Salamat po sa iyong pagdating Pangulong Duterte. Para po kayong isang Super Bagyong dumating sa buhay ng mga Filipino. Marami na po ang nabago magmula po ng kayo ay naging Pangulo ng Pilipinas.
Halos magbigti sa galit at awa sa sarili ang mga taong dumanas sa bagsik ng Super Bagyong Digong - ang kanilang mga ari-arian at kabuhayan ay nangasira. Ang iba sa kanila ay nawindang ang pag-iisip dahil sa sobrang panghihinayang sa naglahong kabuhayan na kanilang inaruga, inalagaan at minahal ng matagal na panahon.
Bumagsak ang ekonomiya ng mga corrupt na politiko, drug lords, pushers, holdaper, carnapper, kidnap for ransom, ibang kabuhayan ng mga oligarchs, mga gambling lords, mga e-games at e-bingos, ang ekonomiya ng mga kawatan sa custom at ang ekonomiya ng mga nagtatanim bala sa NAIA.
Bumagsak na din po ang mga illegal minings, ang ekonomiya ng mga smugglers, at mga ekonomiya ng mga corrupt sa gobyerno. Pati pag-iisip ng ibang senador bumagsak na rin, tulad na lamang kay Senador Pangilinan - na planong e summon ang mga executives ng Facebook para maimbistigahan sa Senado dahil lamang sa mga fake news na kaniya daw nababasa sa FB at nangyari nga po.
Bumagsak na rin sa kaalaman ng mga Filipino ang planong pagkontrol sa Social Media at Internet nila CEO Rappler Maria Ressa - na tax evader at Senador Bam Aquino. Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino ang LeniLeaks - sa planong pabagsakin ang pamunuan ni Pangulong Duterte. Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino ang financer ng mga Yellows na si Loida Nicolas Lewis - na isang Fil-Am na may networth na tinatayang 600 million US Dollars.
Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino ang tunay na kulay ni Senadora De Lima - na pinaniniwalaan na drug-protector ng mga drug-lords, pati ang kaniyang sexual fantasies ay bumagsak din sa kaalaman ng milyong-milyong Filipino - ang kaniyang hilig sa 'Saba'. Ganun din bumagsak sa kaalaman ng mga Filipino na si Senador Trillanes pala ay tinaguriang 'Sundalong Kanin'.
Dahil sa lakas ng hanging Digong, bumagsak sa kaalaman ng mga Filipino ang malaking kasinungalingan - sa panahon ng dating administrasyon ni NoyNoy - ang sambayanang Filipino ay napaniwala na ang ekonomiya ng Pilipinas ay gumanda. Pero iyon ay malaking kasinungalingan dahil ang sinasabi niyang paglago ng ekonomiya ng bansa ay sa mga dyaryo o pahayagan at sa mga malalaking telebisyong networks ng bansa mababasa, maririnig at makikita.
Ang pinakamasakit pa – ang administrasyon ni Noynoy noon ay naging inutil para sugpuin ang illegal drugs sa bansa na sumira ng milyong-milyong buhay at pangarap ng mga Filipino. Na naging sanhi ng paglaganap ng iba’t ibang krimen sa bansa. At paglaganap ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw ng kaban ng bayan. Ang bawat sangay ng kaniyang pamahalaan ay pinamumugaran ng mga kurap at kawatan na tauhan.
Bumagsak din sa kaalaman ng mga Filipino na ang simbahang Katoliko sa pangunguna ng ibang mga obispo, mga pari at madre ay mas pabor pala sila sa drugs, crimes and corruption sa bansa.
Dahil sa Super Bagyong Digong, unti-unting lumilinis ang ating kapaligiran. Unti-unting nababanaag ang pag-asang na isang araw tayo ay magigising na ang bansa natin ay magiging drug-free at gaganda ang pamumuhay ng sambayanang Filipino. Magiging matiwasay sa bawat segundo, minuto, oras, araw ng kanilang buhay.
No comments:
Post a Comment