loading...

Monday, March 26, 2018

Anak ng Kamoteng Diliwan, Pera ang Habol ng ICC sa Pilipinas: 177,834,566php for 7Year @ 25,404,938php Annual Fees



Anak ng kamoteng dilawan, masisisi ba ang mahal nating Pangulong Duterte sa pagkalas niya sa ICC?  Taon-taon ang Pilipinas ay nagbabayad sa ICC ng php25,404,938 sa loob ng 7 years na umabot na ng php177,834,566 na mula sa mga Filipino tax payers. 

Nakinabang ba ang bansang Pilipinas nang ito ay naging kaisa ng ICC? Napakaliwanag, ginawa ng ICC ang Pilipinas na isa sa kanilang balon ng pagkakakitaan upang ang lakas nila at bagsik nila ay mapanatili sa ganuon status na puno ng panglilinlang.

Ngayon hahabol-habol sila at umaasang mabago ang naging disisyon ng pangulo. Iisa ang nakikita ko, pera ang habol ng ICC sa Pilipinas. Meron na ba records available na kinailangan ng Pilipinas ang ICC? Nang patalsikin ang dating pangulong Marcos at Estrada, kinailangan ba natin ang ICC? Nang magkaroon ng EDSA Revolt, kinailangan ba natin ang ICC. 

Alam natin lahat na ang Judiciary System ng Pilipinas is functioning. Meron tayong Saligang Batas na magpro-protect sa bawa't Filipino without the ICC. Kung yong perang ibinayad sa ICC ay ipinalamon sa iba nating kababayang naghihikahos, ay sa palagay ko maiibsan ang kanilang pagkagutom.

Itong EU, UN at ICC sa aking palagay iisa ang hangarin nito - ang kontrolin ang buong mundo, ang bawa't bansa at maging sunod-sinuran sa gusto nila. Ang ICC ay isang bayarang korte para gipitin ang isang namumuno ng bansa tulad kay Pangulong Duterte. Isang International Criminal Court na bumabase sa fake reports, fake news o fake communications na ang pinagbasihan ay hearsays mula sa mga taong gustong pabagsakin ang Pangulong Duterte.

Source of ideas and other info: Senator Sotto on ICC Fundings

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!