loading...

Tuesday, September 25, 2018

Five Beauties of Rappler are My Suitors: Sending Me Love Messages in Journalistic Approaches and Styles


Sa totoo lang po, ako'y nagtataka habang tinatanong ko ang aking sarili: Ano ang nakita sa akin nitong limang naggagandahang kababaihan ng Rappler? Walang sablay ang pagpapadala nila sa akin ng kanilang mga love messages in Journalistic approaches and styles.

Five days in a week, may kanya-kanya silang scheduled day - maliban sa araw ng Sabado at Linggo - yon ay mga araw ng kanilang pahinga sa panliligaw.
Maria Ressa
On Mondays - it is Maria Ressa, the CEO and Executive Editor of Rappler - walang mentis kung padalhan ako ng kanyang love messages.

Glenda Gloria
On Tuesdays - it is Glenda Gloria, the Managing Editor of Rappler - wala ring tigil kung padalhan ako ng kanyang love letters in Journalistic approach and style.

Miriam Grace Go
On Wednesdays - the days for Miriam Grace Go, the News Editor of Rappler - hindi rin puma-paltos na padalhan ako ng kanyang matatamis na pananalita ng pagmamahal.

Chay Hofilena
On Thursdays - it is Chay Hofilena, the Investigative Desk Head of Rappler - hindi rin napapagod sa kapapadala sa akin ng kanyang matamis na salita ng panliligaw.

Lilibeth Frondoso
On Fridays - it is Lilibeth Frondoso, the Multimedia and Video Production Head of Rappler - ang kanyang love messages ay sa video idinadaan.

Sa kabila ng kanilang pagpupunyagi, ni isa sa kanila ay wala pa akong sinasagot. Yes. Lahat ng kanilang mga love letters na tinatanggap ng aking mail box ay binabasa ko at aking binubusisis ng husto. Naalala ko ang sinabi ng aking Lola sa aking nakababatang kapatid na babae na hindi masama ang maging conservative. Huwag agad kumagat sa mga sweet talks mula sa mga manliligaw mo dahil pwedeng ikapahamak mo kung magmamadali ka.

Now I realize - talagang malaki na ang pinagbago ng panahon. Noon nang kapanahunan ng aking pagbibinata, kami ang masugid na manliligaw sa mga kadalagahan sa aming bayan. Ang mga kababaihan noon kung umasta ay mahinhin. At uso pa noon ang haranahan. Minsan inaabot kami ng madaling araw sa haranahan. Ngayon baliktad na, seguro dahil sa makabagong teknolohiya, pwede nang mag ligawan through phones, cellphone at Internet.

Source of idea and other info: Five Beauties of Rappler are My Suitors

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!