loading...
Showing posts with label Partner 4 Change. Show all posts
Showing posts with label Partner 4 Change. Show all posts

Thursday, April 6, 2023

Pagbabalik Tanaw: Nang Ibigay Ng Langit si Tatay Digong, Ligaya at Kalayaan Naramdaman Ng Milyong Pinoy

Hindi maikukubli ang pagiging ama
Inialay ang kanyang buong panahon
Sa kanyang ulo ay kumikinang korona
Puno ng lakas, pag-asa at tagumpay...

Siya ay itinakda ng tadhana
Na maging ama ng Perlas ng Silangan
Gintong adhikaing kanyang inialay
Kay Inang-bayan na kanyang minamahal...

Sa gitna ng walang humpay na mga pagbatikos
Ng mga taong walang prinong umuusig
Pangalan n'ya, pagkatao't buong angkan
Hinahatak pababa hanggang sila'y dumapa...

Tinulak siya sa kasalanan na di nya ginawa
Siya raw ay diktador at mamamatay tao
Kasinungalingan dahil kanyang binihisan at hinaplos
Ang Pilipinas ng totoong serbisyo at pagmamahal...

Bintang nila'y masakit sa puso'y nagwawala
Bombang sasabog na ikamamatay ang dala
Pilit nilang ipinupunla sa mga isipan ng madla
Lason na nakamamatay kung hindi mapuksa!

Kabayan sino ang pintig ng iyong puso
Sila ba na tulero na ang mga isipan -
Hangad nila'y wasakin ang imahe ng dating pangulo
Kung maglingkod ay tapat at bukas-palad?
---------------------------------------------------------------------
LUZVIMINDA: Luzon, Visaya at Mindanao, alam ng nakakarami mong angkan na si Amang Duterte ay may magandang kalooban, lakas at tapang para mapanatili ang iyong ganda at katahimikan - nguni't hindi rin maitatatwa na mayroong mga pasaway na nagtatago sa likod ng maskara - mga pasaway ng lipunan na nagtataglay ng maiitim na budhi at masasamang hangarin para saktan ang kalooban mo at sugatan ang iyong sinapupunan.

Bilang dating pangulo ng Luzon, Visaya at Mindanao - si Pangulong Duterte ay sumumpa na seguraduhin ang seguridad ng buong bansa. Walisin ang lahat ng duming iniwan at ikinalat sa iyong mukha at buong katawan ng nagdaang administrasyon. Sumumpa siya sa harap ng Sambayanang Filipino na sa loob ng kaniyang termino ay ipaparanas niya sa bawa't angkan mo ang tunay at totoong pagbabago na sa loob ng tatlong dekada ay ipinagkait sa kanila.

Opo, LUZVIMINDA - maraming nagmahal at nagtiwala kay dating Pangulong Duterte, hindi lamang 16 milyon - aabot pa sana hanggang 21 milyon kung hindi sana ginamitan ng hokus-PCOS noong araw ng botohan - pero huwag mabahala dahil silang 16 milyon ay buong puwersang nagkaisa para suportahan ang lahat na layunin at adhikain ng dating Pangulong Duterte!

Tuesday, June 2, 2020

SolGen Calida: The real issue with ABS-CBN is not Press freedom but Money, Politics and Power

SolGen Calida on ABS-CBN Franchise Hearing on June 01, 2020 (Lower House of Representatives)
Nga-nga ang mga Congressmen sa naging pahayag ni SolGen Calida kahapon (June 01, 2010) sa ABS-CBN Franchise hearing sa Mababang Kapulungan. Below are screenshots excerpted from SolGen Calida's privilege speech.


For decades now ABS-CBN has been deceiving the Filipino people. The time has come to expose ABS-CBN, whose owners and corporate officers continue to deceive the Filipino people into believing that they are "in the service of the Filipino."


ABS-CBN is motivated not by service but by greed and a desire for power and influence. Their brazen acts must come to an end. The hour of reckoning may have been delayed, but it has now come.


ABS-CBN has committed too many violations which went unnoticed and unpunished. But we are determined to root out such illegal practices.


"The real issue with ABS-CBN and its owners is not Press Freedom. It is money, politics, and power ---how power is acquired, how it is abused and maintained, and most of all, how it obstructs the country's economic and democratic development."


"And now the end is near..."

Saturday, February 1, 2020

Senador ginagamit ang nCoV para sa maagang pamumulitika

Sagot ni Sen Bong Go sa Patutsada ni Sen Kiko Pangilinan

Bakit ganyan po kayo Senador Kiko Pangilinan? Imbis na makiisa ka para mapahinuhod ang mga damadamin ng mga Filipino dahil sa pagpasok ng nCoV (novel Corona Virus) sa Pilipinas - iba ang kinagiliwan mo - ang mag-panic ang mga mamamayang pinaglilingkuran mo na pinanggagalingan ng iyong buwanang sahod. 

