loading...

Monday, July 8, 2019

KAPA Founder Pastor Joel Apolinario: Walang matinong batas ang Administration

Pastor Joel Apolinario: Walang Matinong Batas Ang Administration
Sagad na sa buto ang galit ni KAPA founder Pastor Joel Apolinario sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Para sa kanya walang matinong batas ang administration. Naisip ko tuloy: Kung walang pangil ang batas hindi sana mapapasara ang alleged KAPA Investment Scam - in the disguised of donations? Kung hindi matino ang batas dapat ang KAPA Investment Scam ay namamayagpag pa hanggang ngayon. 

Ngayon ko lang naintindihan na ang gusto pala talaga ni KAPA founder Pastor Joel Apolinario - ang kagustuhan ng namamahala ng alleged KAPA Investment Scam ang siyang sundin ng batas na umiiral sa Pilipinas. Ang pagka-alam ko ang sinumang hindi sumusunod at nererespito ang batas na umiiral is a crime. At naniniwala ako na hindi ipapasara ni Pangulong Duterte ang alleged KAPA Investment Scam kung ito ay walang nilabag na batas. 

Sa sinabi ni KAPA founder Joel Apolinario na "Walang matinong batas ang Administrasyon" lalung nag-apoy ang sama ng kalooban ng kanyang members/donors. I quote "We have to fight for our rights, the government are corrupt! They are the one who scams the people and they are the one whose doing the pyramid and Ponzi scheme, they are after Kapa coz they’re are very jealous and very scared that Kapa will become really big and the poor people will rise!"

Ayun sa KAPA - meron daw mga abogadong hindi member ng KAPA nagsabing wala sa due process ang pagpasarado sa KAPA - kung walang due process ang pagpasarado sa KAPA dapat sana sa araw ng June 8, 2019 nang ipag-utos ni Pangulong Duterte to close down KAPA sa araw mismo na yun nasa kulungan na si Pastor Joel Apolinario at ang iba pang KAPA officials. Pero dahil meron due process - si Pastor Joel Apolinario ay kasalukuyang nagtatago.

Sa totoo lang humanga ako sa talino ni Pastor Joel Apolinario pagdating sa pagkakakitaan - gamit ang talino at galing sa pananalita, he was able to attract millions of people to invest to KAPA in the disguise of donation. He is genius!

Sa logo ng KAPA ginamit nila ang (1 Cor 1:5) para lalu natin maunawaan kung ano ang sinasabi sa (1 Cor 1:5) I decided to copy the whole chapter 1Cor 1:1-31).


New International Version Par ▾ 
1Paul, called to be an apostle of Christ Jesus by the will of God, and our brother Sosthenes,
2To the church of God in Corinth, to those sanctified in Christ Jesus and called to be his holy people, together with all those everywhere who call on the name of our Lord Jesus Christ—their Lord and ours:
3Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ.

Thanksgiving

4I always thank my God for you because of his grace given you in Christ Jesus. 5For in him you have been enriched in every way—with all kinds of speech and with all knowledge— 6God thus confirming our testimony about Christ among you. 7Therefore you do not lack any spiritual gift as you eagerly wait for our Lord Jesus Christ to be revealed. 8He will also keep you firm to the end, so that you will be blameless on the day of our Lord Jesus Christ. 9God is faithful, who has called you into fellowship with his Son, Jesus Christ our Lord.

A Church Divided Over Leaders

10I appeal to you, brothers and sisters, a in the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree with one another in what you say and that there be no divisions among you, but that you be perfectly united in mind and thought. 11My brothers and sisters, some from Chloe’s household have informed me that there are quarrels among you. 12What I mean is this: One of you says, “I follow Paul”; another, “I follow Apollos”; another, “I follow Cephas b ”; still another, “I follow Christ.”

13Is Christ divided? Was Paul crucified for you? Were you baptized in the name of Paul? 14I thank God that I did not baptize any of you except Crispus and Gaius, 15so no one can say that you were baptized in my name. 16(Yes, I also baptized the household of Stephanas; beyond that, I don’t remember if I baptized anyone else.) 17For Christ did not send me to baptize, but to preach the gospel—not with wisdom and eloquence, lest the cross of Christ be emptied of its power.

Christ Crucified Is God’s Power and Wisdom

18For the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God. 19For it is written:
“I will destroy the wisdom of the wise;
the intelligence of the intelligent I will frustrate.” c
20Where is the wise person? Where is the teacher of the law? Where is the philosopher of this age? Has not God made foolish the wisdom of the world? 21For since in the wisdom of God the world through its wisdom did not know him, God was pleased through the foolishness of what was preached to save those who believe. 22Jews demand signs and Greeks look for wisdom, 23but we preach Christ crucified: a stumbling block to Jews and foolishness to Gentiles, 24but to those whom God has called, both Jews and Greeks, Christ the power of God and the wisdom of God. 25For the foolishness of God is wiser than human wisdom, and the weakness of God is stronger than human strength.

