loading...

Tuesday, July 9, 2019

From Chopper to Rags 'Paawa Effect' KAPA Pastor Joel Apolinario


Ito ngayon ang kasalukuyang kalagayan ni KAPA Pastor Joel Apolinario "from chopper to rags" habang siya ay kasalukuyang nagtatago sa pangil ng umiiral na batas ng bansang ito - na ipinatutupad ng administrasyon ng ating butihing Pangulong Duterte.

Ayun sa Admin ng KAPA Facebook Group, I quote "Di ko mapigilan mapaluha habang tinitingnan ang larawan na to..Sobrang sakit sa damdamin na ang taong walang ibang hangarin ay matulungan tayo at maiangat ang buhay sa hirap ay masyado nilang inapi, Ang taong nagpakita ng pagmamalasakit sa atin higit pa sa isang tunay na pamilya! Ang taong nagpakahirap para sa ating lahat kahit hindi naman nya responsibilidad ay ang taong pinapahirapan,minaltrato at inapi ng ating Gobyerno!!! Kung wala na tayong maasahan sa mga naka upo sa trono, kelangan na natin magkaisa at ipaglaban ang karapatan nating mga mamamayan."


Ang nasabing photo ni Pastor Joel Apolinario ay tumanggap ng mga negative feedback mula sa mga Facebook users na nakakita at nakabasa sa ibig iparataing na mensahe ng Admin ng KAPA Community Group sa kanilang mga members. Isa sa mga comments ay mababasa ng ganito, I quote "Paawa effect... at ang mga bobong tanga naman ay naawa sa taung napakamayaman n ngayun dahil sa pang uuto nya sa mga ito.... katunayan ay nakapangalan s asawa nya ang mga ariarian... saan kaya galing ang perang ipinambili nito? Hulaan nyu.... mga miembro...."

Isang tanong ang naglaro sa isipan ko: Talaga bang tinulungan ni KAPA Pastor Joel Apolinario na maiangat ang pamumuhay ng kanyang 5milyong members? O ang kanyang 5milyong members ang tumulong sa kanya para siya ay yumaman?

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!