loading...

Monday, April 10, 2017

Mass Leave ng 19 Immigration Officers sa NAIA Nag-iiyakan Ubos na Ang Budget sa Pang-araw-araw na Gastusin

Dahil daw sa hindi nabayaran ang Overtime nila - ang 19 Immigration Officers ng NAIA ay nagkasundo na gawin ang "Mass Leave". Ngayon ang iba sa kanila ay nag-iiyakan dahil naubusan na ng budget para sa pang-araw-araw na gastusin, kasama ang pang-upa sa bahay, pambayad sa tubig at kuryente ayon sa inilabas na interview ng GMA news sa ibang nag-AWOL na Immigration Officers.

Sec Benjamin Diokno 
Tanong ko sa iyo kabayan: Kung ikaw ay isa sa 19 Immigration Officers na nag-absent sa work mo sa NAIA - dapat mo bang sisihin ang Administration ni Pangulong Duterte - dahil lamang sa hindi ka nabayaran ng Overtime ikaw ay nag-AWOL at umiiyak ngayon habang iniinterview ka ng taga GMA news - dahil wala kanang pambili ng gatas ng anak mo, pagkain ninyo, pambayad sa tubig, kuryete at iba pang gastusin araw-araw? 

Ayon kay Sec Benjamin Diokno: "Ang nature ng job nila (19 Immigration Officers) ay job orders. 'Yung pagmamatigas nila, they can be replaced any time kapag hindi ka (sila) nagreport for work."

Kapag ang isang trabahador ay nag-AWOL - puwede iyon maging rason para materminet siya sa work niya. At masakit yon dahil lamang sa hindi nabayaran na Overtime mawawalan siya ng work. Ibig bang sabihin nito - mas malaki ang kita nila sa Overtime kaysa normal na sahod nila? Kasi ginamit nilang rason ang hindi nabayarang OT kaya sila nag "Mass Leave".

Alam natin lahat na ang airport natin ay isa sa mga pinakabising lugar. Sa loob ng 24 hours, 7 days a week - ang airport ay kailangan ng mga tauhan para sa mga pasaherong palabas ng bansa at mga pasaherong papasok sa bansa. Kaya ngayon dahil sa kakulangan ng mga trabahador sa NAIA - mahaba ang pila ng mga pasahero, palabas at papasok ng bansa.

For more details watch the video: Dapat bang sisihin si PRRD sa 'Mass Leave' ng Immigration Officers dahil sa No Overtime Pay Policy?

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!