loading...

Thursday, March 1, 2018

Atty. Gadon: Ang mga Abogado ni Chief Justice Sereno ay mga Tanga at Bobo


Ayon sa report ni Ginoong Florante Rosales ng DZRH News, tinanong niya si Atty. Gadon kung sakali bang alukin siya ng puwesto ni Pangulong Duterte na maging Chief Justice ng Supreme Court kapalit ni CJ Sereno - tatanggapin ba niya ito? 

Mariin niyang sinagot ang tanong sa kaniya nang ganito: "Di ako tatanggap. Dapat yung mga taga-loob ng Supreme Court ang maging Chief Justice. Isang puwesto lang ang gusto kong tanggapin. Kung ang Departamentong papahawakan sa akin eh yung wasakin ang mga Dilaw - yan tatanggapin ko. Sila kasi ang nagpahamak sa ating bansa. Itong mga Aquino - they ruined the country. Yang EDSA I yan ang kapahamakan na nangyari sa ating bansa."

Bakit tinawag ni Atty. Gadon ang mga abogado ni Chief Justice Sereno na mga Tanga at Bobo? Ayon kay Atty. Gadon: "Yang mga abogado ni Chief Justice Sereno - matatalino yang mga yan. Ang gagaling nila. Mga Hardvard yan. Mga UP yan. Mga Ateneo yan - kaya lang nagkukunwari silang mga tanga. They are pretending to be dump and stupid. Yan ang mahirap eh.

"Binabaliktad pa nila yung mga sinasabi ng House. Kaya ang nagyayari - sila'y nagmumukhang katawatawa. Ang mahirap lang sa ganyan dahil nagkukunwari silang mga tanga kahit sila'y matatalino ay baka maniwala ang mga tao," sabi ni Atty. Gadon.

Lalo nating nakilala ang pangalang Atty. Gadon nang sa nakaraang taon ay kaniyang esinumete ang Impeachment complaint laban kay CJ Sereno sa Lower House ng Kongreso at ang Komite of Justice ng Lower House ay sinimulan ang House hearing sa nasabing impeachment laban kay CJ Sereno na umabot at least ng approximately 15 weeks alinsunod sa tamang proseso.

And during the Impeachment hearing in the Lower House, tayong sumubaybay ay bumulaga sa atin na marami palang mga irregularities ang nagyayari sa Sumpreme Court sa ilalim ng pamumuno ni CJ Sereno. At ngayon ang Lower House ay kanilang pinaghahandaan na e-forward sa Senado para gawin na ang Impeachment Trial kay CJ Sereno pagkatapos ng kanilang botohan and to determine if CJ Sereno should be impeached or not base sa mga ebidensha na kanilang tinalakay.

Tanong lang mga kabayan - Payag ba kayo na magkaroon ng isang departamento ang ating gobyerno na ang layon ay wasakin ang mga Dilawan at sampu ng kanilang kasamahan - na pamumunuan ni Atty. Gadon?

Source of idea and other info: DZRH News: Reporter - Florante Rosales - Under Du30 News

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!