|
Baclaran Church |
Nang ibulgar ni Pangulong Duterte ang tunay na bahu ng mga Obispo at mga Pari sa mamamayang Filipino, ang income ng Simbahang Katoliko ay humina. Kumunti na ang nagbibigay ng abuloy sa bawat pag-salok ng limos ng taga simbahan dahil kokonting tao na ang pumapasok sa simbahan. Ganun din ang nag titirik ng kandila - na ang bawat isang kandilang ititirik ay katumbas ito ng isang peso. Ito ay aking napatunayan ng minsan ako'y dumalaw sa simbahan ng Baclaran.
|
Kandilang Pantirik sa Baclaran Church |
Last December 7, 2018 - pumasok ako ng Baclaran church hindi para mag simba kungdi upang maghanap ng ebidensya. At aking ngang nakita at napatunayan na konti na lang ang pumapasok sa Baclaran church para magsimba. Dati-rati maaga palang ang Baclaran church ay maraming nagsisimba. Kasi itong simbahan ay dinarayo ng mga tao. Pero malaki ang pinagbago dahil sa palitan ng maanghang salita between President Duterte at mga opisyal ng simbahang Katoliko.
|
Dahil sa Maling Turo... |
Makikita ninyo sa picture ang ilang taong nagsisimba hindi tulad noong nakaraang mga panahon - ang Baclaran church ay puno ng taong nagsisimba dahil sa dami, pero ngayon - makikita ninyo na bilang nalang sa daliri ang lumuhod sa harap ng mga rebultong santo na gawa sa kahoy at semento. Ganun din po, makikita ninyo sa picture na ang mga kandila na ititirik ay konti na lang ang nababawas.
Higit sa lahat, ang mga nakararami ng mamamayang Katoliko ay nagising na sa matagal na panloloko ng mga opisyal ng simbahang katoliko. Ang kanilang ipinangangaral sa mga tao ay taliwas sa tunay at totoo na mababasa natin sa Banal na aklat either sa lumang tipan o sa bagong tipan - tulad sa "Huwag sambahin ang anumang bagay na gawa ng tao".
Read also:
Ang Super Bagyong Digong
No comments:
Post a Comment