Tuyong Dahon |
Kung lilinangi’t palalaguin ng tama
Sila’y magbibigay ligaya’t liwanag
At karagdagang kaalaman sa buhay…
Nguni’t pagkatapos silang pakinabangan
Sila’y wawalisin at papalitan sa isipan
Upang bigyan ng daan ang susunod
Na bagong punla ng kaalaman…
Ang tao’y humihinga para mabuhay
At sa kanyang pagtanda lilisanin niya
Ang lahat ng bagay at siya’y babalik
Sa lupa na kanyang pinagmulan…
Katulad ng mga dahon na malago
Sa mga sanga ng isang punong kahoy
Kapag sila’y natuyo na-kusa silang
Babagsak sa lupa’t doon mananahan…
Can't wait to read more? Or maybe feeling even just a little entertained? If so I hope you please consider clicking the share and like buttons below. Thanks much!
No comments:
Post a Comment