loading...

Friday, June 9, 2023

June 12 for the Filipinos, the World and the Victims of Child Labor

 Taon 1898 ay isinigaw

Ni Heneral Emilio Aguinaldo
Ang araw ng kasarinlan
Ng bansang Pilipinas
Mula sa bansang Espanya
‘Di maipaliwanag ang kasiyahan
At kaligayahan na naramdaman
Ng ating mga ninuno
Pakikibaka para sa Kalayaan at Kasarinlan - Hunyo 12
Kasabay ang pagwagayway
Ng makasaysayang bandila
Ang simbolo ng pagkakaisa
Ng mga mamamayang Pilipino
Kapalit ng maraming buhay
Na nalagas sa pakikibaka
Laban sa mga mananakop
At nalibing sa lupang hinirang
Na matagal nang nilapastangan
Ng mga banyagang kastila
Isang makasaysayang araw
Na kailan ma’y ‘di malilimutan
Ng bawat Pilipino sa mundo…

Ngunit ang Hunyo 12
Ay ‘di lamang para sa mga Pinoy
Marami rin pangyayaring naganap
At naisulat sa kasaysayan ng panahon
Na kailan ma’y ‘di mabubura na higit
Na marahas at mas madugong kaganapan
Na naging sanhi ng pagkitil
Ng maraming buhay at mga pangarap…

Taon 1885, Hunyo 12 sa bansang France
Gumuho ang bubungan ng gusali
Na pinagdadausan ng murder trial
At natabunan ang tatlumpung katao
Sila’y namatay ng walang laban…

Taon 1889, Hunyo 12, 88 katao
Ang namatay sa Armagh rail disaster
Sa Northern Ireland , na nagdulot
Ng sobrang lungkot at pighati
Sa mga naiwanang pamilya…

Taon 1899, ang tornadong New Richmond
Ang pang walong deadliest tornado
Na sumalanta sa United states
At naging dahilan ng pagkamatay
Ng 117 katao at ikinasugat
Ng dalawang-daang katao…

Taon 1943, ang Holocaust
Umaga ng Sabado Hunyo 12
1,180 na Jews ang humarap kay kamatayan
Sila’y isa-isang pinagbabaril
Ng walang pakundangan at awa
At sama-samang inilibing…

Taon 1978, Hunyo 12
Si David Berkowitz
Na binansagang “Son of Sam”
Mamamatay-tao ng New York City
Ay nahatulan ng 365 taon na pagkabilanggo
Dahil sa kanyang pagpatay ng anim na beses…

Kung maraming yumaon sa petsang ito
Marami rin ang dumating na nagpamalas
Ng kani-kanilang lakas at galing…

Taon 1107 Hunyo 12
Ipinanganak si Gaozong
At naging emperor ng China
Umabot ang kanyang edad na otsenta
Namatay siya sa taong 1187…

Taon 1875, ipinanganak si Sam De Grasse
At naging Canadian actor
Na hinangaan ng milyon-milyong
Tagahanga dahil sa kanyang galing
Sa pag arte, namatay siya sa taong 1953…

Taon 1906 ipinanganak si Sandro Penna
Siya’y isang magaling na Italian poet
Na hinangaan ng marami
Namatay siya sa taong 1977…

Taong 1912 Hunyo 12
Si Jameel Jalibi ay ipinanganak
Siya’y isang Pakistani scholar
Manunulat at Urdu linguist
Na ipinagmamalaki ng bansang Pakistan …

Ang Hunyo 12 ay pang 163 na araw
Sa Gregorian calendar at pang 164 na araw
Kung leap years, ito rin ay Russia Day
Mula noong 1990 at Lover’s Day ng Brazil
Dia dos Namorados - ang tawag nila…

At para sa mga kabataan
Ang Hunyo 12 ay pang Daig-digang Araw
Upang ipagtanggol ang mga menor de edad
Na sapilitang pinagtratrabaho
At supilin ang Child Labor sa mundo!

Monday, May 29, 2023

SEKRETO NI ROY G BIV

Pangkaraniwan ang kan'yang pangalan, nguni’t siya’y tanyag sa tunay na kagandahan, maraming tao ang naliligayahan, sa t’wing siya’y nasisilayan...

Image Via Wikimedia Commons

Kalimitan siya’y ginagawang inspirasyon
Ng mga makata’t may mapaglarong isipan
Ilalarawan nila ang kanyang kariktan
At iguguhit, isusulat sa iba’t-ibang paraan...

Mahiwaga ang kan'yang anyo
Kapag paningin sa kanya’y mapadako
Sa silahis ng araw at patak ng ulan
Siya’y masisilip sa taas ng kalangitan...

