loading...

Tuesday, September 18, 2018

Environmental Science: Factors in Producing Lightning

Hailstones: Image Via Wikimedia Commons
I love to read anything from newspapers, tabloids, comics, books, other religious books that include Holy Bible and Holy Quran and many more. A verse of the Holy Qur'an 24:43 translated in English says "And He sends down hail from mountains (clouds) in the sky, and He strikes with it whomever He will, and turns it from whomever He wills. The vivid flash of its lightning nearly blinds the sight."

Ideas of Aristotle and Donald Ahrens on Meteorology

In 1600 AD, Aristotle's ideas on meteorology explained that thunder is the sound of collision of the dry emanation with the neighboring clouds and lightning is the inflaming and burning of the dry exhalation with a thin and faint fire. In Meteorology Today - authored by Donald Ahrens - explains that a cloud becomes electrified as hail falls through a region in the cloud of supercooled droplets and ice crystals. As liquid droplets collide with hailstone, they freeze on contact and release latent heat.

From the Cooler Object Electrons Flow Toward The Warmer Object 

This keeps the surface of the hailstone warmer than that of the surrounding ice crystals. When the hailstone comes in contact with an ice crystals, an important phenomenon occurs - electrons flow from the cooler object toward the warmer object. And because the hailstone becomes negatively charged, the same effect occurs when supercooled droplets come in contact with hailstone and tiny splinters of positively charged ice break off. These lighter positively charged particles are then carried to the upper part of the cloud by updrafts.

Factors in Producing Lightning

Hail is a form of solid precipitation which consists of balls or irregular lumps of ice, that are individually called hailstones. Hail stones on Earth consist mostly of water ice and measure between five millimeters (0.20 in) and 150 millimeters (5.9 in) in diameter, with the larger stones coming from severe thunderstorms.

The hail, left with a negative charge, falls towards the bottom of the cloud, thus the lower part of the cloud becomes negatively charged. These negative charges are then discharged as lightning. And it is concluded that it is the hail the major factor in producing lightning. 

The study or science of lightning is called fulminology and the person who studies lightning is referred to as a fulminologist.


Sources Links:

Monday, September 17, 2018

I Blog Not Only for The Search Engine Crawlers But Also for My Online Readers Which is You


For me it is healthy and productive to always to use the social networks available online to promote our articles and other stuff. And it is also important to write and to publish what we know and to remember who are our online audience - they are the Net surfers and search engine crawlers.
At the time I started my blogging activities online with the different hosting sites like WordPress, Blogger, Weebly and other sharing revenue sites like Wikinut, Triond (now Triond is no longer available), HubPages and ExpertsColumn - to learn the importance of a sitemap was not my concern. I just loved to write articles containing different subjects and to publish them online.
However, as the time has passed by, I had to learn the proper way how to communicate the search engines. And one of the ways I learned from SEO experts is to create a sitemap for my blog site. I also had to ask from my Google forum group - how to create a sitemap? And also I asked from them: How does sitemap work?
It is said that sitemap suggests visitors what page to hang-on found on that particular site and it also tells search engines about the organization of the site content. And the presence of a sitemap on Website or on blog site serves as a helping tool for online surfers and for the online crawlers to easily navigate a site.


Growing Readership: Photo Credits Google Search
Also I referred to Wikipedia regarding this matter. The site has recorded two popular versions of a sitemap. One is a XML Sitemap which is a structured format that a user doesn't need to see, but it tells the search engine about the pages in a site, their relative importance to each other, and how often they are updated. Second is HTML sitemaps which are designed for the user to help them find content on the page and don't need to include each and every sub-page. This helps visitors and search engine bots find pages on the site.
The life of our published articles will depends from our audience. Our audience are no other than the online surfers and the search engine crawlers. They are our online judges to determine how effective are the articles. For this reason, we should write what we know and we should always remember our audience. They would help us boost traffic and possibly make our articles viral online.

