loading...

Saturday, February 24, 2018

Cardinal Tagle Another Cardinal Sin - a 'Sinner' Opposing Roman 13: 1-6


From the bottom of my heart, I can tell it that Cardinal Tagle is another Cardinal Sin being used by Satan para e-brainwash ang mga Filipino sa layuning wasakin ang "Good and Beautiful Governance" of President Rodrigo Roa Duterte. Gamit ang simbahan at ng kaniyang matatamis na pananalita - hinihimok ang taum-bayan na magkaisa laban sa bagong administrasyon.

Related Article: Roman 13: 1-6 Cardinal Tagle and others must Adhere

Kung babalikan natin ang 1986 EDSA, nang manawagan sa taum-bayan si Cardinal Sin sa layuning to topple former President Marcos dahil daw isa siyang diktador at pinaniwala ang Filipino noon na namumuhay daw na walang demokrasya na kung ating hihimayhimayin ang nangyari - iyon ay isang kasinungalingan at pagkakamali.

Ang mga nagsabi noon na walang demokrasya at diktador si Marcos ay mga taong sinungaling, ang resulta after the EDSA revolt - the democracy in Philippines has become democrazy - dahil mismo ang mga namuno ay nagkaroon ng kalawang sa utak - mas nag concentrate sa pagnanakaw ng kaban ng bayan. Pinatay ang tunay na demokrasya. Ginawang mangmang ang mga Filipino.

Ngayon, ang butihin nating Pangulong Duterte ay nagsisikap na maibalik ang totoong demokrasya, maibalik ang respito ng mga Filipino sa gobyerno at sumunod sa pinaiiral na batas - pero nakabalandra nanaman sa daraanan si Cardinal Sin sa katauhan ni Cardinal Tagle kasama ang kaniyang mga kampon para sirain ang gobyerno. Papayag ba tayo mga kabayan na mabuhay uli si Sin sa katauhan ni Tagle?

Source of idea and other info: Cardinal Tagle Another Cardinal Sin

Tuesday, February 20, 2018

The Filipino People Ask Sen Grace Poe: Are You One of Those Supporting and Financing Rappler?

What happens to Pia Ranada of Rappler tells us a Fact: "Not All Freedom is Free and There is Always Limitations for Everything in This Planet." https://p4cdu30mar.blogspot.com
Photo Source & Credits: ABS-CBN news/ Mocha Uson's Blog Shared @Facebook

Senator Grace Poe, magkalinawan nga po tayo - sa tono ng iyong pananalita, dama naming mga Filipino na kayo po ay mas pumapanig sa taong who is already identified as a FakeNews Publisher. At dahil diyan, nagkaisa ang aming maliliit na boses para tanungin po namin kayo nito: Kayo po ba Senator Grace Poe ay isa sa mga supporters at financer ng Rappler? Si Pia Ranada at ang Rappler ay iisa ang layunin: Mag sulat ng mga artikulo na puno ng kasinungalingan upang sirain o siraan ang Pangulong Duterte at ang mga taong pinagkakatiwalaan ng ating pangulo.

Kayo po mismo Senadora Grace Poe ay isa sa mga witnesses na makakapagsabi na ang Publication ng Rappler is designed for publishing fake news at iyon ay nakita niyo po ang ebidensha mismo sa araw ng Senate hearing on Frigate Deal kung saan isa sa mga naimbitahang resource persons ay si SAP Bong Go - ang Rappler ay nag published ng isang fake news article. Nakita naming live yon sa video na wala ka manlang ginawa - ang reactions mo ay deadma lang.

Ngayon you are questioning Malacanang kung bakit hindi pinapasok si Pia Ranada to cover up kung anumang news of activities ang nangyayari sa loob ng palasyo? Kayo po ba ay ipinanganak ngayon? Mas pumapanig po kayo kay Pia Ranada at Rappler sa kabila na sila ay FakeNews publisher. Nasaan ang totoong hustisya niyan? Nakakatawa po kayo Sen Grace Poe at kailangan niyo pa ng explanation ng Malacanang kung ano ang dahilan kung bakit na barred si Pia Ranada? Kasama pa po ba ito sa trabaho mo to rescue and give justice to a fake news publisher? 


