loading...

Tuesday, September 5, 2017

Sa Magigiting Pulis at Sundalo, Ito Ang Mensahe Namin sa Inyo

Sa mga taong galit sa mga Pulis at Sundalo dahil sa pagtupad nila sa kanilang tungkuling sinumpaan - huwag naman kayong ganyan. Opo, nandoon na ako na meron din sa kanila na hindi tapat sa tungkulin - nguni't iilan-ilan lang yon. Huwag naman lahatin sila at husgahan nang walang pakundangan.



Photo credits: Philippine Army Soldiers FB page, Philippine National Police FB page


Sa Magigiting Pulis at Sundalo, Ito Ang Mensahe Namin sa Inyo


Tinanggap n'yo nang buong puso
Ang hamon ng buhay-pulis-sundalo
Nanumpa kayong naka-taas noo
Haharap sa laban, hirap at siphayo...

Marapat lamang na kayo'y hangaan
Ipagbunyi ng madla ang inyong katapangan
Marubdob na dasal para sa inyong kaligtasan
Pasasalamat namin sa inyong katapatan...
Aming hihilingin kay Bathala
Na kayo'y laging ingatan sa inyong laban
Manaig ang kabutihan laban sa kasamaan
Mapa sa kapatagan man at kabundukan...
Alam namin na sa bawa't laban ninyo
Ang inyong mga buhay ay nakataya dito
Nguni't umaasa kaming uuwi kayong buo't may buhay
Dala'y bandila ng kagitinga't tagumpay!

***Nothing Follows***

Ang buhay ng mga Kapulisan at Kasundaluhan habang hinaharap nila ang kanilang mga tungkulin para sa bayan - ay hindi langit - dahil pag sila ay minalas "Sementeryo O Hospital" ang kanilang hahantungan.

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!