loading...
Showing posts with label COMELEC Chief Andres Bautista. Show all posts
Showing posts with label COMELEC Chief Andres Bautista. Show all posts

Wednesday, August 23, 2017

The Alleged Unexplained Wealth of Comelec Chairman Andres Bautista is Now Heard in The Senate

Ito na ang hinihintay ng sambayanang Filipino - ang imbistigahan ang ill gotten wealth ni Comelec Chairman Andres Bautista. Ngayon sinisimulan na ang imbistigasyon. The Senate investigating panel is headed by Senator Chiz Escudero kasama ang tatlo pang Senators: Grace Poe, Tito Sotto and Franklin Drillon.

4 Senators: Escudero, Poe, Sotto and Drillon
Sa hearing na ito malalaman natin kung sino sa mga Senators ang maka-Bautista at Dilawan. Malalaman natin kung ang magiging resulta ng hearing ay lalabas kung ano ang tunay at totoo sa sinasabing unexplained wealth of Mr. Bautista. 

Habang pinakikinggan ko ang simula ng hearing nalaman ko na - para maimbistigahan ang bank secrecy deposit ng isang government official and employee - it needs court order. 

Bumalik sa alaala ko ang mahalagang papel ng Ombudsman because Ombudsman can compel AMLC to examine the bank records of a depositor for possible violation of the Anti-Money Laundering Law and with prior notice to the depositor. 

So depositor should give his consent to such intrusion by signing the last paragraph of the Statement of Assets, Liability and Net Worth which authorizes the Ombudsman to look into his financial records. Katulad sa nangyari noon kay former Chief Justice Corona.

Monday, August 21, 2017

Ang Totoo Senadora Hontiveros, Ang Mga Filipino ay Masaya sa Pamamalakad ni Pangulong Duterte

Huwag n'yo nang gamitin ang pagkamatay ni Kian Delos Santos. Maraming news reports na naglalabasan ngayon kung anong klaseng anak si Kian. Kung anong kalseng ama at mga tiyuhin ang meron siya. Ang mga Filipino ngayon ay gising na Senadora Hontiveros. Kung noon madali ninyo e-brainwashed ang mga mamamayan ngayon mahihirapan na kayo - dahil ang nararanasan namin ngayon ay saya at ligaya - bunga ng napakagandang pamumuno ni Pangulong Duterte.
Hontiveros: Antonio Tinio: Kian Delos Santos and The Yellows
Tingnan niyo ho ang ibidensha Senadora Hontiveros - sa tuwing nananawagan kayo para mag-rally sa kalsada ang mga tao - iilan-ilan nalang ang sumasama sa inyong panawagan - mostly of them ay bayaran. Kayong mga Dilawan, wala na kayong ginawa sa buhay ninyo kungdi ang sirain at siraan ang magandang sinimulang pamamalakad ng bagong administrasyon ni Pangulong Duterte. 

Related article: If The Investigating Panel Found Comelec Chairman Bautista Guilty, Even The Church Cannot Save Him

Isa rin itong si ACT Partylist si Antonio Tinio - nauna na ang kaniyang pagtuligsa sa nangyari kay Kian Delos Santos kaysa resulta ng mga imbistigasyon patungkol sa nangyaring insidente. Galit siya sa mga kapulisan na gumagawa ng kanilang trabaho ayon sa kanilang sinumpaang tungkulin. Katulad siya sa CHR na mas panig sa mga kriminal.

Senadora Hontiveros at iba pang mga Dilawan, kung sa akala ninyo mada-divert ang attention ng mga Filipino para kalimutan ang kasong kinasasangkutan ni Comelec Chairman Andres Bautista sa palagay ko nagkamali kayo - ang pagkamatay ni Kian Delos Santos ay hindi sapat para makalimutan si Comelec Chairman Bautista.

