Luha niya’y kulay dugo
Sumisigaw ng pagsuyo!

_______________________________

(11.) Sizzling Butt


You can’t hide from me
I know all about you 
You’re a seasoned star 
Had been the smoke
Of controversy for many years 
Cherished by million of your fans 
You’re so gorgeous with your apparel 
Of a white gown that covered
Your soft-slender-beautiful body…

One day, your sweet scent wraith
Through the place, like a haunting
And your fans grabbed you
Held you tight around your neck
They kissed your lips and cheeks
Leaving them with luminous spits…

You had complaint, wanting to stop them
Though they just ignored your wish
For them you’re their asset…

You’re yelling for help but nobody came
And in great pains, you cried
Then you fell down unconscious...

The hour altered, dusk became dawn
You woke up and screamed so hard
Seeing yourself lying in the pool of mud 
With those filthy and ugly faces
Your own effigy, those sizzling cigarette butts!

____________________________________

(12.) Salamat sa Tawag Mo Mahal


Ako’y natuwa sa tawag mo
Pakiramdam ko ika’y kaharap ko lang
Boses mo’y kasing-linaw
Ng awit ng hangin mula sa Silangan

Na pumapasok sa bintana at kumikiliti
Sa aking mga pagal na tainga
Habang ika’y aking kinakausap
Isang napakagandang himig

Na kahali-halina sa aking pandinig
Pagod ko’y pansamantalang naglaho
Dahil sa oras na ’yon nasa gitna ako
Ng maselang trabaho at minamadali ng boss ko

Ngunit isa kang hulog ng langit sa umagang ito
Lakas ko’y agad nanumbalik, Mahal ko! 

___________________________________

(13.) A Dry Leaf

Leaves are like ideas in the mind 
They come when needed 
They flourish and give life 
Light and great wisdom 

When ideas have served their purpose 
They need to be swept away 
We must constantly sweep out the old 
And give way for the new one 

Man breathes for life 
As he reaches 
His old age 
It will cease 

And will fall apart 
Like a dry leaf…
________________________________

(14.) A Way to Fight Homesickness

When ever he wanted to go somewhere 
He always asked me to go with him 
we went out hand-in-hand 
and returned home holding hands… 

Whatever he wanted to do for himself 
He always called me to do it for him 
He couldn’t stand alone for his own… 

He said, I’m his best friend 
His life could be miserable without me… 

But the truth is he treated me 
not his buddy but his slave 
I’ve no right and freedom to complain…

His brain and body desires 
I always run for his wishes: 

Bashing the candle 
Buffing the banana 
Choking the chicken 
Cleaning his rifle 
Cuffing the carrot 
Polishing the banister 
Polishing the rocket 
Tossing the turkey 
And walking his dog 
Are the same terms 
For the same job: 

His dog became stronger and harder 
and you know what I got? 
His sweet smiles of satisfactions! 

("Mariang Palad" in English it is called "Mrs. Palmer")
_________________________________________

(15.) Amanos Lang Tayo

Nagmamadali akong lumuhod at nagdasal 
At isang saglit pa ako’y tumayo na masaya 
Dahil sa isip ko ay nagampanan ko na 
Ang obligasyon ko bilang isang Kristiyano Katoliko… 

Kasama ang paniniwala na magiging masaya na 
Ang aking kaluluwa sa maikling dasal ko 
At kapos din ang oras ko na iparating sa aking 
Mga kaibigan ang tungkol sa Dakilang Diyos… 

Kasi nangangamba ako na baka ako’y kanilang 
Pagtawanan at sabihin nila na ako’y nababaliw 
“Walang panahon! Marami akong trabaho! ” 
Iyon ang lagi kong sigaw at katwiran… 

At wala rin akong oras para sa mga kaluluwa 
Na nangangailangan din ng aking mga dasal 
Nguni’t ‘di ko naisip na darating din sa akin 
Ang imbitasyon ni kamatayan na humarap sa Poon… 

Sa isang iglap ay naglalaro at inilarawan sa isip ko 
Ang pagkakataon na ako’y nasa harap na ng Maylalang 
Nakita ko Siya na may hawak na Aklat ng Buhay 
Aklat ng mga nilalang na Kanyang kinalugdan…

Binuksan Niya ang Aklat ng Buhay at nagsabi: 
“Wala pa ang pangalan mo sa aklat, 
binalak Kong isulat at isama ka sa mga nakalista dito 
Nguni’t wala akong panahon at pagkakataon!” 

