loading...

Saturday, April 8, 2017

Liberal Party Project: Impeachment Wan-O-Wan Kay Pangulong Duterte

Mula Hulyo 1, 2016 hanggang ngayon
Mahigit na siyam na buwan ang nakakaraan
Nang maluklok si Amang Duterte sa gintong upuan
Kapalit kay Noynoy na ubod ng katamaran...

Liberal Party Project: Impeachment Wan-O-Wan Kay Duterte 
Noon akala ng karamihan
Ang Impeachment ang tamang paraan
Nakalimutan kasi ang kasabihan:
"'Di lahat ng akala'y tama, ito rin ay may kamalian..."

Ngayon heto na naman
Impeachment wan-o-wan kay Duterte
Katulad ng dati na pamamaraan
Mga mambabatas handang makipagbalagtasan:

Ito'y labanan ng magagaling mangatuwiran
Ipagtatanggol ang tama laban sa kamalian
Ipapakita na patas ang labanan
Makamit lamang ang tunay na katuwiran...

Aywan ko nga ba kung bakit nauso
Sa ating bayan ang ganitong senakulo
'Di pa dumadating ang mahal na araw sa pagsasakripisyo
Pero ang mga lansanga'y okupado na ng mga nakiki-usyoso...

Impeachment wan-o-wan
1/3 ng 292 ay kailangan
Para sa madaliang proseso sa Mababang Kapulungan
At sa Senado'y masimulan ang husgahan...

Inay ko po 'di kaya sila nagkamali
Sabi ng isa 1/3 ng 292 ay 97
'Yong iba naman 1/3 ng 292 ay 98
Impeachment 101 pakitama ang mali...

Nakakapanggigigil nguni't ako'y natutuwa
Maliwanag na sila'y magaling sa matimatika
97x3 = 292?, 'di po ba 291, nasaan ang isa?
98x3 = 292?, 'di po ba 294, sobra naman ng dalawa!

Mag-isip-isip muna kayong mga Dilawan
'Di pa nasisimulan ang Impeachment wan-o-wan
Hilo't litong-lito na kayo sa bilangan
Baka sa huli'y lahat kayo'y pulutin sa KANGKUNGAN!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!