loading...

Monday, May 1, 2023

Wrong Target

Ang sarap pakinggan: mga halakhak

tawanan, mga hagikhik, mga sigaw

Sa t'wing magbibiro sa amin ang mabait

At minamahal naming Tiyo Kadyo...

Bulag si Kupido

 Sa araw na ‘yon ay samasama kaming

Nagdiriwang ng kaniyang kaarawan

Sa mundo, na kaniyang kinalakihan

Bakas sa kaniyang mukha ang ligaya...

 

Kahit sa kaniyang mga mata’y may luhang

Nalalaglag, masaya siyang naglambing 

Nakisama sa kaniyang mga pamangkin

Na masayang naghaharutan sa isa't isa...

 

Kasabay ang halimuyak ng masasarap

Na pagkaing niluluto ng aming Tiyahin

Ang masarap at nakakagutom na amoy

Ay umalingasaw sa buong kabahayan...

 

Dumating ang tanghaling tapat

Ang pagkain ay handa na para sa lahat

May sari-saring hugis, bango at kulay

Naghihintay sa lamesa na sila'y lapain...

 

Nguni’t sa hindi inaasahan ng lahat

Ang ihip ng hangin ay biglang lumakas

Mga alon sa dalampasigan na dati’y tahimik

Hindii mapigil at sabay-sabay na umawit...

 

Habang pinagmamasdan ko sila

Ang hanging amihan ay naki-isa

Pati mga dahon ng kamatsili'y nakiliti

Sa t’wing hahalik sa kanilang mga labi..

 

Ayaw ko na sanang balikan ang nakaraan

Nguni’t hindi ko ito maaaring iwasan

Sa t'wing darating ang 14 ng Pebrero

Alaala ng aming Tiyo'y buhay sa aming puso...

 

Sa gitna ng kasiyahan ay dumating ang bisita

Si Kupido na may tangan-tangang gintong pana

Sa kan'yang pagtudla'y tinamaan ang aming Tiyo 

Sanhi ng paghinto ng buhay niya sa mundo!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!