26Brothers and sisters, think of what you were when you were called. Not many of you were wise by human standards; not many were influential; not many were of noble birth. 27But God chose the foolish things of the world to shame the wise; God chose the weak things of the world to shame the strong. 28God chose the lowly things of this world and the despised things—and the things that are not—to nullify the things that are, 29so that no one may boast before him. 30It is because of him that you are in Christ Jesus, who has become for us wisdom from God—that is, our righteousness, holiness and redemption. 31Therefore, as it is written: “Let the one who boasts boast in the Lord.” d

Sunday, July 7, 2019

Ang Dapat Ma-Impeach Yung Walang Malasakit sa 110,000,000 Filipinos, Mahina sa Math at Burak ang Laman ng Utak

Photo Sources: Facebook Groups Uploads

Ito ay opinyon ko: Ang dapat ma-impeach ay yung opisyal ng bayan na hindi pinakikinabangan ng bansang Pilipinas at ng 110 milyong Filipinos. Yung mahina sa kuwentahan at yung burak ang laman ng utak. Kayong mga mangingisda at iba pang grupo na laging kontra sa mabuting pamamalakad ng kasalukuyang pangulo ng bansa - lahat kayo ay nakikinabang sa mga magagandang ginagawa ni Pangulong Duterte. 

Huwag kayong magbulag-bulagan sa katotohanan, e-try nyo na ekompara si Pangulong Duterte sa mga nagawa ng mga nakaraang pangulo ng bansa after former President Marcos - pagsama-samahin man ang mga nagawa ng mga adaminstrasyon magmula kay Mrs. Cory Aquino, Mr. Ramos, Mr. Estrada, Mrs. Arroyo hanggang kay Mr. Ninoy Aquino - ang buong panahon nila sa panunungkulan - pagdating sa mga nagawa na ay wala pa sa kalingkingan sa tatlong taon pa lamang ni Pangulong Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.

Source: News -ABS-CBN.Com

Wala akong pakialam kung kayong mga mangingisda ay mga bayaran o binayaran ng mga oposisyon para ipa-impeach si Pangulong Duterte - sa akin lang hindi na kayo mga bata na ipinanganak ngayon, lahat ng mga nangyayari ngayon ay nakikita ninyo at tiyak kong kayo ay may sapat na pang-unawa. Konting hiya naman sa sarili - si Pangulong Duterte ay nandyan hindi lamang para sa iilang Filipino kungdi para sa lahat ng mga mamamayang Filipino.

Sa palagay nyo ba - kung ipa-impeach ninyo ang pangulo maso-solve na ang problema sa West Philippine Sea? Saan parte ng inyong mga ulo nakahimlay ang inyong mga utak? Dapat ang ipanawagan ninyo ay magka-isa ang mga Pinoy anumang kulay nakalinya sila na suportahan ang pangulo sa lahat na kanyang adhikain. Alam ko hindi kayo bulag para hindi ninyo makita ang mga nagaganap na mga pagbabago sa inyong kapaligiran. 

Read also: Fake VP Leni Robredo's Dream to Get The Seat of Power

Wednesday, July 3, 2019

Halatang-halata na si Madam Fake VP Robredo na Mayakap ang Gintong Trono ng Kasikatan

Fake VP Leni Robredo's Dream to Get The Seat of Power
I quote the statement of Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna, "Robredo may get herself impeached for urging the Minority in the House to press impeach rap against the president..."

Dahil sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na "little maritime incident" sa nangyari sa Reed Bank - na naging laman sa lahat ng mga pahayagan sa bansa maging sa mga reports ng radio at Television, at maging sa Kongreso ay naging talakayan ito - hanggang sa gawing ito na dahilan ng mga Dilawan/LP para maging rason na ma-impeach daw si Pangulong Duterte.

Ito rin ang nag-udyok kay Fake VP Robredo na hikayatin ang minority members of the Congress - urging them to press impeach rap against the president... She said, I quote "Kahit minority kayo, ipaglaban ang tama pa din. Kahit napaka-kaunti ng numero, ang pinakamahalaga doon, hindi ka napapagod ipaglaban ang tama."

Sa naging pahayag ni Fake VP Leni Robredo, nagpapakita ito na atat na atat na siya para marating niya at mayakap ang gintong trono ng kasikatan - ang maging pangulo ng Pilipinas. Hindi manlang niya naisip na ang paghikayat niya sa kanyang mga kaalyadong minority members sa Congress ay pwede maging rason na siya ay ma-impeach ayun kay PACC Commissioner Manuelito Luna.

Kung babalikan natin ang nakaraan, matagal na na si Fake VP Leni Robredo ay isa sa mga Dilawan/LP who have demoralized Duterte, the Philippines and the Filipino people in the International Communities.

Published March 13, 2017 - Katibayan ng Kasinungalingan ni Fake VP Robredo para masira ang Administrasyon ni Pangulong Duterte sa International Communities

Si Fake VP Robredo ay galit sa mga Fake News - pero siya pala talaga ang nagkakalat ng Fake News - ang katibayan ay ang video na kaniyang pinadala sa United Nations na naglalaman ng mga kasinungalingan para lamang sirain ang Pangulong Duterte at ang kaniyang pamamahala sa mata ng International Communities. Fake VP Leni Robredo does not deserve our love and respect.