Approved na ng ating Pangulong Duterte ang Travel Ban na galing sa Wuhan, China. Bakit hindi mo na lang po aminin in public na gusto mong magalit ang mga Filipino kay pangulo - nang sa ganuon mahatak mo sila na makiisa sila sa people power rally ninyong mga Dilawan sa EDSA sa darating na February 22 to 25, 2020. 

Seguro naman po inyo pong mauunawaan ang sinabi ni Sen Bong Go sa patutsada mo na nagsasabi: "Nakikiusap din ako sa ating mga kasamahan sa Senado na huwag naman po sana natin gamitin ang trahedya na ito para sa personal na pamumulitika. Maski anong partido natin, Pilipino pa din tayo lahat, di ba? 

"Hindi po ito ang panahon para sa ganitong mga hirit na hindi naman nakakatulong at lalo lang nakakagulo sa ating mga kababayan. Hindi nakakatulong ang pag spread ng Fake News. Hindi rin nakakatulong ang pagsakay sa pulitika dahil hindi ito ang panahon para sa pamumulitika. Unahin natin ang kapakanan at kalusugan ng bawat Pilipino."

Source of idea and other info: Pangilinan: Travelers from China should go straight to MalacaƱang if ban not heeded

Monday, November 11, 2019

What? Pera agad ang pumasok sa isipan ni VP Robredo

Source: Manila Times

What? Pera agad ang pumasok sa isipan ni Fake VP Robredo. Magwork muna kayo. Gamitin nyo muna yong budget na nakalaan bago ninyo sabihin na hindi sapat yon. 

Remember this is your moment - at huwag mong kalimutan ang milyon-milyong Filipino na nagmamatyag at nakabantay sa bawat galaw mo. 

Magtrabaho ka - sulitin mo ang pinasasahod sa iyo buwan-buwan. Dapat action hindi bunganga...hindi puro press con.

Sunday, October 20, 2019

Na-Duterte ang Opposition sa Duterte's 'Free to Kill' Order

Takot ang Opposition sa Duterte's Free to Kill order

Ang sinabi ng pangulo ay tiyak pagpipistahan ng mga opposition. At kanila naman kinagat agad-agad. Ibig sabihin lamang nito - Silang makitid ang pag--iisip ay na-Duterte na naman. 

Ang tanong ko: Bakit kinatakutan nila ang sinabi ng pangulo? Unless sila ay kaisa sa mga magiging target ng polisya. 

Under the Duterte's administration - ang pulis hindi basta pumapatay pero kung malalagay sa alanganin ang kanilang mga buhay tiyak papatay sila kaysa naman maunahan pa. 

Itong si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza - dapat mangaral siya doon sa mga taong sangkot sa druga na milyong kinabukasan ng mga Filipino ang pinapatay - na huminto na at lumayo na sa druga. 

Pati ang mga human rights advocates - na mas preno-protektahan nila ang mga karapatan ng mga kriminal kaysa ang karapatan ng mga biktima. They are all idiots...

Source of idea: Duterte's Free to Kill order

Wednesday, October 9, 2019

Carlos Celdran who wished President Duterte to die has passed away

Carlos Celdran who wished President Duterte to die

My condolences and prayers sa naiwan niyang pamilya - at para doon sa mga taong may planong mag wish din na tulad sa naging wished ni Mr. Carlos Celdran wag nyo nang ituloy - naniniwala ako na ang pangulo natin ay may basbas mula sa Maylalang na mamuno sa bansang ito.
A day ago, buhay pa ang taong ito - si Mr. Carlos Celdran - na isa sa Anti-Duterte blogger who allegedly wished President Duterte to die. Today, Mr. Carlos Celran has passed away according to ABS-CBN News Channel and as per the attached photo.

Huwag natin kalimutan na ang the most powerful and high-tech CCTV sa buong uniberso ay ang Mata ng Dios. Nakikita Niya maging ang nilalaman ng puso ng mga tao.

