loading...

Tuesday, July 25, 2017

Mga Muta at Dumi Ang Mga Raliyista Ngayon: Dapat Ba Silang Linisin at Walisin

Demonstrations and rallies have their uses as warning signals to our government workers. But they, in themselves, cannot solve problems. All that they do is to add to the fear of investors depriving ourselves of the investments needed to kick-start the economy.

Sa mga nakaraang administrasyon nakita ko ang maraming demonstrasyon at mga rallies sa mga lansangan ng Metro Manila. Pag nagbasa ka ng mga diyaryo - laging naka balandra doon ay mga kuwento ng mga raliyista tulad ng iba't-ibang hinaing na kanilang ipinapanawagan sa mga naka-upong opisyal ng gobyerno na mabigyan ng karampatang solusyon.

Yes, agree ako sa kanilang mga panawagan dahil ako mismo ay hindi kontento sa paraan ng pamamalakad ng mga nasa kapangyarihan ng ating pamahalaan noon. Kalimitan ang nakita ko noon ay pawang pansarili lamang ang higit na nabibigyan ng kanilang pagpapahalaga - at dahil sa kanilang pagpapabaya sa kanilang mga tungkulin, ang Pilipinas at ang mga mamamayan ay lalong naghikahos.


Pero ngayon iba ang nakikita ko - ang mga panawagan ng mga nagra-rally sa kalsada ay hindi umaayon sa totoong pinaglalaban bagkus ang mga pagra-rally ng mga raliyista ngayon ay ginawa nang hanap-buhay. Bawa't pagma-martsa sa kalsada ay may katumbas na halaga. Ang mga raliyista ngayon ay sukdulan nang nagpapagamit sa mga kalaban ng bagong administrasyon. At naging wild na sila - ni hindi na nila magawang erispito ang pangulo.

Katulad na lamang sa nangyaring pagharap ni Pangulong Duterte sa mga nagra-rally sa araw nang matapos ang kaniyang pangalawang SONA. Hinarap niya ang mga raliyista, kinausap niya sila bilang isang ama sa kaniyang mga anak - subali't binastos siya nang harapharapan. Kung tutuusin nga po, napakasuwerti ng mga nagra-rally dahil sa unang pagkakataon ang isang Pangulo ng bansa ay hinarap sila. Binigyan sila ng pagkakataon na mapakinggan ang kanilang mga hinaing - pero binale wala ng mga raliyista ang pagkakataon na iyon - sila pa ang nagmalaki.

Opo nasa demokrasya tayo. At ayon po kay Pangulong Duterte ang kaniyang mensahe sa mga magra-rally sa araw ng kaniyang second SONA, I quote "This is a democracy...I am an exponent of freedom to air your grievance. You are free to do anything you want there. Just don't break the law and don't impede the flow of traffic."

Ngayon ang mga bayarang raliyistas ay mga bulag sa katotohanan. Sila ay nagpapagamit sa mga Dilawan at iba pang organisasyon na ang hangad ay guluhin at pabagsakin ang Administrasyon ni Pangulong Duterte. Sila ay mga muta at dumi ng lipunan na dapat linisin at walisin. 

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!