Ito ay napapanahon dahil sa paparating na MidTerm Elections 2019. Kaya I am recommending this video debate to each and everyone. Tungkol po ito sa isang tanong: Sang-ayon ka bang Mag-endorso ng Kandidato ang Simbahan at Religious Organizations? Kabayan saan ka: Sa Sang-ayon? O sa Di-sang-ayon? Samahan mo ng konting paliwanag kung may time. At paki share sa iba if possible.
Ang debate na ito ay hosted nila Pareng Oca at Mareng Mel ng GMA 7. This video was published by Mach Ranas (credit to him/her) on December 5, 2018. Sa side ng Sang-ayon is headed by Father Anton Pascual at sa side naman ng Di-sang-ayon one of their guests is Bro. Eli Soriano.
Sa panig ng Sang-ayon ang unang sumagot at nagpahayag ay si Father Anton Pascual sabi nya: "Sa palagay ko bilang pari dapat lang na mag-endorso, ang mga leaders ng Katolikong Simbahan at mga Religious Organizations - sapagkat nakita natin ang kapangyarihan ng Simbahan sa naganap na People Power 2 Revolution na hindi pa tapos hanggang ngayon ang moral revolution natin, kaya alam natin ang kredibilidad ng Simbahan at Religious Organizations ay mataas - protecting the truth and justice. Sa puntong ito dapat lang na mag-endorso sapagkat may kasabihan tayo 'Evil exists, Good men do nothing' kaya panahon na na mag-endorso."
Sa panig naman ng Di-sang-ayon ang unang sumagot at nagpahayag ng kanyang saloobin sa tanong ay si Bro. Eli Soriano at ito ang kanyang sinabi: "Sa pananaw ko po ay hindi dapat mag-endorso. Unang-una ayon sa Constitution dapat tayong bumoto according to our conscience. Hindi sa konsensya ng Religious leader - at hindi mawawala ang corruption ng gobyerno habang may utang na loob sa bansang ito. Dahil sa kae-endorso kina-Capital ng Religious leader ang kanilang grupo para makakuha ng pabor sa gobyerno na syang pinanggagalingan ng graft and corruption."
Kung inyong panoorin ang video included in this article, marami pang nangyaring palitan ng saloobin between Bro. Eli Soriano at Father Anton Pascual ganun din po ang mga pahayag ng iba pang guests sa nasabing debate.
No comments:
Post a Comment