Saturday, October 5, 2019

Russia's Marching Band Plays President Duterte's Favorite Song -- Ikaw


Ito'y pagpapakita ng paggalang, pagmamahal at pagkilala sa kabutihan at kagalingan ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga taga-Russia at Russia Government.
Ang kanyang favorite song na #Ikaw was played by the Russia's Marching Band nang siya ay bumisita sa bansang Russia early this October 2019. Seguro kung mapapanood ito ng mga Dilawan O ng mga Opposition - tiyak mapapalundag sa inggit ang mga iyon.
Note: All the copyrights of this video belong to Lloyd Castanares

Friday, October 4, 2019

Matapang na pahayag ni Duterte sa harap ni Putin @Valdai discussion


Our beloved President Duterte - saan man siya magpunta, he becomes the star of the show. Hayop talaga sa galing. Lalo na sa paliwanagan at pagsagot sa mga tanong sa harap ni President Putin at sa iba pang world leaders na nandoon. Nakaka-proud talaga. Watch the video for details.
The Philippine Chief Executive is one of the invited world leaders to the forum together with the Presidents of Azerbaijan and Kazakhstan, and the King of the Hashemite Kingdom of Jordan. President Vladimir Putin of the Russian Federation is also in attendance as the leader of the host nation.

Source: Pinas News YouTube

Thursday, October 3, 2019

21 Foreign Trips ni Pangulong Duterte on 18 Countries in 2017 Para sa Kaunlaran

1st Year of President Duterte was a Super-typhoon Crushed-down the Dilawan's Stronghold


#SuperClear, #PackedFacts and #Detailed ang bidyong ito. Saludo po ako kay Mr. Riyoh. Ang ganitong reports ay dapat lang makarating sa lahat ng Filipino sa mundo - tungkol sa totoong nangyari sa unang taon sa pamumuno ni Pangulong Duterte sa bansang ito - na hindi nagawa ng mga naunang Pangulo ng Pilipinas after the former President Ferdinand E. Marcos. Watch the video...

On his first year as president of the Philippines, President Duterte has made at least 21 foreign trips on 18 countries as part of his diplomatic obligation. THe countries he visited are as follows: Laos, Indonesia, Vietnam, Cambodia, Myamar, Brunei, Malaysia, Singapore, Thailand, China, Japan, Peru, Russia, Saudi Arabia, Bahrain, Qatar, Hongkong. Lahat yon ay biyahe ng Pangulo para sa kaunlaran.

Sa nasabing foreign trips ng pangulo - ang nagastos ay umabot ng $7.72 million - na pinagpistahan ng mga mainstream media dahil daw napakalaking expenses - without mentioning na meron $35 Billion dollars ang total na kanyang naiuwi sa Pilipinas. Ibig sabihin lamang na ang mainstream media sa Pilipinas ay mahilig mag-report ng mga basurang balita - kaya tuloy nabansagan sila na "Garbage Detector" dahil ang kanilang mga reports ay puro negatibo patungkol sa bagong administrasyon. Watch the video for details.

Wednesday, September 25, 2019

Biglang pumayat at tumanda si dating pangulong Noynoy Aquino


Sabi ng mga netizen, si dating Pangulong Noynoy Aquino ay hinahabol na at hindi na pinatutulog ng Karma dahil daw sa pambababoy niya sa mga Filipino mula nang siya ay mahalal na pangulo ng bansa sa 2010 hanggang sa natapos ang kanyang termino sa June 30, 2016.

Sa panahon ni Noynoy Aquino - lalong naghirap ang bansa at mga Filipino. Lumubog sa druga ang Pilipinas, nawalan ng control ang bansa sa Scarborough Shoal. Namatay ang SAF44 sa gitna ng Mamasapano Massacre - na hanggang ngayon ang mga naiwang pamilya ng mga namatay ay sumisigaw ng hustisya. 

Bumulaga ang Dengvaxia controversy na ikinamatay ng maraming batang naturukan at marami pang mga kapalpakan nangyari ng kanyang pamumuno. Sa ngayon si dating pangulong Noynoy Aquino is now clear of all Mamasapano-related charges ayon sa naging ruling ng SC. 

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (born February 8, 1960) is a Filipino politician who served as the 15th President of the Philippines from 2010 until 2016. Aquino is a fourth-generation politician and the chairman of the Liberal Party from 2010 to 2016. 

On September 9, 2009, shortly after the death of his mother, Aquino officially announced that he would be a candidate in the 2010 presidential election. He was elected and on June 30, 2010 was sworn into office as the fifteenth President of the Philippines at the Quirino Grandstand in Rizal Park, Manila, succeeding Gloria Macapagal-Arroyo. He ended his term on June 30, 2016, succeeded by Rodrigo Duterte.

