loading...

Sunday, April 23, 2017

Mga Eskolar ng Bayan Mahiya Naman Kayo sa Mga Filipino Tax Payers na Nagpapaaral sa Inyo

Alam n'yo ba mga Eskolar ng Bayan ng UP-Diliman kung sino itong mga Filipino tax payers na pinagkukuhaan ng inyong pang tuition at iba pang allowances? Kahit sa gitna ng kakulangan sa pamumuhay - sila ay hindi pumapalya sa pagbayad ng kanilang government taxes para matustusan ang inyong paga-aral diyan sa UP-Diliman. Ang iba sa kanila ay masuwerti na kung kumain ng tatlong beses araw-araw. Karamihan sa kanila ay nakakakain ng isa o dalawang beses isang araw. Ang iba sa kanila kung tawaging isang kahig, isang tuka. Samantala kayo kung makapagyabang sa inyong mga protesta sa kalye ay abot hanggang langit gamit ang pera mula sa kanilang vat taxes at iba pang government taxes.




Dapat lang na mahiya kayo at makonsensha sa mga Janitors (male/female) na nagpapapawis nang husto para laging malinis ang mga CR ng eskuwelahan na inyong pinapasokan, sa mga nagpapawis na walisin ang mga kalat sa kalye na inyong dinadaanan araw-araw, sa mga taong namumulot ng diyaryo, platic at mga bote na minsan itinapon ninyo sa mga daan at sa mga kanal na dinadaluyan ng inyong waste products, sa mga magpapandesal na nagha-house-to-house tuwing umaga, sa mga nagtitinda ng gulay at iba pang makakain sa mga bangketa.

Dapat lang na mahiya kayo sa mga naglalako ng kulambo, palanggana, plato at iba pang gamit sa kusina, sa mga nagba buy and sell ng iba't ibang produkto na umaakyat panaog sa bundok. sa mga nagtitinda ng palamig sa mga daan o sa mga bus, jeepney terminals, ultimo yong mga nagi-ipon ng tiratirang pagkain known as pagpag mula sa mga restaurants ay tumutulong para tustusan ang inyong paga-aral through paying their taxes sa gobyerno.

Alam niyo ba mga Eskolar ng Bayan na kung magbayad sila ng kanilang mga taxes ay buwanan at makikita iyon sa bawat buwang pagbabayad nila ng kanilang electric bills known as government taxes na visible sa likod ng bawat Meralco bills - ibig lamang sabihin na ang lahat ng meralco subscribers sa buong Metro Manila at karatig probinsha na nararating ng serbisyo ng Meralco ay nagbabayad ng kanilang buwanang electric bills at nakasama na doon ang bayad ng kanilang monthly government taxes para pagkuhaan ng pangtustus ng inyong paga-aral.

Sa mga emplyeyado ng mga malls, supermarkets, wet markets, mga sinehan, mga five star hotels and restaurants, mga emplyeyado ng call centers, mga factory workers at sa lahat ng mga empleyado ng anumang private companies, private schools at mga empleyado ng gobyerno kasama pati mga sabungero, bungangera at bungangero at ang milyong-milyong Overseas Filipino Workers na nagkalat sa buong mundo - lahat sila ay tumutulong through their taxes para matustusan ang inyong paga-aral. Kaya kung may konsensha pa kayo mga Eskolar ng Bayan ng UP-Diliman, Quezon City ay dapat lang na mahiya kayo sa kanila. Don't use UP as your training ground para labanan ang inyong gobyerno - concentrate sa inyong paga-aral hindi sa pagprotesta at sa mga parally-rally - tama na ang 31 years na ang Pilipinas ay nalibing sa kamangmangan at kasinungalingan. Support your president and your government - huwag magpagamit sa mga ambisyusong politiko.

I am calling you Eskolar ng Bayan na kasalukuyang hinuhubog ang inyong magandang kinabukasan sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City - sa tulong ng Scholarship Grants na ipinagkaloob sa inyo ng Gobyerno ng Pilipinas. Ang perang ginagamit ninyo para hubugin ang inyong natatanging talento ay nagmula po sa lahat ng mga Filipino tax payers in the Philippines and the Filipino working abroad. Konting hiya naman po sa sarili mga iho at mga iha.

Oo nga po may demokrasya kayo to express your sentiments para sa mga bagay na ayaw ninyo - tulad na lamang sa paraan ng pamumuno ni Pangulong Duterte - na kung ating sisilipin ay lahat ng kaniyang mga adhikain ay para sa ikabubuti ng bansa at mamamayang Filipino - kasama na kayo doon. Pero kung sino pa ang nagbibigay sa inyo ng pagkakataon na makapag-aral kayo hanggang sa kayo ay makatapos - ang ganti ninyo ay suwagin sila, lapastanganin sila, yurakan sila at hindi n'yo manlang naisip kung hindi dahil sa kanilang mga taxes wala kayo sa inyong kinalalagyan ngayon bilang mga Eskolar ng Bayan.

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!