loading...

Thursday, February 8, 2018

Open Letter sa Mga Kabataang Mag-aaral, Mga Guro at Mga Magulang

Photo source and credits - Google Search Online Images

Ito ay isang mahalagang paalaala para sa mga kabataang mag-aaral ganuon din po sa mga guro at magulang. Mula po ito kay Ginoong Ram MG Labra - isang concerned Filipino citizen. Sa mga kabataan - huwag kayong magpadalusdalos sa inyong mapupusok na damdamin. Huwag kayong kumagat sa matatamis na pangako mula sa mga leftist groups na makiisa sa kanila - they are here not for the good of this country and your future. Sa mga magulang matyagan niyo po ang inyong mga anak. Huwag hayaang mabiktima ang inyong mga anak sa mapanlinlang idolohiya ng Teroristang NPA. Sa mga guro bilang pangalawang magulang ng mga kabataang mag-aaral, paki guide naman po sila sa tamang landas.

Share this as much as we can to save our younger generation.

OPEN LETTER TO THE FILIPINO STUDENTS
The 12 Point Appeal.

Mga ginigiliw na mga estudyante,
Kapayapaan!

"KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN". Lingid po sa inyo  na dibdiban ngayon ang pangrerekrut ng mga grupong makakaliwa (leftists groups) sa inyo mga estudyante upang lumahok sa kanilang rally para labanan ang ating Pangulo at kanyang administrasyon. Hwag pong magpapalinlang sa kanilang matatamis na dila at pangako. Huwag po ninyong hayaang makorap at ikondisyon ang inyong isipan ng kanilang ideolohiyang kailanman di nakaka tulong sa bayan. Ang mga sumusunod ay inyong iisipin:



1. Na kayong mga bata ang target na rekrutin ng CPP NPA NDF ni Joma Sison dahil maraming ng sumukong mga NPA simula nong silay ideklarang mga terorista ng Pangulo. Lumpo na sila ng paunti-unti.

2. Na itong mga leftist group katulad ng AnakBayan, Anakpawis, at iba pa ay kanilang propaganda group upang kayo ay rekrutin. Iipunin sa seminar nila upang doon ikondisyon inyong mga isip sa kanilang ideolohiya kontra sa gobyerno. Madaling sila at bihasa sa paglalahad ng nakakakumbinsing paliwanag.

3. Na itong mga leftist group ay sinakyan rin ng mga politiko at mga oligarch (mayamang may monopolio sa mga negosyo) na kalaban ng Pangulong Duterte. Sila ay binak-apan ng pinansyal upang makakagalaw ng mabilis sa kanilang propaganda.

4. Na ang layon nila ay maging kasapi kayo at gagamitin lamang sa kanilang pansariling adhikain na kung saan sila lang ang nakikinabang ay nagtatamasa. Lahat ng isinisigaw nila ay "scripted" at marami dyan ang walang alam sa kanilang sinisigaw.

5. Na wala sa kasaysayan ng ating bansa na sila'y Nakaka tulong sa pag-unlad at kapayapaan. Gulo ang kanilang hatid, ayaw nila ang kaunlaran. Bakit? Dahil kung wala ng mahirap wala na silang gamiting dahilan. Kung mapayapa na, walang silang dahilan para igiit ang kanilang ideolohiya at di na sila makakapagtamasa ng pera. Kaya para sa kanila kailangan hadlangan ang kaunlaran at kapayapaan. Hadlangan ang pagkakaisa at kaayusan.

6. Na kailangan ninyong isipin: KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN! Ngunit kailanman sa kanila ang PAG-ASA ay di matatagpuan datapwat ito ay kanilang pilit na hinahadlangan.
6.1 Walang pag-asa sa druga pero ang pagsugpo nito ay kanilang kinokontra.
6.2 Walang pag-asa sa terorismo pero ang pagsugpo nito ay kanilang kinokontra.
6.3 Walang pag-asa sa sinungaling na pamamahayag, pero ang pagkontrol nito ay kanilang kinokontra.
6.4 Walang pag-asa ang Mindanao kung di ipasailalim ng Martial Law, pero pilit nilang kinokontra. At marami pang iba!

7. Na nagkaisa ang CPP NPA NDF at kanilang wings na mga leftist group, Liberal Party at Oligarkiyang grupo upang wasakin ang pamahalaan! Iisang hakbang sa kanya-kanyang sakim at ganid na layunin.

8. Na Huwag sayangin ang inyong katinuan sa pagsali sa kanilang kabaliwan.

9. Na tutukan ang inyong mga pangarap na maganda. Tutok sa eskwela wag sa walang kabuluhang martsa. Oras na nakalista ka sa kanila mahirapan ka nang lumabas pa.

10. Kung kayo ay magtagumpay sa inyong propesyon, malaya kang tumulong sa pamilya at sa bansa. Kahit ngayon bilang estudyante pa, ang bansa ay umasa na sa inyong malaking ambag sa kinabukasan.

11. Huwag tularan ang mga ralyestang eskolar ng bayan. Niyurakan nila ang mga nagbuwis na mamamayan. Perang pinaghirapan mula sa buwis at binayad sa kanilang matrikula ay napunta sa walang saysay na pakikipaglaban.
Hwag hayaang mamatay na walang dangal sa bayan. Huwag magpakapagod sa kawalang.

12. IKAW ANG PAG-ASA! ANG PAG-ASA AY WALA SA KALSADA KUNDI NASA MAAYOS NA GAWA. ANG PAG-ASA AY WALA SA KALIWA. ANG PAG-ASA AY MAKIKITA SA PAGPANIG SA KAUNLARAN, KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN.

The left cannot be right!

Sa ngalan ng totoong mga anak ng bayan,

RAM MG LABRA
DDS

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!