Source of idea and other info:

Facebook Post Photo
Daily Tribune
Online Encyclopedia

Saturday, September 21, 2019

Himutok ng Nakakulong Senadora Leila de Lima

Sa gitna ng mapanglaw na sulok - namalas ko si Senadora Leila de Lima sa loob ng kwarto, ang kanyang isipan ay lumilipad, mga mata niya'y namamaga at puno ng luha. Ang kanyang paningin ay nakapako sa bukas na bintana at narinig ko na kanyang kinakausap ang kanyang sarili, napakalinaw sa aking pandinig ang bawa't kataga na kanyang sinasambit. Sila kaya ay mga kataga ng pagsisisi? O mga kataga para kaawaan siya?

Photo Credits: FBNews5EveryWhere

Himutok ng Nakakulong Senadora Leila de Lima

Kung dati ako’y isang Reynang nakaupo
Sa trono ng kasikatan at kapangyarihan
Lahat ng aking ibigin ay nangyayari
Ngayon ako’y isang basahan na pinandidirihan...
Akala ko wala nang katapusan
Ang nakamit kong kaligayahan
Mula nang ako’y sumisikat pa lamang
Na abogado, huwis at naging senadora...
Ang kasikatan ko’y hindi maipagkakaila
Maraming tao ang humanga sa akin
Pinangarap nila na ako’y mahagkan at mayakap
Ako’y kanilang inidolo at minahal ng labis...
Nguni’t biglang nagbago ang ihip ng hangin
Iniwan ako ng aking mga kakilala at kaibigan
Ako’y kanilang ipinagkanulo’t pinaratangan
Kasabay ang galit ng mamamayan at lipunan...
Ako raw ay protektor ng taong hanapbuhay ay droga
Ako raw ay umaabuso ng kapangyarihan na taglay ko
Kaya ako ay hinatulan na mabilanggo
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan...
Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran...
Ang kanilang mga hinaing at paghihirap
Ang kanilang mga luhang nalalaglag
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas...
Aaminin ko mahirap ang magkunwari
Ang bawat himaymay ng aking laman
Ay sumisigaw din ng matinding hirap
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit...
At ang mga karapatan ko bilang mamamayan
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan
Ang pagiging ilaw ko ng tahanan ay naparam
Kasama ang karapatan kong maghanap ng ikabubuhay...
Masakit pala kapag napikon ang langit
Nguni’t ‘di ko magawang magalit sa Maylalang
Batid kong Siya ang higit na nakakaalam
Sa buhay ko na minsa'y Kaniyang kinalugdan!

Monday, September 16, 2019

Sen Tito Sotto: A man cannot give birth--no ovaries to reproduce, SOGIE Bill against women's rights


Tama si Senator Tito Sotto nang kanyang ibulalas ang kanyang saloobin na ang SOGIE Bill is a bill against women's rights. Ang isang lalake - anuman ang gawin niya sa kanyang sarili tulad ng pagpaputol ng kanyang lawit at palitan ito ng pipay hindi parin matatawag na babae - dahil he cannot reproduce, he cannot give birth - wala siyang obaryo.

Source YouTube: Male Seahorse Giving Birth

Maliban na lang kung ikaw lalake ang composition ng DNA mo't dugo mo ay mula sa creature na nanahan sa karagatan - ang Seahorse - it is the male seahorse that gives birth. Source: The Biology of Seahorses/Zoological Society of London.



Reaction ni Bad Ash Riri I quote, "For me tama si Tito Sotto, I'm also a transgender and people has the right to live but for me respect what others opinion. Accept the fact the LGBTQ cannot go over the thing that woman can do. Wag tayong mag ambisyon masyado let's accept the fact na di tayo tunay na babae."


Reaction ni Mother Ricky Reyes on SOGIE Bill: "Tigilan na yang kabaklaan. Kung may nota ka boy ka. Kung may pipay ka girl ka. Kung nagpa-opera ka, ang utak mo bakla pa rin."

Tuesday, September 10, 2019

SOGIE Bill already an official Ordinance in the Province of Cavite

Source of idea and Photo credits to: SouthLuzonDotPoliticsDotComDotPh

Habang ang SOGIE Bill ay kasalukuyang pinagdidibatihan sa Congress - sa lalawigan ng Cavite ito ay isang official Ordinance na ng probinsya na isinulong sa pangunguna ni Vice Governor Jolo Revilla and approved by the board members. The article was published at SouthLuzon.Politics.Com.Ph on February 28, 2018.

Masayang ibinalita ang ordinansang ito sa lahat ng LGBTQ sa lalawigan ng Cavite, I quote "Naipasa na po natin dito sa lalawigan ng Cavite ang SOGIE ordinance also known as the Anti-Discrimination on LGBTQ. Itong ordinansang ito ay ang nagbibigay proteksiyon para sa mga Lesbians, Gays, Bisexuals, Transexuals, and Queer. Alam ninyo po, kung nagawa po namin ito sa lalawigan ng Cavite, mas lalong kayang-kaya natin ito sa buong Pilipinas,” Revilla said.