Saturday, September 15, 2018

18 Possible Candidates of Liberal Party for 2019 Senatorial Elections: Iboboto Nyo Ba Sila?

18 Possible Candidates of LP for 2019 Senatorial Elections
Eighteen Possible opposition candidates for 2019 Senatorial elections. They are (1.) Bam Aquino, (2.) Gary Alejano, (3.) Mar Roxas, (4) Maria Lourdes Sereno, (5.) Erin Tanada, (6.) Chel Diokno, (7.) Samira Gutoc, (8.) Florin Hilbay, (9.) Barry Gutierrez, (10.) Dingdong Dantes, (11.) Edwin Lacierda, (12.) Manuel Quezon III, (13.) Leah Navarro, (14.) Agot Isidro, (15.) Jim Paredes, (16.) Romulo Macalintal, (17.) Dinky Soliman and (18.) Hilario Davide Jr.

Sa loob ng 31 years, ang bansang Pilipinas ay sumailalim sa pamumuno ng mga puppet leaders na naging sunod sunuran sa gusto ng mga oligaryo. Binulag tayo sa mga kasinungalingan ng mga Diliwan na nag-resulta ng malawakang kamangmangan ng mga Pinoy during those years. Talamak ang korapsyon, droga at iba't ibang krimen sa bansa natin. 

Heto ang 18 opposition possible candidates for 2019 Senatorial elections - kakatok sila sa inyo para sa inyong mga boto. Karapat dapat ba sila sa Senado? Dapat ba na ipagkatiwala ninyo sa kanila ang Senado? 

Source of idea and other info: Glenda Gloria of Rappler 9/11/2018

Friday, September 14, 2018

Nang Lumipad Ang Saranggola, Napatid Ang Tali: Ang Tanging Naiwan ay Ang Tali Kong Hawak Na Nagbibigkis sa Amin

