loading...

Saturday, September 21, 2019

Himutok ng Nakakulong Senadora Leila de Lima

Sa gitna ng mapanglaw na sulok - namalas ko si Senadora Leila de Lima sa loob ng kwarto, ang kanyang isipan ay lumilipad, mga mata niya'y namamaga at puno ng luha. Ang kanyang paningin ay nakapako sa bukas na bintana at narinig ko na kanyang kinakausap ang kanyang sarili, napakalinaw sa aking pandinig ang bawa't kataga na kanyang sinasambit. Sila kaya ay mga kataga ng pagsisisi? O mga kataga para kaawaan siya?

Photo Credits: FBNews5EveryWhere

Himutok ng Nakakulong Senadora Leila de Lima

Kung dati ako’y isang Reynang nakaupo
Sa trono ng kasikatan at kapangyarihan
Lahat ng aking ibigin ay nangyayari
Ngayon ako’y isang basahan na pinandidirihan...
Akala ko wala nang katapusan
Ang nakamit kong kaligayahan
Mula nang ako’y sumisikat pa lamang
Na abogado, huwis at naging senadora...
Ang kasikatan ko’y hindi maipagkakaila
Maraming tao ang humanga sa akin
Pinangarap nila na ako’y mahagkan at mayakap
Ako’y kanilang inidolo at minahal ng labis...
Nguni’t biglang nagbago ang ihip ng hangin
Iniwan ako ng aking mga kakilala at kaibigan
Ako’y kanilang ipinagkanulo’t pinaratangan
Kasabay ang galit ng mamamayan at lipunan...
Ako raw ay protektor ng taong hanapbuhay ay droga
Ako raw ay umaabuso ng kapangyarihan na taglay ko
Kaya ako ay hinatulan na mabilanggo
Sang-ayon sa batas ng bayan kong sinilangan...
Dito sa loob ng masikip at madilim na piitan
Ang kaniig ko’y siphayo at kalungkutan
At mga kaluluwang ‘tulad ko’y naparusahan
Nangagsisisi’t humihingi ng kapatawaran...
Ang kanilang mga hinaing at paghihirap
Ang kanilang mga luhang nalalaglag
Ang kanilang mga nakabibinging pag-iyak
Ay lalung nagpapahina sa natitira kong lakas...
Aaminin ko mahirap ang magkunwari
Ang bawat himaymay ng aking laman
Ay sumisigaw din ng matinding hirap
Nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit...
At ang mga karapatan ko bilang mamamayan
Ay kasamang ikakandado sa loob ng kulungan
Ang pagiging ilaw ko ng tahanan ay naparam
Kasama ang karapatan kong maghanap ng ikabubuhay...
Masakit pala kapag napikon ang langit
Nguni’t ‘di ko magawang magalit sa Maylalang
Batid kong Siya ang higit na nakakaalam
Sa buhay ko na minsa'y Kaniyang kinalugdan!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!