loading...

Tuesday, August 13, 2019

AnakBayan Salot sa Mata ng Magulang, Lipunan at Pamahalaan


Masakit para sa mga magulang na mahiwalay sa kanila ang kanilang pinakamamahal na mga anak at malaman na sumanib na ito sa isang organisasyon na kilala ngayon na 'AnakBayan' na ang layun ay labanan ang pamahalaan na kung minsan ay nagreresulta ito ng kanilang maagang kamatayan.


Mga kabataan na napariwara

Sila ang mga kabataan na hinubog ng magulang ng pagmamahal, pag-ibig, paggalang sa magulang at sa mga nanunungkulan sa pamahalaan, pinag-aral at higit sa lahat tinuruan na magkaroon ng takot sa Maylalang - ngunit sa kasamaang-palad dinagit at napariwara ng mapanglinlang grupo ng lipunan ang 'AnakBayan' na gumagalaw sa basbas ni ginoong Joma Sison na kilalang founder at ama ng CPP at NPA sa Pilipinas.


Sara Jane Elago - Kabataang Partylist: Photo Credits to Bogarts Facebook

AnakBayan at kanilang misyon

Ayun sa grupong ito - Anakbayan is a comprehensive national democratic mass organization of the Filipino youth. It fights for jobs, land reform, education, rights, social services and justice. It has more than 20,000 members in hundreds of chapters nationwide. It seeks to unite the Filipino youth -- workers, students, peasants, out-of-school, professionals, and others -- to fight for meaningful change. Its founding date was on November 30, 1998 - kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.


Photo Credits to Pinas Ang Ina Nyo Facebook

Ang nangyayaring pag-recruit ng AnakBayan ng mga kabataan ngayon para makiisa sa kanilang pinaglalaban at pinaniniwalaang idolohiya ay malinaw pa sa sikat ng araw na kung hindi mapipigil magiging dahilan ito ng maagang pagwasak ng magandang buhay at kanilang kinabuksan. Kaya dapat doblehin pa ng mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa pamahalaan para sa kakailanganin tulong.

Paano lalabanan ang Communist Recruitment

Ayun kay Army spokesman Lt. Col. Ramon Zagala - "The return of mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) will help counter the recruitment of students into the communist movement. Our youth are very idealistic, they are recruited and end up as NPA (New People’s Army) rebels. We should return ROTC so that instead of destroying their future,  they would serve and protect our country."


Photo Credits PinoyTrend: ROTC will counter Communist Recruitment

Si Sen Ronald dela Rosa ay naniniwala rin na ang ROTC ay sagot para sa mga kabataang nawawalan na ng disiplina. Ayun sa kanya "Dahil simulang nawala ‘yong ROTC, naobserbahan natin na ang inclination ng kabataan, hindi naman lahat, is papunta sa kaliwa. Nawala na ‘yong patriotism sa mga kabataan. Nandyan na pasigaw-sigaw na sa kalsada. Nawawalan na ng disiplina."

Sources of idea and other info:

PhilStar The return of mandatory Reserve Officers Training Corps
PinoyTrend Nawala na yung patriotism sa mga Kabataan
AnakBayan ang kanilang misyon

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!