Sources:

VP Robredo is also impeachable
Bidyo ng Kasinungalingan ni Fake VP Robredo
Because of VP Robredo's ambition to get the seat of power

Tuesday, July 2, 2019

Tatlong dekada ang Pinas nasadlak sa Putikan: Babalik pa ba tayo sa ganun Kapaligiran?

For 2022 National Election: Sanib-puwersa Duterte and Marcos Family (pagka-Presidente at Bise Presidente)

Malayo pa ang 2022 eleksyon - nguni't pinag-uusapan na ito ng maraming Filipino hindi lamang sa loob ng bansa maging sa labas ng bansa. Kahit sa Kongreso - election 2022 pinag-uusapan na ng mga Senador at Congressmen.

Maging sa mga ordinaryong Filipino at ganun din po sa mga mamamahayag. Meron na silang napipisil kung sino ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-Presidente. Minamadali nilang hatakin ang 2022 National election.

Sa kanilang napipisil meron na tatlong pangalan na lumilitaw na ayun sa kanila ay handa nilang suportahan kung tatakbo sila sa 2022 presidential election. Ang isa sa tatlo ay si Chel Diokno - ang isa sa Otso na talunan sa nakaraang 2019 Midterm election. Na ayun sa isang netizen si Mr. Diokno ay nagtataglay ng mabuting kalooban. 

Ayun sa kwento ng netizen - sa isang lugar ng Maynila, siya raw ay pumara ng taxi kasabay ng isa pang mama - nang kanyang pagmasdan natutop nya na yung kasabay na pumara sa taxi ay si Chel Diokno at nang huminto na ang taxi sa harap nila - si Mr. Diokno ay nagpaubaya sa kanya. Kaya mula noon sa puso ng netizen - kung sakaling tumakbo pagka-pangulo sa 2022 si Mr. Diokno - this netizen will lead the campaign for Diokno.

Ang ika-dalawang pangalan na lumitaw ay si Fake VP Robredo. Noon pa man atat na atat na ang kanyang mga kaalydong Dilawan at LP. Meron pa nga pong pari/bishop na nagdasal na magkasakit si Pangulong Duterte. Ngayon palang sasabihin ko na si Fake VP Robredo ay walang kakayahang mamuno ng bansang ito. Ultimo sa math ang hina nya: 4x40 ang sagot nya ay 1,600 daw.

Ang ikatlong pangalan ay walang iba ang Founder ng KAPA Community Ministry International, INC. Na ayun sa kanyang mga member na aabot daw ng limang milyon ay kanilang hihikayatin na tumakbo pagka-Pangulo sa 2022 ang kanilang founder na si Pastor Joel Apolinario. Itong 5 million members ay magiging 20 million daw na boboto kay Pastor Apolinario - dahil daw bawat member ay meron apat sa pamilyang botante. So ang 5million x 4 aabot daw ito ng 20 miilion - na mas marami pa sa bumoto kay Pangulong Duterte noong 2016.

Assuming na sila Diokno, Robredo at Pastor Apolinario ay kakandidato pagka-Pangulo sa 2022 - ano kaya ang kanilang mga produkto (Plata-Porma) na iaalok sa mga Filipino para sila paniwalaan at suportahan? Sa obserbasyon ko marami pang bigas ang kakainin ng tatlong ito. Ang kanilang karanasan ay hindi pa sapat para mamuno sa bansang ito.

Ayaw ko muna sanang ipagsigawan sa madla ang napipisil kong mga may karapatan at may kakayahang pamunuan ang Pilipinas. Sila ay mula sa dalawang pamilya - ang pamilya Duterte at Marcos. Kapag sila ay magsanib puwersa ang Pilipinas ay mapapabuti lalo. Una, sa loob lamang ng tatlong taon na panunungkulan ni Pangulong Duterte, nakita natin ang maraming pagbabago. 

Kung atin naman babalikan ang mga nagawa nang nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos - sa panahon niya nagsimulang umangat ang Pilipinas at nakilala sa buong mundo. Halos lahat ng kanyang mga ginawa noon ay atin parin napapakinabangan hanggang ngayon. Bobo, inutil at bulag ang isang Filipino na hindi sasang-ayun sa mga magagandang nagawa ni dating Pangulong Marcos at sa kasalukuyang pangulo.

Ngayon palang isisigaw ko na sa buong mundo na ang presidente ko at bise presidente ko ay magmumula sa pamilya Duterte at Marcos. Kung sinuman sa kanila ang tatakbo pagka-pangulo o pagka-bise presidente kapwa ko sila susuportahan. Anumang posisyon ang mapili nila Bongbong Marcos at Sara Carpio Duterte all the way ang suporta ko sa kanila - dahil ayaw ko nang balikan ang kapaligiran na ang Pilipinas ay nasadlak sa putikan, kasinungalingan at kamangmangan sa loob ng tatlong dekada ng buhay ko. 

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!