Monday, February 19, 2018

Nagkalat ng FakeNews ang Rappler sa Oras Mismo ng Frigate Deal Senate Hearing kay SAP Bong Go


Anak ng tinapa. Lumabas ang kabastusan ng Rappler at ang pagiging Fake News Maker - dahil mismo sa oras ng Senate Hearing patungkol sa Frigate Deal kung saan si SAP Bong Go ay kasalukuyang binabato ng mga tanong ng mga Senadores - ang Rappler ay nag published agad ng pekeng balita sa kanilang blog site na hindi akma sa sinabi o sagot ni SAP Bong Go sa mga tanong.

Ang ginawa ng Rappler ay isang napakalaking insulto kay Bong Go sa kagustuhang sirain ang kaniyang pagkatao at ang ledirato ng ating mahal na Pangulong Duterte at isang nakalaking insulto rin sa reputasyon ng Senado - dahil sa oras ng kanilang Senate Hearing ang lahat ng mga Senadores na nandoon ay witness mismo sa fakenews na ikinalat ng  Rappler. 

I thought Rappler was already dead - pero buhay pa pala. Tanong ko sa Senado: May bayag ba kayo na parusahan at disiplinahin ang Fake News Maker na si Rappler?


Thursday, February 15, 2018

Solgen Calida to Trillanes: Stop Fooling The Filipino People: Basura Mga Ebidensha Mo Laban Kay Pangulong Duterte



Dahil ba ang Pilipinas is a democratic country and every Filipino is free to enjoy the freedom of the Press and Expression - kaya ang gobyerno natin ngayon is very lenient sa anumang bagay na ibabato ng sinuman sa ating butihing pangulong Duterte - tulad na lamang nitong tinaguriang Sundalong Kaning Sen Trillanes? Na mula't mula pa man nanggagalaiti sa galit kay Pres. Duterte. At gagawin niyang lahat para madiskarel ang magandang pamumuno ng mahal nating pangulo!

Gamit ang kapangyarihan bilang Senador - mangangalap ng mga basurang ebidensha, mga basurang witnesses, mga basurang testimonya para idiin ang pangulo, pahiyain sa buong mundo, nakikipag-ugnayan sa mga leftists groups, gagamitin ang mga biased media ng Pilipinas, gagamitin ang mga kabataang mag-aaral, magpapahayag ng mga press releases na puno ng kasinungalingan at ipaparating sa kaniyang mga counter-parts sa ibayong dagat - at hihingi ng suporta sa kanila upang kutyain at hubaran sa kahihiyan ang ating pangulo!

Nakakairita na ang makitang si Sundalong Kanin na sa bawa't pagbuka ng kaniyang bunganga ay paglapastangan sa pagkatao ng ating pangulo. Ngayon ibinasura ng Ombudsman ang kasong inihain ni Trillanes laban kay Pangulong Duterte dahil po ang kaniyang mga ebidensha ay mga basura. Pero itong si Sundalong Kanin ay hindi parin masawata ang bunganga at mga aksyon para akusahan ng kung anu-anong bagay ang pangulo. Pati ang ICC ginamit pa. Kailan kaya madadapa itong si Trillanes? Yong pagkadapa niya ay hindi na siya makakabangon! Isa siyang salot ng lipunan na hindi dapat pamarisan at dapat nang kalusin at wakasan!

Source of idea and other info: Solgen Calida: Basura Mga Ebidensha Mo Trillanes

Thursday, February 8, 2018

Open Letter sa Mga Kabataang Mag-aaral, Mga Guro at Mga Magulang

Photo source and credits - Google Search Online Images

Ito ay isang mahalagang paalaala para sa mga kabataang mag-aaral ganuon din po sa mga guro at magulang. Mula po ito kay Ginoong Ram MG Labra - isang concerned Filipino citizen. Sa mga kabataan - huwag kayong magpadalusdalos sa inyong mapupusok na damdamin. Huwag kayong kumagat sa matatamis na pangako mula sa mga leftist groups na makiisa sa kanila - they are here not for the good of this country and your future. Sa mga magulang matyagan niyo po ang inyong mga anak. Huwag hayaang mabiktima ang inyong mga anak sa mapanlinlang idolohiya ng Teroristang NPA. Sa mga guro bilang pangalawang magulang ng mga kabataang mag-aaral, paki guide naman po sila sa tamang landas.

Share this as much as we can to save our younger generation.

OPEN LETTER TO THE FILIPINO STUDENTS
The 12 Point Appeal.

Mga ginigiliw na mga estudyante,
Kapayapaan!

"KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN". Lingid po sa inyo  na dibdiban ngayon ang pangrerekrut ng mga grupong makakaliwa (leftists groups) sa inyo mga estudyante upang lumahok sa kanilang rally para labanan ang ating Pangulo at kanyang administrasyon. Hwag pong magpapalinlang sa kanilang matatamis na dila at pangako. Huwag po ninyong hayaang makorap at ikondisyon ang inyong isipan ng kanilang ideolohiyang kailanman di nakaka tulong sa bayan. Ang mga sumusunod ay inyong iisipin:

Wednesday, February 7, 2018

Bulag at Mangmang Kabataang Partylist Rep Sarah Jane Elago


Hindi na mabilang ang iba't ibang paraan na ginagawa ng kalaban ng bagong administrasyon - pati ang mga biased media networks ng Pilipinas tahasang ginagamit kasama ang ating mga kabataan para e-destabilize ang mahusay at magandang pamumuno ng ating mahal na Pangulong Duterte.

Si Kabataang Partylist Rep Sarah Jane Elago ay na brainwashed narin ang takbo ng kaniyang pag-iisip. For her President Duterte does not care for poor. The president does not do anything to uplift their lives.

Tuloy ako'y napaisip nang ganito: Bulag ba itong si Sarah Jane Elago sa mga magagandang nangyayari ngayon sa bansa natin sa pamumuno ni Pangulong Duterte? Bulag ba siya para hindi niya makita ang resulta ng hardworks and efforts ng ating pangulo?

Hindi kaya may saltik na ang kaniyang batang isipan? Ngayon hinihimok niya ang kapwa niyang kabataan na magkaisa, mag walkout sa klase at samasamang magprotesta sa darating na Pebrero 23, 2018 kasama ang ibang grupo para patalsikin si Pangulong Duterte.

Source of idea and other info: Partylist Rep Sarah Jane Elago - Bulag na at Mangmang pa

Friday, February 2, 2018

Matatalinong Estudyante Ng UP Mangmang Sa Tunay na Pagbabago


Alam kong matatalino itong mga kabataang mga nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas at sa iba pang universities and colleges ng Pilipinas. Subali't nakakalungkot lamang isipin na sa likod ng kanilang talinong taglay mga mangmang sila sa mahahalagang bagay na kailangan para sa totoong pagbabago under the leadership of President Rodrigo Roa Duterte.

Lahat na lang ng mga magagandang programa ng mahal nating Pangulo para sa ikabubuti ng bansa at mamamayan kontra sila. Minsan ba naisip nitong mga eskolar ng bayan na gobyerno ng Pilipinas ang nagpapa-aral sa kanila? At ang perang ginagastos ay mula sa kaban ng bayan?

Alam ko may karapatan sila para iparating sa namumuno ng bansa ang kanilang panawagan - pero napaghahalata na ginagamit sila sa mga taong gustong wasakin ang pamumuno ng pangulo. Makikita ito sa bawa't rally at protesta na ginagawa nila sa lansangan - organized ang lahat.

Kung tutuusin dapat ipagbunyi nitong mga estudyante ang pagdating ni Pangulong Duterte dahil sa kaniya - nalaman natin lahat na ang Pilipinas ay isang Narco State, sa kaniya nalaman natin lahat ang korapsyon sa bansa ay malala na, sa kaniya nalaman natin na matagal na palang pinasok ang Pilipinas ng mga terorista para maghasik ng lagim, ang druga ay naging talamak na sa buong bansa. At higit sa lahat sa loob ng 30 years, ang Pilipinas, ang mamamayan ay ginawang mangmang ng nakaraang administrasyon ng mag-inang Aquino at iba pang puppet leaders.

Ngayon nakatayo ang pangulong Duterte para pangunahan ang pagbabago. Gumagawa siya ng mabubuting hakbang para linisin ang naiwang dumi ng nakaraan - pero sa mga estudyanteng ito, ang ginagawa ng pangulo ay pagpapakita ng dictatorship? Anong kamangmangan ito matatalinong estudyante ng UP? Hindi ko masisisi ang Pangulong Duterte kung isasakatuparan ang kaniyang plano na kayong mga eskolar ng bayan ay tanggalan ng scholarships at ibigay ang magandang oportunididad sa ibang matatalinong kabataan nguni't kapus ang mga magulang nila para papag-aralin sila.

Source of idea and other info: Matatalinong Estudyante Mangmang Sa Katotohanan At Sa Tunay Na Pagbabago

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!