loading...

Sunday, March 31, 2019

Whatever bleaching cleaners to use by Senator Lacson to clean Mar Roxas, Yolanda issue is still Roxas' Nightmare


Kahit anong bleaching cleaners ang gamitin ni Senator Lacson para maging malinis ang pangalan ni Mar Roxas tungkol sa isyu ng Yolanda - hindi pa rin kayang bura-hin sa mga isipan ng mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda lalu na po ang mga taga Tacloban, Leyte. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin makakalimutan ng mga taga-Tacloban ang naranasan nilang pagpapabaya ni Mar Roxas sa kanila noon. Para sa kanila si Mar Roxas ay walang kakayahang maging leader. Kahit ilan Lacson pa ang mag-abogado kay Mar Roxas - ang kapalpakan na ipinakita niya bilang isang DILG Secretary noon ay nag-ugat na sa kanilang mga puso at isipan. 


Masakit man alalahanin ang mga nangyaring pagpapabaya ni Mar Roxas noong Yolanda, ngunit para sa mga Yolanda victims ng Tacloban, ang mga pamilyang naiwan ng mga namatay ay nananatiling sugat na kailangan ng matagal na gamutan - at iisa ang sigaw ng mga naulila: Wag ibalik sa panunungkulan sa pamahalaan ang tulad ni Mar Roxas. Sabi nga po ni Mayor Duterte: "Roxas is a weak link."


Sino ang hindi sasama ang kalooban - sa gitna ng pighati, kalamidad, ang laman ng puso at isipan ni Mar Roxas ay politics. Sa nag viral na video, na magpahanggang ngayon ayaw pa rin aminin ni Mar Roxas na sinabi niya ito kay Mayor Alfred Romualdez: "You have to understand you're a Romualdez and the president is an Aquino... Bahala kayo sa buhay niyo." Kahit sabihin pa na ang bidyo ay putol - but the fact was it was recorded that time he said it.  


Ngayon si Mar Roxas ay isa sa walong kandidato ng Otso at kasalukuyang hinuhugasan ni Senator Lacson para maging malinis sa mata ng mga Filipino - pero para sa milyon-milyong Filipino sa bansa at ibayong-karagatan, kahit anong paglilinis ang gawin ni Senator Lacson kay Mar Roxas - ang isyu ng Yolanda ay mananatiling nightmare sa kanyang pagkatao kasama ang katotohanang siya at ang Otso Team ay matagal nang sinusuka ng mga gising na Filipino. 

 

Ngayon kabayan, lumabas na ang tunay na kaliskis ni Senator Lacson -  confirmed isa pala talaga siyang Dilawan. But the fact is whatever bleaching cleaners to use by Senator Lacson to clean Mar Roxas, Yolanda issue is still Roxas' nightmare.

Thursday, March 28, 2019

Birthday Wishes from Filipinos in Israel to President Duterte

Ito po ay patunay lamang - saan mang bahagi ng mundo ang mga Filipino, ang kanilang pagmamahal at pagtitiwala sa mahal nating Pangulong Duterte ay buhay at ang kanilang suporta ay nananatili sa kanilang puso at isipan.

OFWs in Israel - Israel Chapter from San Carlos, Pangasinan
Around 1:16 AM today, March 28, 2019 - tumanggap ng mensaheng tula O awit mula sa mga Filipino na nagtatrabaho sa bansang Israel - sa pangunguna ni Ms. Vilma Rosario Sacro ang ating Facebook Community Page PresDuterte PenWarrior - kanyang ipinaparating ang kanilang taos-pusong pagbati sa kaarawan ng ating mahal na Pangulong Duterte. 

Ms. Vilma Rosario Sacro Taken in the year President Duterte visited Israel
Ito ang kanyang mensahe: "Hi tatay digong...meron po akong written Song for you that I want to send to you the lyrics....sana po inyong magustuhan. Maligayang kaarawan mahal naming pangulo."


"Ngayon natuto na kaming lumaban
Dahil sa iyong katapangan at walang inuurungan
Sa palad mo Amang Digong
Panatilihin ka sana ng panahon."


Liriko ng Awiting 'Oh, Amang Bayan' - a recorded voice was included with this song. However, it cannot be shared.

Israel Chapter Giving Gift Program

Si Ms. Vilma Rosario Sacro at ang kanyang grupo - kung tawagin ay Israel Chapter - sila ay mga taga San Carlos, Pangasinan. Sa Israel, ang kanilang grupo ay nagkakaisa sa pagtaguyod ng charity program tulad ng "Giving Gift Program" para sa kasiyahan ng mga kabataang Filipino na nandoon din kasama ang kanilang mga magulang. Ang Israel Chapter from San Carlos, Pangasinan ay buong nagkakaisa para suportahan ang lahat ng adhikain ng ating mahal na Pangulong Duterte. 

