Pangkaraniwan ang kan'yang pangalan, nguni’t siya’y tanyag sa tunay na kagandahan, maraming tao ang naliligayahan, sa t’wing siya’y nasisilayan...
Image Via Wikimedia Commons |
Kalimitan siya’y ginagawang inspirasyon
Ng mga makata’t may mapaglarong isipan
Ilalarawan nila ang kanyang kariktan
At iguguhit, isusulat sa iba’t-ibang paraan...
Mahiwaga ang kan'yang anyo
Kapag paningin sa kanya’y mapadako
Sa silahis ng araw at patak ng ulan
Siya’y masisilip sa taas ng kalangitan...
May pitong kulay ang kan'yang mukha
Sa pangalan na “Roy G. Biv” na maganda
Matatandaan ang pitong kulay na mahiwaga
Na lalagi sa alaala hanggang doon kay Bathala...
Katulad ng kulay berde, simbolo ng pag-asa
Ang dilaw, simbolo ng pagkakaibigan
Ang pula, simbolo ng pagmamahal
Ang bughaw, simbolo ng katapatan...
Dagdag pa rito’y ang kulay na Violet at Orange
At kulay indigo, na ayon kay Isaac Asimov
Ay anino ng mga kulay na Violet at Blue...
Sa Tagalog, Bahaghari ang tawag sa kanya
Indradhanush naman sa Hindu na mitolohiya
Sa mga Ilokano ang tawag ay Bulalayaw
At sa kabisayaan Balangaw o Balingaw
Katunog ng nabawing batingaw
ng Balangiga, Silangang Samar.
No comments:
Post a Comment