Friday, August 18, 2017

If The Investigating Panel Found Comelec Chairman Bautista Guilty, Even The Church Cannot Save Him

Ang nakikita ko iisa ang estilo at paraan ang ginagamit ng mga taong maka-Dilawan. Nang ang batas ay magsimulang usigin si Senator Leila De Lima noon - siya ay lumapit sa Simbahan dahil naniwala siya na may magagawa ang Simbahan para suportahan siya. Ang resulta siya ay nakulong. Ngayon, si Comelec Chairman Bautista ay lumapit na sa Simbahan - kung ang paniniwala niya ay katulad sa paniniwala ni Senator Leila De Lima - tiyak iisa ang pupuntahan nila ang "Kulungan".

Comelec Chairman Andres Bautista With Cardinal Tagle Washing and Kissing His Feet
Comelec Chairman Bautista says, "I can let go of chairmanship, but not my Comelec family." Alam niyo ba mga kabayan na ang ganitong pananalita ay normal na maririnig sa isang taong naghihingalo? Nagiging emosyonal - hinahabol ang natitirang oras para ipadama sa kaniyang mahal na mahalaga siya sa kaniya. At normal lamang na ang makakarinig nito ay mapaniwala kahit sabihin man huli na. Sa sitwasyon ni Bautista normal lamang na ang kaniyang mga empleyado ay susuporta sa kaniya at sasamahan siya sa kaniyang nararamdamang kasiphayuan.

Related article: Would It Be The COMELEC Chief Andres Bautista is The Next Chief to Be Impeached by The Philippine Congress After Former SC Chief Justice Renato Corona

Now, if I were Bautista, I would rather face the court, explain my hidden wealth that are not included with my SALN and let the court decide. I would not use my Comelec family para kaawaan ako. I would stop calling the people's support dahil ayaw kong madamay sila sa bagay na ako ang may gawa. At hindi ko gagamitin ang Simbahan dahil kung mapapatunayan ng korte na ako'y nagkasala - the church cannot save me. Iyon nga lang hindi ako si Comelec Andres Bautista at kailan man ayaw kong matulad niya.

Wednesday, August 9, 2017

Would It Be The COMELEC Chief Andres Bautista is The Next Chief to Be Impeached by The Philippine Congress After Former SC Chief Justice Renato Corona

Ang Ina ng apat na anak ni Bautista all boys, aged 8, 13, 14 and 16 ay lumantad sa mga TV interviews at naglahad patungkol sa limpak-limpak na salapi na pagmamay-ari ni COMELEC Chief Andres Bautista - na magpahanggang ngayon ay naguguluhan itong Ina kung paano nagkaroon ng nasabing bilyones na pera si Bautista. 

Two Chiefs: Former Chief Justice of SC Renato Corona and COMELEC Chief Andres Bautista
Of course, wala tayong pakialam patungkol sa away ni Patricia at ni Andy bagkus punteryahin natin ang sinasabing bilyones na pag-aari ni COMELEC Chief Bautista na hindi nadeklara sa kaniyang SALN.

Naging viral si Bautista online at naging laman ng iba't ibang newspapers at naging usapan sa mga TV networks ng ating bansa at iba pang mga Radio Broadcasting stations ng bansa.

Ano ang halaga ng SALN para sa isang opisyal ng Gobyerno? Kabayan, naalaala niyo pa ba ang nangyari kay former Supreme Court Chief Justice Renato Corona?  He was found guilty by the Senate of violating Article II of the Articles of Impeachment. 

On December 12, 2011, he was impeached by the House of Representatives. On May 29, 2012, he was found guilty by the Senate of violating Article II of the Articles of Impeachment filed against him pertaining to his failure to disclose his statement of assets, liabilities and net worth to the public. 

Magkabayag kaya ang House of Representative para imbistigahan ang nasabing bilyones ni Bautista na ipinangalandakan ng kaniyang stranged wife - na hindi nadeklara ni COMELEC Chair Andres Bautista sa kaniyang SALN? Would it be the COMELEC Chief Andres Bautista is the next Chief to be Impeached by the Philippine Congress after former SC Chief Justice Renato Corona?

Sources: Bautista's Unexplained Wealth, COMELEC Chair Andres Bautista

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!