loading...

Wednesday, June 7, 2017

Kapag Ang Leader ay Magnanakaw, Ang Kaniyang Subordinates ay Magnanakaw Din

Sa panahon ni Noynoy, ang ating nakita ay kaliwa't kanang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Pati yong mga tulong mula sa ibang bansa ay kanilang nilamon. Ang mga biktima ng sakuna nang humagupit ang Bagyong Yolanda ay napabayaan. Nang mamatay si Marwan na isang terorista na naging dahilan ng pagkamatay ng SAF44 - ang kaniyang buhay ay nagkahalaga ng $5 million - pero ni isa walang makapagsabi kung nasaan at sino ang tumanggap ng pabuyang yon? Kaninong bank account naka deposit ang perang yon? Magpahanggang ngayon nanatiling sekreto ang kinalalagyan ng nasabing salapi - kahit mga generals ng AFP at kapulisan wala silang maekuwento kung kaninong kamay napunta ang nasabing kuwarta samantala sila ang tumarabaho para wakasan ang buhay ni Marwan ayon sa utos ni Noynoy.

Paghanga sa AFP ni Sen Panfilo Lacson
Ngayon panahon ni Duterte, lahat ng mga kaganapan ay transparent - kaniyang isinasa-publiko - dahil si Pangulong Duterte ay honest, totoo sa kaniyang tungkulin, may malasakit at galit siya sa korapsyon. Kaya naman ang kaniyang mga subordinates ay honest din kung magtrabaho. Ipinapahayag sa publiko kung ano ang tunay at totoong nagaganap. Tulad na lamang nang matuklasan ng AFP ang limpak-limpak na salapi sa lugar ng pinagkakanlungan ng Maute group - agad nilang isina-publiko. Pinahalagahan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin kaysa masilaw sa pera. Seguro kung nangyari iyon sa panahon ni Noynoy - baka ang limpak-limpak na perang yon ay kanila na pinagparte-parte.

Kaya naman ang paghanga ni Senador Panfilo Lacson sa AFP ngayon sa panahon ni Duterte ay abot langit at kaniyang pinapurihan sila saying "I take my hat off to our soldiers no matter how battle-weary they are and considering the risk of life they're going through. They were not tempted with the prospect of a comfortable life for themselves and their families instead, and stuck to their honor and integrity as professional members  of the AFP."

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!