Sa tulong ng Facebook at iba pang mga social media available in the net, ang ginagawang recruitment ng AnakBayan/Kabataan Party-list groups sa mga minors ay nakarating na sa iba't ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibayong-karagatan at itinuring na ito na isang National issue na dapat pag-ukulan ng pansin at panahon ng ating pamahalaan para masolusyunan.
Performance of the above article at Facebook |
Ang nasabing artikulo ay umani ng daan-daang komento mula sa mga Facebook users na nagpahayag ng kanikanilang saloobin tungkol sa isyu ng pag recruit ng AnakBayan ng mga kabataan para maging kaisa nila sa kanilang pinaniniwalaan at pinaglalaban na idology. Ang masaklap pa ay sa mga schools pa ginagawa ang nasabing recruitment.
Dahil sa nahayag na ang ginagawang pag recruit ng grupo ng AnakBayan sa mga kabataan, sila Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at Senador Ronald Bato Dela Rosa ay nagpahayag na ng mga paraan para malabanan ang nasabing pagsasamantala ng Leftist groups sa mga musmos pang isipan ng mga minors - tulad ng:
- the revival of the Anti-Subversion Law
- planong pagbalik ng ROTC at pagtalaga ng mga pulis sa mga schools
- pagsibak sa mga gurong nanghihikayat ng mga estudyanteng mag-rally at
- dobleng pagbantay at pag-ingat ng mga magulang sa kanilang mga anak.
In addition sa role ng magulang sa kanilng mga anak - panoorin ang bidyong ito na may pamagat na "Papaano mapapalaki ang mga anak na may takot sa Dios?" Makakatulong po ito upang malabanan ang ginagawang recruitment ng Leftist groups sa mga minors na ngayon ay isa nang national issue na sa tingin ng nakakarami ay salot sa mata ng magulang, lipunan at pamahalaan.
No comments:
Post a Comment