Kulang na lang na sabihin sa akin na 'Amanos Lang Tayo! 
'Patawad po Panginoon' nguni't huli na ang aking pagsisisi...
____________________________________________

(16.) Anghel

Hindi maikukubli ang saya 
Na hatid ng kanyang mga mata 
Larawan sila ng liwanag at pag-asa 
Sa t’wing sisikatan ng araw sa umaga...

Ang kaniyang hagikhik at tawa 
Ay gamot sa pusong nagdurusa 
At sa mga pagal na tainga 
Sila’y mga musika...

Siya’y isang munting anghel 
Na galing sa mundong nagmahal 
At nag-aruga mula ng siya ay isilang 
Ang kanyang inang mapagpala...

Sa kabila na siya’y mahina 
Malalambot ang mga paa 
Hubad at wala pang malay 
Siya’y bulaklak ng buhay...

Ang haplos ng kanyang mga kamay 
At tamis ng kanyang halik at dighay 
Sa t’wing siya’y naglalambing 
Walang matamis na maihahambing...

Kaya dapat lamang na siya’y mahalin 
Alagaan ng husto at pagyamanin 
Siya’y bunga ng pag-iibigan 
Ng dalawang pusong nagmahalan!
__________________________________

(17.) Ang Ugat ay Kahirapan

Bilog nga ang mundo, ang iksi ng buhay 
Hindi alam kung kailan mamamatay 
Ningning ng kandila sa buhay ay gabay 
Ay t’yak maglalaho sa ihip ng hangin... 

Pinipilit kong burahin sa’king isip 
Ang alaala, nguni’t nagsusumiksik 
Patuloy kong naririnig ang pighati 
Ang kanilang sigaw umalingawngaw... 

Nananaghoy sa sobrang sakit at kirot 
At sa puso ko ay nanatiling sugat 
Na hanggang ngayo’y ‘di pa rin magamot 
Mahapdi at patuloy na kumikirot...

Dahil nananatili pa rin ang ugat 
Sanhi ng pagkitil ng maraming buhay 
Ng ating mga kababayan na nagbakasakali 
Sa Ultra, maraming taon na ang lumipas... 

Na naging libingan ng 71 kababayan 
Naghangad ng magandang kinabukasan 
Isinugal buhay nila’t kapalaran 
Nagwakas sa kandungan ni kamatayan!
___________________________________

(18.) Ang Matalino at Bobo ay Pareho

Mga mambabasa at mga kaibigan 
Huwag seryosohin ang aking ilalarawan 
Bunga lang ito ng aking kalungkutan 
Na aking nararanasan ngayon dito sa Kaharian… 

Sabi ng iba, ang bobo sakit daw ng ulo 
Ang matalino kaligayahan ng puso 
Ang bobo limitado ang talino 
Ang matalino madaling matuto… 

Tawag sa bobo’y tanga, walang modo 
Ang matalino’y madunong, mahusay makipagkapwa-tao 
Ang bobo kung minsan pinung-pino ang paggalaw 
Ang matalino kung minsan ang kilos ay magaslaw… 

‘Pag nanliligaw ang bobo iisa lang ang estilo 
Ang matalino mambobola, simbolo ng pagiging palikero 
Nguni’t sila’y parehong tao, nagmamahal at nasasaktan 
Minsan biktima sila ng mapaglarong kapalaran… 

Magkaiba man ang kanilang kaugalia’t pamamaraan 
Pareho’y hangad ang mabuhay puno ng kasaganaan 
Kapwa’y nangarap ng walang katapusang kaligayahan 
Sa mundo na kani-kanilang ginagalawan… 

At sa tuwing darating ang dapithapon 
Pareho silang haharap sa Poon 
Mga mata’y ipipikit, kakalimutan ang nakaraan 
Pansamantalang iiwan ang mundong kanilang kinagisnan…
________________________________________________

(19.) Ang Manlilikha

Malawak at malalim ang pang-unawa 
Ang pangit ay kanyang mapapaganda 
Nakakapagsalita kahit wala s’yang 
Sinasambit na mga taludtod o kataga... 

Dilim ang kanyang nakikita 'pag araw 
Subali’t nasisilaw siya 'pag gabi 
Mga mata’y nakakakita ng mga bagay 
Na siya lang ang makapaglalarawan... 

Taglay n’ya ang ekstrang pares ng tainga 
Nakaririnig ng kakaibang himig 
May ekstra s’yang ilong na nakalalanghap 
Ng ibang baho, bango’t lansa ng buhay... 

