Ang Milagrosong Burabod o Bukal na matatagpuan sa bandang gitna ng isla ng Tubabao island, Guiuan, Eastern Samar ay bahagi na ng pamumuhay ng mga taga-Tubabao island. Sa kabila na ang Tubabao ay pinalilibutan ng karagatan, ang lasa ng tubig mula sa Burabod o Bukal ay refreshing masarap inumin, hindi maalat.
Ang tubig mula sa Bukal ay parte na ng buhay ng mga taga-rito: It serves as drinking water, sa paglalaba, sa pagligo at marami pang iba. Subalit may malaking problema ang mga tagarito: Ang pag-igib ng tubig mula sa bukal dahil maliban sa malayo ito sa mga kabahayan, ang burabod na ito ay matatagpuan sa malalim na bahagi ng isla - kaya naman ang presyo ng bawat container of 5 gallons ay nagkakahalaga ng 10 php kapag nagpa-igib ka sa isang tao.
Sana mapansin ito ng namumuno sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar - para makabitan ng tubo o daluyan ng tubig pataas nang sa ganun ang mga naninirahan dito ay hindi na akyat-panaog sa madulas at matarik na daan.
Itong burabod sa Tubabao ay napakagandang pasyalan. At pwede rin itong maging attraction sa mga bibisita sa isla ng Tubabao. Ang bidyong ito ay ginawa ko noong Nov 28, 2018 nang minsan binisita ko ang aking kapatid sa Tubabao. At mula sa mga residente dito, nalaman ko na ang isla ng Tubabao ay minsan naging kanlungan ng mga White Russians.
Na ayon sa report ng Philippine News Agency there were about 6,000 “White Russian” refugees from China stayed on Tubabao Island in 1949, a former American base during World War II. The refugees were called “White Russians”.
At ayon pa rin sa report ng Philippine News Agency dated Nov 30, 2018 - The Russian ambassador to the Philippines has vowed to help the local government unit of Guiuan and the President Elpidio Quirino Foundation in their campaign to let more people learn about Tubabao Island and the plight of “White Russians” who lived there, 69 years ago.
No comments:
Post a Comment