loading...

Thursday, May 17, 2018

Patay Na Nga Ba Ang Demokrasya Sa Pilipinas? Sino Ang Pumatay Sa Kaniya



Patay na nga ba ang Demokrasya sa Pilipinas? Kadalasan kasi sa bawa't may Rally o Protesta sa kalsada, malimit na isinisigaw ng mga Diliwan na ang Demokrasya sa Pilipinas ay Patay na. Pero kung tunay ngang patay na ang Demokrasya sa Pilipinas - bakit malaya pa rin silang nagma marcha sa kalsada at pagkatapos ng kanilang protesta, iiwan nila ang kalsada na puno ng kanilang kalat at dumi?



Nang si Senadora Leila de Lima ay nakulong, sigaw ng Dilawan: Patay ang Demokrasya. Pero nang hindi nabigyan ng tamang pag-aruga ang mga biktima ng bagyong Yolanda, walang sumigaw na Dilawan dahil para sa kanila Buhay noon ang Demokrasya para ehukos-pukos at tuluyang maglaho ang pondo na dapat sana ay para sa mga Yolanda victims.

Nang si dating Pangulong Marcos nailibing sa LNB, sigaw ng Dilawan: Patay ang Demokrasya. Pero nang mamatay ang SAF44, at hindi binigyan ng tamang hustisya, walang sumigaw na Dilawan dahil para sa kanila Buhay noon ang Demokrasya para ipagkait ang hustisya na nararapat sa mga naiwang pamilya ng mga namatay.

Nang tanggalan ng lisensha ang Rappler, sigaw ng Dilawan: Patay ang Demokrasya. Pero nang turukan ang 830,000 kabataan ng Dengvaxia, at ang iba sa kanila ay namatay na, walang sumigaw na Dilawan dahil para sa kanila Buhay ang Demokrasya para pagkakitaan ang Dengvaxia.

Nang ang madreng si Fox ay nahuli at nakulong, sigaw ng Dilawan: Patay ang Demokrasya. Pero nang mawarak ang tulay na kahoy sa Zamboangga na nagkahalaga ng 12 milyong peso, walang sumigaw na Dilawan dahil para sa kanila Buhay ang Demokrasya at mas mainam na manahimik na lamang sila.

At nang si dating CJ Sereno ay ma-ousted sa SC through Quo Warranto, sigaw ng Dilawan: Patay ang Demokrasya. Pero nang ipahiya ang Pilipinas at si Pangulong Duterte nila Trilanes, Fake VP Robredo, Sabio, Alejano at Matobato sa International Communities sa kanilang kasinungalingan, walang sumigaw na Dilawan sa kalsada dahil para sa kanila Buhay ang Demokrasya at karapatan nila na gawin yon!

Ngayon tanong ko kabayan: Ilan Buhay Ba Meron Ang Demokrasya?

#VoiceAgainstBiasedMedia

3 comments:

  1. Ang dilawan lang ba ang may demokrasya ? Sila lang ba? Paano na tayong tunay na nananalig ng demokrsaya lagi na lang pinagkakaitan ng mga walang kaluluwa na mga yellowtards? Anong klaseng demokrasya ang para sa atin ayaw ko ng demokrsaya ng yellowtards makasarili mapang alipin .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayaw ko sa mapanlinlang at nakakalasong demokrasya na gusto ng Dilwan. Under the Duterte administration, ang layon ay kaayusan, kapayapaan ng bansa at kaginhawahan ng bawat mamamayan. At ang bawat mamamayan ay malayang nakakakilos na may respeto, kumikilala at nakikiisa sa namumuno, at sumusunod sa batas na pinaiiral.

      Delete
  2. Ayon sa online encyclopedia - ang Demokrasya ay mula sa salitang Driyego na Demos = mga tao, at Kratos = paghahari o pamamahala. Ang Demokrasya sa literal na kahulugan - ay ang pamamahala ng mga tao - sila ang mga taong hinalal o pinili ng taong bayan.

    Ang Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan - mula sa Presidente down to Barangay Kagawad. Nasa mga taong bayan ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang lugar o bansa man.

    Nang mahalal ng taong bayan si Mayor Duterte sa pagka-Pangulo noong 2016 national election, ang Demokrasya ay buhay at nanatiling buhay magpa hanggang ngayon. Itong isinisigaw ng mga Dilawan na Patay na daw si Demokrasya - para sa akin ay bunga ng kanilang Mapanglinlang at nakalalasong Imahinasyon, na ang pakay ay guluhin ang kaayusan at katahimikan ng bansa at lasunin ang isipan ng ating kapuwa Filipino.

    ReplyDelete

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!