loading...

Tuesday, July 16, 2019

Ritual ng Pagkulam para Magkasakit ang Pangulo Isinagawa ng ibang Paring Katoliko at Dilawan


Gamit ang Kabaong, Kandila at Picture ni Pangulong Duterte isinagawa ang ritwal ng pangkukulam sa ating mahal na pangulo ng ibang mga Paring Katoliko at mga Dilawan na kanilang taga-sunod. Ang layun nila ay magkasakit ang pangulo at kung tumalab ang kanilang kulam - na dapuan ng sakit ang butihin nating pangulo si Fake VP Leni Robredo ay magiging madali na sa kanya ang marating ang trono ng kapangyarihan na matagal na niyang gustong makuha alinsunod sa nakasaad sa ating Constitution.

Ngunit sa kasamaang-palad ang kanilang ginawang witchcraft ay hindi naging matagumpay. Ang ating pangulo ay nanatiling malakas, matatag at lalung naging matalino sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin: to protect the people and to preserve the country. Nangangahulugan lamang na ang pangulo ay mahal at kinalulugdan ng Maylalang. At ang anumang masamang balak ng mga taong kinakasangkapan ng demonyo ay hindi magtatagumpay.

Sa ginawa nitong mga Paring Katoliko ang (Pangkukulam) ay ebidensya na sila ay mga anti-Kristo. Sa Ang Dating Biblia (1905) mababasa sa Galacia 5: 19-20-21 ang mga sumusunod:

19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, 

20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 

21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. 
------------------------------------------------------------------------
Nakakapanglumong isipin na may mga Paring Katoliko na lumiliko sa kanilang daan - imbis na ipagdasal na maging matagumpay ang pamamalakad ng pangulo - sila pa itong nangunguna para mapahamak ang taong may puso, malasakit at handang magsakrepisyo para sa ikabubuti ng lahat.

Sources of photo, idea and other info: Ernie Gutierrez (Oct 7, 2018) Facebook, and Ang Dating Biblia (1905)

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!