Matamis mangusap ang kanyang puso 
Saya’y hatid sa damdaming may siphayo 
Simbolo’y gamit n’ya, imahi’t kataga 
Mapapasaya ang matamlay na diwa… 

Gamit ang papel at ang kanyang panulat 
Hahagkan n’ya ang buwan at mga bituin 
Na kumikinang sa kalawakan 
At nagsasaboy ng liwanag sa kadiliman... 

Nguni’t mga nalikha’y walang kahulugan 
Kung lahat ay tiniklop at ibinaon 
Ang ipinunlang kaisipan sa tao’y 
Mabubura, pati ligaya ng kahapon... 

S’yang Makatang pinagpala ni Bathala 
Nagtatago sa likod ng kanyang pluma 
Ang bisyo’y paglaruan ang mga salita 
Upang damdami'y ipaabot sa kapwa!
________________________________

(20.) Ang Lalake'y Nagmula sa Babae

Hindi ko naawa’t napigilan 
Ang pagpatak ng aking luha 
Bumilis ang pagpintig ng puso ko 
At lumingkis ang aking mga braso 
Sa payat at nanghihinang katawan ni nanay 
Nang marinig ko ang kanyang malambing na boses 
Na punong-puno ng pagmamahal… 

Sa kanyang edad na otsenta k'watro 
‘Di pa rin makalimutan ni nanay 
Ang araw nang ako’y kanyang isilang 
Isang malusog na sanggol na lalake 
Kasing-guwapo daw ako ng tatay ko… 

Sabi ni ina, “Lalo akong minahal ng tatay mo.” 

Habang ang kanyang mga kamay 
Ay dahan-dahang pinipisilpisil 
Ang matitigas kong braso 
Na nakapulupot sa kaniyang baywang 
Sabay ang paghalik sa mukha ko… 

Ngayon ay muli kong isisigaw 
Ang pasasalamat ko kay ina 
At sa unang pagkakataon ay akin din 
Ipangangalandakan sa buong mundo 
Na ang lalake pala’y nagmula sa babae 
Taliwas sa matandang pinaniwalaan 
Na ang babae’y nagmula sa tadyang ng lalake!
______________________________________

(21.) Himutok ni Senadora Leila de Lima

Sa gitna ng mapanglaw na sulok - namalas ko si Senadora Leila de Lima sa loob ng kwarto, ang kanyang isipan ay lumilipad, mga mata niya'y namamaga at puno ng luha. Ang kanyang paningin ay nakapako sa bukas na bintana at narinig ko na kanyang kinakausap ang kanyang sarili, napakalinaw sa aking pandinig ang bawa't kataga na kanyang sinasambit. Sila kaya ay mga kataga ng pagsisisi? O mga kataga para kaawaan siya? 
Himutok ni Senadora Leila de Lima
Kung dati ako’y isang Reynang nakaupo
Sa trono ng kasikatan at kapangyarihan
Lahat ng aking ibigin ay nangyayari
Ngayon ako’y isang basahan na pinandidirihan...
Akala ko wala nang katapusan
Ang nakamit kong kaligayahan
Mula nang ako’y sumisikat pa lamang
Na abogado, huwis at naging senadora...
Ang kasikatan ko’y hindi maipagkakaila
Maraming tao ang humanga sa akin
Pinangarap nila na ako’y mahagkan at mayakap
Ako’y kanilang inidolo at minahal ng labis...
Nguni’t biglang nagbago ang ihip ng hangin
Iniwan ako ng aking mga kakilala at kaibigan
Ako’y kanilang ipinagkanulo’t pinaratangan
Kasabay ang galit ng mamamayan at lipunan...
Ako raw ay protektor ng taong hanapbuhay ay droga
Ako raw ay umaabuso ng kapangyarihan na taglay ko
Kaya ako ay hinatulan na mabilanggo
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan...
Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran...
Ang kanilang mga hinaing at paghihirap
Ang kanilang mga luhang nalalaglag
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas...
Aaminin ko mahirap ang magkunwari
Ang bawat himaymay ng aking laman
Ay sumisigaw din ng matinding hirap
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit...
At ang mga karapatan ko bilang mamamayan
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan
Ang pagiging ilaw ko ng tahanan ay naparam
Kasama ang karapatan kong maghanap ng ikabubuhay...
Masakit pala kapag napikon ang langit
Nguni’t ‘di ko magawang magalit sa Maylalang
Batid kong Siya ang higit na nakakaalam
Sa buhay ko na minsa'y Kaniyang kinalugdan!
_____________________________________

(22.)

More tula/poem are coming....




1 comment:

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!