Dating senador Antonio Trillanes haharap sa bagong kasong kidnapping at serious illegal detention |
Si Sabio ang abogado na naghain ng communication laban kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court o ICC dahil sa umanoy patayang nagaganap sa ilalim ng kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Ang inihain ng PNP-CIDG ay hinggil sa reklamo ng isang negosyante si Guillermina Lalic Barrido a.k.a Guillermina Arcillas 43, years old, single with live-in partner with postal address at Purok 1, Brgy. New Visayas, Panabo City, Davao del Norte siya raw ay kinulong mismo halos dalawang linggo sa isang kumbento sa lungsod ng Quezon noong huling bahagi ng 2016.
Noong 2017, lumutang si Barrido para ituro si Trillanes, na nagalok umano ng suhol sa kanya para siraan ang pangulo.
Ayon sa PNP-CIDG malinaw ang intensyon ng mga akusado na ikulong si Barrido para puwersahin siya na gawin ang mga bagay na labag sa kanyang kalooban.
Dumepensa naman kaagad si Trillanes at tinawag ito na harassment case at persecution ni Duerte laban sa kanyang mga kritiko. Mariin nitong itinanggi na nagkita sila ni Barrido at kinuwestyon din ang pahayag ni Barrido na sa kumbento siya ikinulong.
Dagdag pa ni Trillanes, nanghihingi daw si Barrido ng salapi kapalit daw ng kanyang salaysay - pero hindi siya tinanggap bilang testigo laban kay Duterte.
Ayon naman kay Atty. Sabio - kusang loob daw na nagbigay ng pahayag si Arcillas na personal mismong nakasaksi sa kaugnayan ng pangulo at ng anak nitong si Rep Paolo Duterte sa droga sa Davao City.
Pinaniwalaan umano niya ito dahil sa tingin niya ay nagsasabi ito ng totoo at maingat niyang sinuri at hinimay ang detalye ng salaysay nito noon. Tila ginagaya lang anya nito si Bikoy para siraan siya dahil hindi siya kasali sa kasong sedition na unang sinampa kay VP Leni Robredo at iba pang mga taga-oposisyon.
Source of idea and other info: UNTV Trillanes sa Kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention
No comments:
Post a Comment