Tuesday, March 26, 2019

Bigo ang Dilawan sa Planong to Destabilize Duterte's Administration


Para masira ang pagkatao ni Pangulong Duterte sa mga Filipino, ang mga Dilawan ay buong pwersang nagkaisa sa paghahanap ng mga isyu para mag-init ang mga Pinoy sa pangulo. Sila ang mga grupo na ayaw sa presidente. At gagawin nila ang lahat para malugmok ang pangulo sa kahihiyan at maging dahilan para magalit sa kanya ang sambayanang Filipino sa mundo.

Sila ang mga oligaryo sa bansa na kinaka-sabwat ang mga bayarang media sa Pilipinas, mga opisyal ng Simbahang Katoliko sa pangunguna ni SOC Villegas at ang paring si Reyes, mga NPA/CPP/NDF, ang CHR - sa pangunguna ni Chito Gascon, ang opisina ng Fake VP Leni Robredo na laging kontra kay Pangulong Duterte, mga Yellow Senators at Congressmen at iba pang grupo ng mga Pinoy na ayaw sa bagong administrasyon.

Acierto Corrupt Ex-COP

Kamakailan lamang ginamit nila ang isyu sa pagkalas ni Pangulong Duterte sa ICC (International Corrupt Court), pero hindi sila nagtagumpay tapos isinunod nila ang isyu ng water shortage sa Metro Manila sa paniniwala na magiging dahilan ito para magalit ang mga tao sa presidente, subalit hindi pa rin sila nagtagumpay. And then gamit ang Otso, nagpalabas sila ng kung anu-anong fake news laban sa administrasyon sa pag-asang paniniwalaan sila ng mga Filipino.

Dahil hindi kinagat ng tao ang kanilang iba't ibang isyung ibinato kay Pangulong Duterte - kanilang pinag-diskitahan ang relasyon ng Pilipinas sa China. Binigyan nila ng negatibong kwento gamit ang bayarang media - pinalabas nila na ang Pilipinas ay kontrolado na ng China, kasama ang galit nila sa mga Chinese workers na binigyan ng trabaho sa Pinas ng gobyerno kapalit daw sa malaking utang ng Pinas sa China. Pati ang foreign policy ng pangulo tutol sila.

Dahil sa walang kumakagat sa kanilang mga fake news at propaganda - heto na pinasok si Ex-COP Acierto tulad kay Matobato para idiin si Pangulong Duterte na may kinalaman daw sa malaking sindikato ng droga sa Davao sa pamamagitan ng pag-dawit kay Michael Yang na linked daw sa droga na ex-presidential adviser ni Pangulong Duterte. Tanong ngayon - ano pa kayang mga isyu ang susunod na ibabato nila kay Pangulong Duterte?

Michael Yang Ex-Presidential Adviser

Yes. Malakas pa rin ang Dilawan sa kalokohan lalu na po pagdating ng paggawa ng fake news at propaganda laban sa administrasyon sa tulong ng mga bayarang media sa Pilipinas. Kung maaalala lang natin kung gaano makapangyarihan ang mga bayarang media sa Pinas ay nang minsang nagsiwalat ng malaking eskandalo tungkol sa election frauds si Atty. Glenn Chong sa hearing sa Senado laban sa allegedly sabwatan ng Comelec at Smartmatic sa mga nangyaring dayaan ng elections mula 2010, 2013 at 2016 na itinago ng bayarang media sa bawat Filipino at salamat na lang at may isang pinoy who is standing alone in his way para patuloy na ibulgar ang tunay na baho ng Comelec at Smartmatic na naging dahilan sa pagkamatay ni Red Santillan.

Ngayon ang mga Dilawan ay hindi na mapakali para mag-isip ng iba't ibang paraan kung paano nila masisira ang pangulo sa mga Filipino. Subalit ang mga nakakaraming Filipino ngayon ay gising na at hindi na mangmang para hindi makaunawa sa mga masasamang plano ng Dilawan. Salamat at may social media to update us. Desperado na ang mga kalaban ng pangulo. Bigo ang Dilawan sa planong to destabilize Duterte's administration.

Monday, March 25, 2019

Another Medieval Korean Masterpiece Zombie Movie 'Rampant'

 
Korean Zombie Movie 2019 Video Credits: YouTube Uploader Dada Minho

Another Korean masterpiece zombie movie published on Feb 9, 2019 by Dada Minho. Very awesome. Very nice and great movie to watch in English subtitle. 

But this is not Kingdom 2 and has nothing to do with the Kingdom series on Netflix according to #Intranet. This is a totally different medieval Korean zombie movie called Rampant.

Yes. This is a zombie movie and not really a scary one...