Ibig sabihin nito - ang lahat ng nakasaad na mga probisyon sa nasabing SOGIE Bill ay mae-enjoy na ng lahat ng LGBTQ+ community in the province of Cavite. Kung ang isang probisyon ay ang Same Sex Marriage - ang gustong magpakasal na lalake sa kapwa lalake O na babae sa kapwa babae ay malaya nilang isasakatuparan ito na walang hadlang.

Mahabaging langit - ako'y kinakabahan sa kung anong mundo ang naghihintay na lalakaran para sa mga susunod na henerasyon.
------------------------------------------------------

Saturday, September 7, 2019

SOGIE Bill will destroy the foundation of society


We believe that families are society’s most important relational structure. Here we learn about ourselves, about others, and about how the world works. Families are the foundation of society and create our personal template for giving and receiving love in intimate relationships. 

According to Atty. Chona - while it is true that the proposed SOGIE BIll in the Congress will protect the rights of LGBTQ+ community, it will also discriminate the majority of Filipinos who do not belong to the same community. 

Thursday, September 5, 2019

President Duterte on SOGIE Bill: I do not wish to redefine what a male and female is as defined by God


Ang butihin nating pangulo ay nagpahayag na ng kanyang saloobin tungkol sa SOGIE BIll na pilit na isinusulong ni Senator Hontiveros sa Senado.

Ang gusto ni Pangulong Duterte ay pantay-pantay ang trato ng gobyerno sa bawat isang tao. Ang ayaw nya ay yung nangaapi at inaapi because of their gender, religious belief or status in life. 

Pero he does not wish to redefine what a male and female is as defined by God, norms and what our laws have already established. Ayun pa rin sa kanya - he will forever be the protector of the abused, the weak, the poor and helpless Filipinos regardless of gender, social status and their religious belief.

Saturday, August 31, 2019

Sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention - Trillanes mapapa-aga ang pagbalik sa kulungan

Dating senador Antonio Trillanes haharap sa bagong kasong kidnapping at serious illegal detention
Sa reports ng UNTV on August 30, 2019 ni (April Cenedoza) ang PNP-CIDG ay nagsampa na ng kaso laban kay former Sen Antonio Trillanes at sa tatlo pa niyang kasama sa kremin na sila Atty Sabio, paring Albert Alejo at isang madre na nakilala lamang na sister Ling sa kasong Kidnapping at Serious Detention sa Department of Justice.

Tuesday, August 27, 2019

Sunday, August 25, 2019

Trivia: JosƩ Rizal or AndrƩs Bonifacio is not yet officially proclaimed as our national hero

The Philippines has not yet officially proclaimed who is our national hero. Kaya kayong mga teachers wag nyo munang ipilit sa inyong mga mag-aaral na si Jose Rizal o si Andres Bonifacio ay our national hero dahil hindi pa siya/sila officially proclaimed by our Philippine Government as national heroes nasa pending status pa ang na file na batas para sa kanila.

Thursday, August 22, 2019

Sino kina Sen Dela Rosa, Lapid at Hontiverus ang totoong nagmamalasakit sa safety ng kababaihan?


Sino kina Sen Dela Rosa, Lapid at Hontiverus ang totoong nagmamalasakit sa safety ng kababaihan?

Sapul paman, ang alam nating comfort rooms na meron ang bawat mall o di kaya restaurant o senihan ay CR para sa mga may lawit at CR para sa mga kababaihan. Pero nang malantad na sa society ang mga taong nasa linya ng LGBT Community - nagsimula ang agam-agam at takot lalo na para sa mga kababaihan. Ultimo ang comfort rooms ay pinagtatalunan na kung sino ang higit na may karapatang gumamit nito. 

Thursday, August 15, 2019

Pasukin ang Gobyerno Para Wasakin Ito: Utos ng NPA sa Kanilang Members at Bagong Recruited Members


"Pasukin ang Gobyerno Para Wasakin Ito." Ito ang sinasabi ng mga dating members ng NPA na kumalas na sa grupo. Ang layunin ng NPA ay mapasok ang gobyerno sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga politikong tumatakbo pagka-congressman at pagka-senador kasama ang mga tumatakbo sa local - gagamitin sila para mapasok ang gobyerno para pabagsakin ito. Sa house of representatives tumbok na natin kung sino ang mga makakaliwa ganun din sa senado. 

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!