loading...

Saturday, May 27, 2017

LUZVIMINDA Manalig Ka -- Hindi Papayag si Amang Digong na Tuluyang Yurakan Ang Ganda Mo ng Mga Pasaway ng Lipunan

LUZVIMINDA: Luzon, Visaya at Mindanao, alam ng nakakarami mong angkan na si Amang Duterte ay may magandang kalooban, lakas at tapang para mapanatili ang iyong ganda at katahimikan - nguni't hindi rin maitatatwa na mayroong mga pasaway na nagtatago sa likod ng maskara - mga pasaway ng lipunan na nagtataglay ng maiitim na budhi at masasamang hangarin para saktan ang kalooban mo at sugatan ang iyong sinapupunan.

Thanks to Bro Neil Robert Alagos Duterte
Bilang pangulo ng Luzon, Visaya at Mindanao - si Pangulong Duterte ay sumumpa na seguraduhin ang seguridad ng buong bansa. Walisin ang lahat ng duming iniwan at ikinalat sa iyong mukha at buong katawan ng nagdaang administrasyon. Sumumpa siya sa harap ng Sambayanang Filipino na sa loob ng kaniyang termino ay ipaparanas niya sa bawa't angkan mo ang tunay at totoong pagbabago na sa loob ng tatlong dekada ay ipinagkait sa kanila.

Opo, LUZVIMINDA - maraming nagmamahal at nagtitiwala kay Pangulong Duterte, hindi lamang 16 milyon - aabot pa sana hanggang 21 milyon kung hindi sana ginamitan ng hokus-PCOS noong araw ng botohan - pero huwag mabahala dahil silang 16 milyon ay buong puwersang nagkakaisa para suportahan ang lahat na layunin at adhikain ng Amang Duterte. Tulad na lamang ang pagsuporta nila sa Martial Law para sa Mindanao. 

Aaminin ko po LUZVIMINDA - napaluha ako at naghimutok ang aking kalooban. May isang video na lumutang sa FB at sa bidyong iyon kitang-kita ko kung papaano pinutulan ng ulo ng Terorista ang isang inosenteng angkan mo -  siya ay (nakagapos, sumisigaw, nagmamakaawa). Nakita ko na dahan-dahang nilagari ang leeg niya gamit ang matalim na pantabas ng damo (others called it Sundang o Tabak) hanggang humiwalay ang ulo niya sa kaniyang katawan. Napaluha ako at nakapagmura ako. At nasabi ko sa sarili ko dapat ang bidyong ito mapanood ng mga Dilawan at lahat na ayaw sa Martial Law ni Pangulong Duterte. Now ang bidyo hindi ko na makita sa Facebook.

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!