loading...

Friday, February 2, 2018

Matatalinong Estudyante Ng UP Mangmang Sa Tunay na Pagbabago


Alam kong matatalino itong mga kabataang mga nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas at sa iba pang universities and colleges ng Pilipinas. Subali't nakakalungkot lamang isipin na sa likod ng kanilang talinong taglay mga mangmang sila sa mahahalagang bagay na kailangan para sa totoong pagbabago under the leadership of President Rodrigo Roa Duterte.

Lahat na lang ng mga magagandang programa ng mahal nating Pangulo para sa ikabubuti ng bansa at mamamayan kontra sila. Minsan ba naisip nitong mga eskolar ng bayan na gobyerno ng Pilipinas ang nagpapa-aral sa kanila? At ang perang ginagastos ay mula sa kaban ng bayan?

Alam ko may karapatan sila para iparating sa namumuno ng bansa ang kanilang panawagan - pero napaghahalata na ginagamit sila sa mga taong gustong wasakin ang pamumuno ng pangulo. Makikita ito sa bawa't rally at protesta na ginagawa nila sa lansangan - organized ang lahat.

Kung tutuusin dapat ipagbunyi nitong mga estudyante ang pagdating ni Pangulong Duterte dahil sa kaniya - nalaman natin lahat na ang Pilipinas ay isang Narco State, sa kaniya nalaman natin lahat ang korapsyon sa bansa ay malala na, sa kaniya nalaman natin na matagal na palang pinasok ang Pilipinas ng mga terorista para maghasik ng lagim, ang druga ay naging talamak na sa buong bansa. At higit sa lahat sa loob ng 30 years, ang Pilipinas, ang mamamayan ay ginawang mangmang ng nakaraang administrasyon ng mag-inang Aquino at iba pang puppet leaders.

Ngayon nakatayo ang pangulong Duterte para pangunahan ang pagbabago. Gumagawa siya ng mabubuting hakbang para linisin ang naiwang dumi ng nakaraan - pero sa mga estudyanteng ito, ang ginagawa ng pangulo ay pagpapakita ng dictatorship? Anong kamangmangan ito matatalinong estudyante ng UP? Hindi ko masisisi ang Pangulong Duterte kung isasakatuparan ang kaniyang plano na kayong mga eskolar ng bayan ay tanggalan ng scholarships at ibigay ang magandang oportunididad sa ibang matatalinong kabataan nguni't kapus ang mga magulang nila para papag-aralin sila.

Source of idea and other info: Matatalinong Estudyante Mangmang Sa Katotohanan At Sa Tunay Na Pagbabago

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!