Kites: Photo Credits - Pixabay
Habang binabaybay ni Analine ang daan pauwi ng bahay maraming pumapasok at gumugulo sa kanyang isipan, paano ko po kaya ito sasabihin kay nanay? Kinakabahan po ako baka po ‘di pumayag ang nanay. Sa kanyang edad na 12 ay nauunawaan na ni Analine ang uri ng kanilang pamumuhay. Sa isip niya, kasi po mahalaga sa kanya ang araw na iyon. Iyon po kasi ang araw ng kalakasan ng pagtitinda niya ng mga kakanin sa palengke. Tiyak ‘di po niya ako papayagan. Wala po kasing titingin sa aking mga kapatid, kasabay ang pagbuntong-hininga…a basta, kailangan ipaalam ko ito kay nanay.
Sa hapong iyon naabutan ni Analine ang kaniyang nanay Soling na abala sa paghahanda ng kanilang hapunan sa kusina. “Nanay andito na po ako.” Sabay mano niya sa kamay.
“Tamang-tama anak at tayo’y makapaghapunan ng maaga. Marami pa kasi akong aayusing gamit para sa araw ng palengke sa makalawa.”
Opo, nanay. Magbibihis lang po ako at aking ihahanda agad ang mesa pagkatapos.”
Habang inihahanda ni Analine ang mesa para sa kanilang hapunan sa isip niya, pag kumain na kami saka ko na po sasabihin kay nanay. Sana matuwa po ang nanay at payagan ako.
Bago sila magsimulang kumain nagdasal muna silang mag-iina ng pasasalamat. At tulad sa nakasanayan tahimik silang kumakain sa simpleng hapunan na nakahain sa mesa. Sarap na sarap nilang ninanamnam ang ulam na piniritong talong, piniritong isdang bato na ang sawsawan ay ginayat na kamatis na hinaluan ng bagoong balayan. At bago matapos ang kainan masayang ikinuwento ni Analine ang pagpili sa kanya.
“Nanay, nanay, ako po ang nanguna sa pagsusulit sa aming eskwelahan.”
“Aba! Dapat lang anak. Mana ka yata sa nanay, mo!” Sagot ng nanay niya na may kasamang pagyayabang.
“At saka po nanay, ako po ang ilalaban ng aming school sa “oratory competition” sa darating na Linggo sa bayan.”
“Sa Linggo? Sa makalawa?” Tanong ng kanyang nanay.
“Opo, nanay.”
“Araw iyon ng palengke. Kalakasan ng pagtitinda ko ng mga kakanin. ‘Di puwede anak.”
“Bakit naman po nanay?” Malumanay na tanong ni Analine.
“Sino ang makakasama ng mga kapatid mo? Sino ang titingin sa kanila?” Tanong ng nanay.
“Nanay naman…katunayan po malapit ko na pong masaulo ang speech ko.” Paliwanag ni Analine.
“Anak alam mo naman na dito sa pagtitinda ko ng mga kakanin kinukuha natin ang ating pang-araw-araw na gastusin.” Paliwanag ng nanay.
“Nanay kalahating araw lang naman po iyon. Pagkatapos po uuwi din naman po ako agad.”
“Kahit na Analine. Isa pa anak, wala tayong pambili ng bagong damit at sapatos na gagamitin mo.”
“OK lang po ‘yon nanay. Kahit luma po ang damit ko’t sapatos ay sapat na po iyon para sa akin.”
“Kalimutan mo na ang paligsahan na iyon.” Madiin na sagot ng nanay.
“Pero po nanay…”
“Analine ‘wag ka nang makulit. Kampante ako kapag kasama ka nila Randy at Nole sa bahay.”
Natapos ang kanilang hapunan. Habang hinuhugasan ni Analine ang kanilang pinagkainang mga plato, may luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Hanggang sa kanyang pag tulog ay nakalarawan parin sa kanyang isipan ang naging reactions ng kanyang nanay. At muling sumagi sa isip niya ang namayapa niyang ama. Sa loob niya, seguro kung nabubuhay lang si tatay, matutuwa po siya at tiyak papayagan niya ako.
Kinaumagahan kinausap si Analine ng kaniyang nanay. Ang sabi, “Anak payag na ako.”
“Talaga po nanay!” Sa sobrang pagkatuwa ni Analine niyakap niya nang mahigpit ang kanyang nanay.
“’Di ako makatulog kagabi, anak. Naalaala ko ang pangako ko sa inyong ama.”
“Masaya po ako nanay. Bukas na po ang paligsahan. Pangako ko po na aking pagbubutihin.”
“Kakausapin ko ang lola n’yo na samahan muna niya ang mga kapatid mo sa bahay habang wala tayo.”
“Salamat po nanay.”
Dumating ang araw ng paligsahan. Alas 4 ng umaga umalis na ng bahay ang nanay ni Analine papuntang Salinas dahil doon aangkatin ang kanyang mga panindang kakanin. Ang bilin sa kaniya, “Anak anuman ang resulta sa paligsahan – manalo ka man o hindi ikaw parin ang panalo sa puso ko.”
6:30 ng umaga dumating si Ma’am Lilia para sunduin si Analine. “Anak, handa ka na ba?” Tanong sa kanya ni Ma’am Lilia.
“Opo Ma’am. Kabisado ko na po ang sasabihin ko sa entablado.”
“Huwag kang kakabahan Analine. Hugutin mo mula sa iyong puso ang bawat salitang iyong sasambitin.”
“Opo Ma’am. Tatandaan ko po iyon.” At sinundan iyon ng pagpapaalam sa kaniyang dalawang kapatid nang dumating na ang kanilang lola.
Ang paligsahan ay ginanap sa plaza ng bayan ng Tanza. Nagsimula ay bandang alas 8 ng umaga. Halos mapuno ng mga tao ang lugar: mga magulang, mga guro at mga estudyante.
Si Analine ay pang siyam at panghuling tinawag para magsalita sa entablado. Habang paakyat siya sa entablado paminsan-minsa’y hinihimas niya ang kanyang dibdib. Tumayo siya sa harapan ng mikropono, sa mga hurado at sa lahat ng mga manonood. At sinimulan niya ang kanyang speech.
Sa bandang huli ng kaniyang pananalita, ito ang kaniyang tinuran, “Nang lumipad ang saranggola napatid po ang tali. At hindi ko na po siya nakita. Ang tanging naiwan ay ang tali kong hawak na naging taga-pagbigkis sa amin. Ang tinutukoy ko pong saranggola ay ang namayapa ko pong ama. Ang kaniyang mga bilin at mga pangaral ay siyang nagbigkis sa aming mag-iina na puno ng pagmamahalan, pagsusunuran at pagpapahalaga sa isa’t-isa…Salamat po.”
Nang bumaba na si Analine mula sa entablado umugong ang nakakabinging palakpakan mula sa mga manonood. At paglipas ng limang minuto, inihayag na ng tagapagsalita ang nanalo, “Ang nagkamit ng unang gantimpala sa paligsahan sa taong ito na tatanggap ng 5 libong peso at tropiyo at ganun din ang kaniyang pinapasukan – dahil sa kaniyang husay at galing ay walang iba si … Analine Cordero ng Capipisa, Elementary School!” Kasabay ang masigabong palakpakan.
Nang marinig ni Analine, pasigaw niyang sinabi, “Ma’am Lilia nanalo po tayo!”
“OO Analine! Ang galing mo anak,” kasabay na niyakap niya si Analine. “Pero teka…yong huli mong sinabi ay wala sa isinulat ko, Analine!”
Tumango nalang si Analine na nakangiti. 
***Nothing Follows***

