Senadora Leila de Lima |
Sa trono ng kasikatan at kapangyarihan
Lahat ng aking ibigin ay nangyayari
Ngayon ako’y isang basahan na pinandidirihan...
Akala ko wala nang katapusan
Ang nakamit kong kaligayahan
Mula nang ako’y sumisikat pa lamang
Na abogado, huwis at naging senadora...
Ang kasikatan ko’y hindi maipagkakaila
Maraming tao ang humanga sa akin
Pinangarap nila na ako’y mahagkan at mayakap
Ako’y kanilang inidolo at minahal ng labis...
Nguni’t biglang nagbago ang ihip ng hangin
Iniwan ako ng aking mga kakilala’t kaibigan
Ako’y kanilang ipinagkanulo’t pinaratangan
Kasabay ang galit ng mamamayan at lipunan...
Ako raw ay protektor ng taong hanapbuhay ay druga
Ako raw ay umaabuso ng kapangyarihan na taglay ko
Kaya ako’y nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan...
Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran...
Ang kanilang mga hinaing at paghihirap
Ang kanilang mga luhang nalalaglag
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas...
Aaminin ko mahirap ang magkunwari
Ang bawat himaymay ng aking laman
Ay sumisigaw din ng matinding hirap
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit...
At ang mga karapatan ko bilang mamamayan
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan
Ang pagiging ilaw ko ng tahana’y pawawalang bisa din
Kasama ang karapatan kong maghanap ng ikabubuhay...
Masakit pala kapag napikon ang langit
Nguni’t ‘di ko magawang magalit sa Maylalang
Batid kong Siya ang higit na nakaaalam
Sa buhay ko na minsa'y Kaniyang kinalugdan!
No comments:
Post a Comment