Plight of President Duterte: Photo Credits - Cress Demariano of Facebook |
Dahil sa retratong yan - lalu ko pong naunawaan ang totoong kalagayan ng ating mahal na Pangulong Duterte. Sa simula pa lang ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansang Pilipinas - klarong klaro na mai-ipit siya sa gitna ng nag-uumpugang bato ng iba't ibang problema na kanyang haharapin.
Ayon sa paglalarawan ni Cress Demariano, ang mga problemang tulad ng:
- Problema sa Bias Media Reporting
- Ang pakikialam ng Simbahang Katoliko
- Problema sa iba't ibang krimen
- Korapsyon laban sa mga opisyal ng gobyerno
- Problema sa Chinese Territorial Dispute
- Problema sa utang ng Pilipinas
- Problema sa laganap na droga
- Problema sa Mindanao
- Problema sa Red Tape
- Problema sa Terrorism
Sa lahat ng mga binanggit na problema ni Cress Demariano - ay talagang imposibleng kayanin ng isang tao para solusyunan ang mga ito. Subalit ang Diyos na nasa langit ay hindi natutulog - Kanyang ipinarating at ipinadama sa mahal nating Pangulong Duterte ang Kanyang pag-ibig at pagmamahal sa kanya sa pamamagitan ng milyon-milyong Pilipino from around the world na sumusuporta at nagtitiwala sa kakayahan ng ating pangulo - dahil ang suporta natin sa pangulo ay magiging lakas niya.
At kung ating himay himayin ang lahat na inilarawan sa retrato ay mga problemang iniwan ng nakaraang administrasyon ni Noynoy Aquino. Pinabayaan nya para solusyunan sila. Imbis na pag-ukulan ng oras at panahon na mabigyan ng tamang serbisyo ang naghihikahos na mamamayan at bayan ng kanyang administrasyon, ang kanilang panahon ay iniukol kung paano pagnakawan ang kaban ni Juan Dela Cruz!
No comments:
Post a Comment