loading...

Saturday, April 29, 2023

Sixty-three Years' Journey

Milyong salamat po sa Dios, sa patuloy Niyang pagpapahiram po sa akin ng buhay. Today, April 29, 2023, marks the 63rdyear sa aking paglalakbay sa mundong ito. Loobin po na patuloy po Niya akong Kaawaan, gabayan at samahan sa bawa't hakbang na aking gagawin sa araw at gabi with my beautiful family.

My Beautiful Family: Paul, Melda, Fe, Khar & Joy

Sixty-three Years' Journey

 Anim-napu't tatlong taong nabubuhay
Mula nang ako’y unang umiyak sa dibdib ni Nanay
Kahit ako'y nasa gitna ng hirap at lumbay
Ang kabataan ko’y puno ng saya at kulay...
 
Maraming bagyo sa buhay ko ang dumaan
Ang pag-iyak ko’y hindi ko na mabilang
Minsan nakatitig ako sa malawak na kalangitan
Binibigkas ng bibig ay pag-ibig at kapayapaan...
 
Maraming pagkulog at pagkidlat
Ang aking nakita at narinig
Katawan ko’t isipan ay nanginginig
Dumadagundong sa tainga ang kanilang tinig
Katawan ko’y nanlata at ‘di makatindig...
 
Heto ako’t patuloy na naglalakbay 
Sa edad na 63, sa sinapupunan ni Inang-Kalikasan 
Ay nabubuhay sa pag-ibig at pagmamahal
Salamat po sa Dios, sa mga biyayang aking natanggap!


Thursday, April 6, 2023

Pagbabalik Tanaw: Nang Ibigay Ng Langit si Tatay Digong, Ligaya at Kalayaan Naramdaman Ng Milyong Pinoy

Hindi maikukubli ang pagiging ama
Inialay ang kanyang buong panahon
Sa kanyang ulo ay kumikinang korona
Puno ng lakas, pag-asa at tagumpay...

Siya ay itinakda ng tadhana
Na maging ama ng Perlas ng Silangan
Gintong adhikaing kanyang inialay
Kay Inang-bayan na kanyang minamahal...

Sa gitna ng walang humpay na mga pagbatikos
Ng mga taong walang prinong umuusig
Pangalan n'ya, pagkatao't buong angkan
Hinahatak pababa hanggang sila'y dumapa...

Tinulak siya sa kasalanan na di nya ginawa
Siya raw ay diktador at mamamatay tao
Kasinungalingan dahil kanyang binihisan at hinaplos
Ang Pilipinas ng totoong serbisyo at pagmamahal...

Bintang nila'y masakit sa puso'y nagwawala
Bombang sasabog na ikamamatay ang dala
Pilit nilang ipinupunla sa mga isipan ng madla
Lason na nakamamatay kung hindi mapuksa!

Kabayan sino ang pintig ng iyong puso
Sila ba na tulero na ang mga isipan -
Hangad nila'y wasakin ang imahe ng dating pangulo
Kung maglingkod ay tapat at bukas-palad?
---------------------------------------------------------------------
LUZVIMINDA: Luzon, Visaya at Mindanao, alam ng nakakarami mong angkan na si Amang Duterte ay may magandang kalooban, lakas at tapang para mapanatili ang iyong ganda at katahimikan - nguni't hindi rin maitatatwa na mayroong mga pasaway na nagtatago sa likod ng maskara - mga pasaway ng lipunan na nagtataglay ng maiitim na budhi at masasamang hangarin para saktan ang kalooban mo at sugatan ang iyong sinapupunan.

Bilang dating pangulo ng Luzon, Visaya at Mindanao - si Pangulong Duterte ay sumumpa na seguraduhin ang seguridad ng buong bansa. Walisin ang lahat ng duming iniwan at ikinalat sa iyong mukha at buong katawan ng nagdaang administrasyon. Sumumpa siya sa harap ng Sambayanang Filipino na sa loob ng kaniyang termino ay ipaparanas niya sa bawa't angkan mo ang tunay at totoong pagbabago na sa loob ng tatlong dekada ay ipinagkait sa kanila.

Opo, LUZVIMINDA - maraming nagmahal at nagtiwala kay dating Pangulong Duterte, hindi lamang 16 milyon - aabot pa sana hanggang 21 milyon kung hindi sana ginamitan ng hokus-PCOS noong araw ng botohan - pero huwag mabahala dahil silang 16 milyon ay buong puwersang nagkaisa para suportahan ang lahat na layunin at adhikain ng dating Pangulong Duterte!

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!