Sa unang taon ni Pangulong Duterte sa panunungkulan, libo-libong mga drug-users, drug-pushers ang nag surender. At meron din naman namatay na mga durugista sa panahon ng police-raid-operations dahil lumaban. Ang resulta ng War on Drugs ng Pangulo ay minaliit ng mga Dilawan - kesyo yong mga nahuhuli at napapatay ay mga isdang maliliit lamang samantala daw yong mga malalaking isda ay masayang lumalangoy hanggang ngayon sa kaligayahan. Maliban sa mga nagsurender na mga drug-addicts, si Senador De Lima ay kasalukuyan ngayon nakakulong at isang Mayor ng Leyte ay namatay dahil sa pagkaka-ugnay sa druga.
Pagpasok sa ikalawang taon ni Pangulong Duterte sa pamunuan - nagulantang ang buong sambayanan dahil sa pagkamatay ng isang Mayor ng Ozamis City na si Reynaldo O. Parojinor Sr., ang kaniyang asawa at 13 pa niyang mga tauhan - kasabay ang pagkahuli ng kaniyang anak na si Vice Mayor Nova Parojinog Echaves ng Ozamis City. Ang pamilyang Parojinog ay tinaguriang "Dragon", "DrugLord", "Untouchable" ng nasabing siyudad. Si Mayor Parojinog ay isa sa mga nasa list of Narco-politicians na ibinunyag ng Pangulong Duterte sa unang taon niyang panunungkulan.
Kabayan, ang pagkamatay ni Mayor Parojinog at pagkadakip ng kaniyang anak na si Vice Mayor Nova Parojinog Echaves at iba pang membro ng pamilya - ay maging sinyales na kaya ito na may susunod pang mga "Dragons" o mga "Untouchables" na makukulong o mamamatay? Who will be the next dragon to meet his final end?
Dragons of Ozamis City - Pamilya Parojinog |