Thursday, September 13, 2018

Sen Trillanes Thought He is Secured in The Senate, While The Law Enforcement Agent Watching His Activities

Emotional Na Si Sen Trillanes: Pati EyeBags Niya Namamaga Na
Para kay Trillanes, ang kanyang mga abogado, supporters at mga kaalyado kasama na ang mga LP Senators - ang pananatili ni Trillanes sa Senado ay kasiyahan ng kanilang mga isipan because they thought that Sen Trillanes is safe and securely secured while he is in the Senate.

May pakinabang ba ang Estado natin, ordinaryong Pinoy at ang Law Enforcement Agent sa pananatili ni Sen Trillanes sa Senado?

Sen Trillanes thought he is safe and securely secured in the Senate's premises, but unaware that the State and the Law Enforcement Agent are watching him - his daily actions and other activities. Yes, it is an additional cost for the Senate ang extended stay ni Trillanes sa Senado. Pero ang pananatili ni Sen Trillanes sa Senado ay makakatulong sa Estado natin pati na rin sa lahat ng mga ordinaryong Pinoy kagaya natin. In what way, it is helpful?

  • If the warrant of arrest comes, we know where he is. It is easy to find Trillanes.
  • Habang nandoon siya sa loob ng Senado - malalaman natin kung sino-sino ang dumadalaw at kinakausap niya - kasama na ang sinumang foreign government na kinakausap nya kung may magkalakas na makipagkita sa kanya.
  • Ang pananatili ni Trillanes sa Senado ay magbibigay ng ideya sa Law Enforcement Agent tulad kay PNP Chief Albayalde na kumuha o mag-apply sa korte ng warrant for Wiretapping dito kay Sen Trillanes and it is fairly easy to tap in to the Senate line and the Senate cannot object it as ordered by the court.

Minsan nanggagaling sa bunganga ng mga kaalyado ni Trillanes ang maagang ikakapahamak sa kanya. This suggestion about wiretapping ay mula mismo kay Congressman Alejano who brought up the wiretapping act. Nang minsan banggitin nya ang tungkol sa wiretapping na na kwento ni Pangulong Duterte sa isa sa mga speeches niya na si Trillanes ay allegedly nakikipag-ugnayan sa ibang grupo not only to destabilize the present government but to overthrow Duterte. Na ayon kay Alejano pwede kasuhan ang pangulo, dahil daw ang anumang impormasyon na mula sa wiretapping ay illegal at hindi pwedeng gawin ebidensya laban sa isang suspect person.

Seguro nakalimutan ni Congressman Alejano at ng mga nagmamagaling experto kuno sa batas - ang wiretapping ay pwede maging legal kung ito ay may approved warrant from court to wiretap. Anti-WireTapping Act - allows Law Enforcement Agent to obtain a warrant to wiretap a suspect, if the crime that the suspect involved National Securities like Sedition and Rebellion and other crimes that involve the Security of State such as Treason, Terrorism and Kidnapping, according to Atty. Trixie.

Nang malaman natin sa unang araw pa lang na ang Senado ay ginawa ni Sen Trillanes as temporary hotel for his safety - dahil sa takot na siya ay baka damputin at ibalik sa kulungan - karamihan sa atin ay naging emotional, nakaramdam tayo ng galit sa kanya and we addressed him as "Coward". Also we questioned the Senate President Sotto and other senators kung bakit nagkaisa silang protektahan si Sen Trillanes. The fact is, normal para sa mga Senador na ang kapwa nila Senador ay tulungan sa oras ng kagipitan and the best thing they can offer at that time was to let him stay in his Senate office up to now.

Source of idea and other info:

Binigyan Ng 10 Days Ng Makati RTC si Sen Trillanes Para Sagutin Ang Kasong Kudeta

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!