Isang maituturing na karangalan po na ang Pilipinas, ang gobyerno ni Duterte at ang mamamayang Filipino ay nagkaroon ng isang matapang, mabagsik, totoong maglingkod sa kaniyang sinumpaang propesyon - ang tinutukoy ko rito ay walang iba si PAO Chief Atty. Persida Acosta. Siya ay nasa panig ng katotohanan at kaayusan ng isang bansang may soberinya.
Salamat po sa iyo Atty. Persida Acosta - ngayon ko lang po nalaman na ang "War on Drugs" at "War on Crimes" ng ating mahal na Pangulong Duterte are in 'Compliance with the United Nations Organization on Drugs and Crimes Recommendations of 2016'. Nangangahulugan na may legal basis naman pala ang adbokasiya ng ating pangulo patungkol sa mga problemang hinaharap ng ating bansa at mamamayan.
Ngayon ko lang po napagtanto na sa kabila ng mga batikos, pagkontra ng mga Dilawan sa mga adbokasiya ng pangulo - lalo na patungkol sa drugs at crimes na sumisira sa ating lipunan - ang ating mahal na Pangulong Duterte ay makikitaang kalmante pero birdugo para aksyunan ang problema dahil hawak niya ang mga alituntunin na pinagtibay ng United Nations Organization - mga tamang paraan kung papaano pupuksain ang talamak na druga sa bansa at ganuon din kung papaano wawakasan ang iba't ibang krimen sa bansa.
Ibig lamang sabihin nito - may bendisyon mula sa iba't ibang mga bansa na nagkaisa para gumawa ng mga batas para masugpo na ang druga at krimen sa mundo - dahil ayon na rin sa kanilang recorded facts - libo-libong tao ang namamatay araw-araw sa mundo. At ang druga ayon na rin sa findings ng mga dalubhasang doktor at siyensha sa ilalim ng United Nations Organization ay masama sa tao.
Supalpal dito si UN rapporteur Agnes Callamard - na nagsabi na hindi raw masama sa kalusugan ng tao ang druga. Nangangahulugan lamang na ang takbo ng utak at pagiisip ni UN Rapp Agnes Callamard ay taliwas sa tamang landas at kontra sa world reports ng United Nations Organization at kitang-kita iyon sa kaniyang mukha, pagbuka ng bibig at hindi magawang magsuklay - kababaing tao kulang sa ligo.
Again, salamat po Atty. Persida Acosta - malaking tulong ka sa gobyerno ni Pangulong Duterte para ma-educate itong mga Dilawan kasama na rin itong mga bias media na ang laman ng kanilang mga news reports ay puro base sa personal nilang opinyon hindi bunga ng tamang pag-research.
No comments:
Post a Comment