loading...

Tuesday, July 2, 2019

Tatlong dekada ang Pinas nasadlak sa Putikan: Babalik pa ba tayo sa ganun Kapaligiran?

For 2022 National Election: Sanib-puwersa Duterte and Marcos Family (pagka-Presidente at Bise Presidente)

Malayo pa ang 2022 eleksyon - nguni't pinag-uusapan na ito ng maraming Filipino hindi lamang sa loob ng bansa maging sa labas ng bansa. Kahit sa Kongreso - election 2022 pinag-uusapan na ng mga Senador at Congressmen.

Maging sa mga ordinaryong Filipino at ganun din po sa mga mamamahayag. Meron na silang napipisil kung sino ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-Presidente. Minamadali nilang hatakin ang 2022 National election.

Sa kanilang napipisil meron na tatlong pangalan na lumilitaw na ayun sa kanila ay handa nilang suportahan kung tatakbo sila sa 2022 presidential election. Ang isa sa tatlo ay si Chel Diokno - ang isa sa Otso na talunan sa nakaraang 2019 Midterm election. Na ayun sa isang netizen si Mr. Diokno ay nagtataglay ng mabuting kalooban. 

Ayun sa kwento ng netizen - sa isang lugar ng Maynila, siya raw ay pumara ng taxi kasabay ng isa pang mama - nang kanyang pagmasdan natutop nya na yung kasabay na pumara sa taxi ay si Chel Diokno at nang huminto na ang taxi sa harap nila - si Mr. Diokno ay nagpaubaya sa kanya. Kaya mula noon sa puso ng netizen - kung sakaling tumakbo pagka-pangulo sa 2022 si Mr. Diokno - this netizen will lead the campaign for Diokno.

Ang ika-dalawang pangalan na lumitaw ay si Fake VP Robredo. Noon pa man atat na atat na ang kanyang mga kaalydong Dilawan at LP. Meron pa nga pong pari/bishop na nagdasal na magkasakit si Pangulong Duterte. Ngayon palang sasabihin ko na si Fake VP Robredo ay walang kakayahang mamuno ng bansang ito. Ultimo sa math ang hina nya: 4x40 ang sagot nya ay 1,600 daw.

Ang ikatlong pangalan ay walang iba ang Founder ng KAPA Community Ministry International, INC. Na ayun sa kanyang mga member na aabot daw ng limang milyon ay kanilang hihikayatin na tumakbo pagka-Pangulo sa 2022 ang kanilang founder na si Pastor Joel Apolinario. Itong 5 million members ay magiging 20 million daw na boboto kay Pastor Apolinario - dahil daw bawat member ay meron apat sa pamilyang botante. So ang 5million x 4 aabot daw ito ng 20 miilion - na mas marami pa sa bumoto kay Pangulong Duterte noong 2016.

Assuming na sila Diokno, Robredo at Pastor Apolinario ay kakandidato pagka-Pangulo sa 2022 - ano kaya ang kanilang mga produkto (Plata-Porma) na iaalok sa mga Filipino para sila paniwalaan at suportahan? Sa obserbasyon ko marami pang bigas ang kakainin ng tatlong ito. Ang kanilang karanasan ay hindi pa sapat para mamuno sa bansang ito.

Ayaw ko muna sanang ipagsigawan sa madla ang napipisil kong mga may karapatan at may kakayahang pamunuan ang Pilipinas. Sila ay mula sa dalawang pamilya - ang pamilya Duterte at Marcos. Kapag sila ay magsanib puwersa ang Pilipinas ay mapapabuti lalo. Una, sa loob lamang ng tatlong taon na panunungkulan ni Pangulong Duterte, nakita natin ang maraming pagbabago. 

Kung atin naman babalikan ang mga nagawa nang nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos - sa panahon niya nagsimulang umangat ang Pilipinas at nakilala sa buong mundo. Halos lahat ng kanyang mga ginawa noon ay atin parin napapakinabangan hanggang ngayon. Bobo, inutil at bulag ang isang Filipino na hindi sasang-ayun sa mga magagandang nagawa ni dating Pangulong Marcos at sa kasalukuyang pangulo.

Ngayon palang isisigaw ko na sa buong mundo na ang presidente ko at bise presidente ko ay magmumula sa pamilya Duterte at Marcos. Kung sinuman sa kanila ang tatakbo pagka-pangulo o pagka-bise presidente kapwa ko sila susuportahan. Anumang posisyon ang mapili nila Bongbong Marcos at Sara Carpio Duterte all the way ang suporta ko sa kanila - dahil ayaw ko nang balikan ang kapaligiran na ang Pilipinas ay nasadlak sa putikan, kasinungalingan at kamangmangan sa loob ng tatlong dekada ng buhay ko. 

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!