May pitong kulay ang kan'yang mukha
Sa pangalan na “Roy G. Biv” na maganda
Matatandaan ang pitong kulay na mahiwaga
Na lalagi sa alaala hanggang doon kay Bathala...

Katulad ng kulay berde, simbolo ng pag-asa
Ang dilaw, simbolo ng pagkakaibigan
Ang pula, simbolo ng pagmamahal
Ang bughaw, simbolo ng katapatan...

Dagdag pa rito’y ang kulay na Violet at Orange
At kulay indigo, na ayon kay Isaac Asimov
Ay anino ng mga kulay na Violet at Blue...

Sa Tagalog, Bahaghari ang tawag sa kanya
Indradhanush naman sa Hindu na mitolohiya
Sa mga Ilokano ang tawag ay Bulalayaw
At sa kabisayaan Balangaw o Balingaw
Katunog ng nabawing batingaw
ng Balangiga, Silangang Samar.

Friday, May 26, 2023

Lodestar Of Life

 It is the heart of life 

the force that erases 

differences between people 

bridges the splits of bitterness 



the pot of gold 

at the beginning 

and at the end 

of the rainbow 


it springs the beauty 

that bends across the sky 

on a stormy days 

the security for which 

children weep 

the yearning for Youth 

the adhesive 

that binds marriage 


the lubricant 

that prevents devastating 

friction in the home 

the safeguard 

of community life 


the beam of hope 

in a world of distress 

the peace of old age 

the sunlight of hope 

shining through the death 


it is a gift from God 

the most enduring 

most powerful virtue: LOVE.

--------------

POLARIS NG BUHAY

Isa kang mamahaling hiyas na nakapulupot

Sa baywang ng sagradong balangaw

Ilaw mo’y liwanag ng malawak na kalangitan

Kumikinang kahit sa gitna ng karimlan


Tulay ka ng mga nasasawi’t nasasaktan

Pinapangarap ng mga taong nagmamahal

Ika’y langis na hahaplos sa lahat ng sigalot

Na namumutawi sa loob at labas ng tahanan


Matibay kang bantayog ng mabuting pamayanan

Taglay mo’y buhay at dakilang pag-asa

Para sa mundong puno ng hilahil at hinagpis

Ang ma-angkin ka Pag-ibig, ay samo ng bawat isa


‘Di matutularang regalong bigay ni Bathala

Ika’y makapangyarihan at walang katulad!

Truth Seeker

 "Ang isang lingkod ng Dios, ay mahinahon at mapagpakumbaba, hanap n'ya'y liwanag at katotohanan!"

"Ang taong magagalitin madaling madaya, napapaniwala agad sa kasinungalingan, para sa kanya ang mali ay laging tama."


"Isa-puso mo lagi ang Kaniyang Kadakilaan ang pagmamahal Niya sa iyong kaligtasan tuparin mo ang lahat na Kaniyang ninanais 'cause Faith, Hope & Love need patience!"


"Maituturing na patay ang pananampalataya kung hindi sasamahan ng mabubuting gawa, kasabay ay ang walang humpay na pagtitiis, ayon sa ipinaguutos ng Kataas-taasang Dios."


"The Bible says 'Not all sins can be forgiven. Sins against the Holy Spirit are unforgivable!"


"There is the true baptism in the Bible which is powerful to change our being even our hearts. When God forgives our sins, the reformation and renovation begin - through the Holy Spirit."


"Upang makamit ang pangako ng Maylikha ang buhay na walang hanggan, ika'y umasa na may pagdurusa, 'wag umurong sa pagtalima tiyak kalulugdan ka ng Kaniyang kaluluwa!"

Sunday, May 7, 2023

You Deserve a Happy Life

 Gusto Mo Ng Masayang Buhay?


Dalawin mo ang iyong hardin

Sa likod ng inyong bahay

Garden of Red Roses


Pumitas ka ng mga bulaklak

Na may sari-saring kulay


‘Di sa pamamagitan ng iyong kamay

Pitasin sila gamit ang mata


Pagkatapos hanapin mo

Ang halaman ng buhay


Ang katas ng kanyang bunga

Ay tubig na papatid sa iyong uhaw


Kunin mo sa pamamagitan

Ng pagkagat ng iyong labi


At kapag ika’y nagtagumpay na

Sumaglit ka sa iyong kaibigang nalulungkot

Young in Love - Photo Credits Pixabay


Gamutin mo ang kanyang lumbay

Ng isang masayang awitin ng pagsinta


At aawitin ng iyong kaluluwa

Kasabay ang indayog ng pagmamahal…

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!