Laban Mo, Laban Ko 'Glenn Chong' Pag-asa Ng Bayan Jingle


The above music video is dedicated to Atty. Glenn Chong in his run for Senator in May 2019 elections. This jingle was composed by the Filipino-American Musical Ensemble. Ito po ay patunay na si Atty. Glenn Chong ay suportado ng nakakaraming Filipino sa bansa maging sa ibayong-dagat. Sa ibaba ay liriko at mensahe ng nasabing jingle.

First stanza: 

Si Glenn Chong ang pag-asa ng bayan
Mabait at magalang kanino man
Likas matalinong abogado
Tapat na nagsilbi sa Kongreso

Second Stanza:

Angat ang mga tao sa Biliran
Proyektong maraming nagampanan
Kaya dalhin sa Senado
Magkaisa lahat tayo
Si Glenn Chong iboboto

#21 Glenn Chong for Senator: Kasangga Ng Pagbabago na Sinimulan ng Pangulo
Third Stanza:

2007 nasa Kongreso
2010 dapat ay panalo
Ang mga tao'y nagkakagulo
Di nabilang kanilang boto

Fourth Stanza:

Mula noon hanggang ngayon
Nakipaglaban si Glenn Chong
Mga reporma sa halalan natin
Panginoon hangad namin

Ulit Stanza (1)
Ulit Stanza (2)
Ulit Stanza (3)
Ulit Stanza (4)
Ulit muli Stanza (1)
Ulit muli Stanza (2)

Kaya dalhin sa Senado
Magkaisa lahat tayo
Si Glenn Chong iboboto

Kaya dalhin sa Senado
Magkaisa lahat tayo
Si Glenn Chong segurado
-------------------------------------

Iba talaga pag mahal ng mga tao ang kanilang kandidato - gagawin nila ang lahat para ihatid nila si Atty. Glenn Chong sa Senado. Glenn Chong para sa Senado - Monday May 13, 2019 #21 Glenn Chong sa balota.

Sunday, March 24, 2019

Open Letter Kay Pangulong Duterte Ng Mga Magsasaka Ng Rizal, Nueva Ecija

Sibuyas - Photo Credits: Facebook Angelyn Eufemia Gulla
March 17, 2019 around 7:50 pm - ang ating Facebook Community Page PresDuterte PenWarrior ay nakatanggap po ng isang maikling sulat po mula po sa mga magsasaka ng Rizal, Nueva Ecija - sa pangunguna po ni Ginoong Joseph Joaquin, para po kay Pangulong Duterte. Ang laman po ng kanyang sulat ay mababasa po sa ibaba.
--------------------------------------------------------------------- 
Mahal naming Pangulong Duterte - kaming mga magsasaka ng Rizal, Nueva Ecija ay direktang lumalapit po sa inyo na pataasin naman po ang produkto naming mga magsasaka. Mag-angkat lang po kung kinakailangan lalo na sa sibuyas at palay. Marami pa po ang hindi nakaka-ani sa amin pero puno na po ang storage para sa sibuyas.
Maraming salamat po. Umaasa po kami na sana ay pakinggan ang aming hinaing kasi lugi po kami ngayon sa presyo - dagdag pa ang pag-atake ng peste lalo na sa pananim naming sibuyas. Muli po ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo mahal naming pangulo nawa'y mapansin nyo po ang aming isinasamo sa inyo.
Gumagalang,
Joseph Joaquin
Sa Ngalan Ng Mga Magsasaka
Ng Rizal, Nueva Ecija
-------------------------------------------------------------------
Sa mga makakabasa po nito, si Ginoong Joseph Joaquin sa ngalan po ng mga magsasaka ng Rizal, Nueva Ecija ay nakikiusap din po sa inyo na tulungan sila na makarating itong maikling sulat sa ating mahal na Pangulong Duterte. Dahil sa oversupply ng sibuyas, ang ating mga magsasaka sa Rizal, Nueva Ecija ay nalulugi sa presyo ng kanilang inaani na sibuyas. Ang iba ay nabubulok na.

Friday, March 22, 2019

Atty. Glenn Chong One of The 12 Senatorial Candidates to Occupy The 12 Magic Seats

"Kung maisasalin ko lamang
Ang aking Liwanag
Kung mayroon sana akong
Mapa-Apoy na mga Damdamin...

"Maubos man ang aking kandila
Ang Liwanag ay hindi mawawala
At hindi na tayo kailanman
Maba-balot sa Dilim...

"Ngunit malalim ang Kadiliman
Na hindi kayang pawiin ng
I-isang kandila lamang...

"Paubos na ang aking Mitsa
Ang aking Kandila
Ay pawala na!" - Atty. Glenn Chong

Ayon kay Atty. Glenn Chong, kanyang pinaglalaban ang mga karapatan ng bawat Pilipino sa loob ng siyam na taon laban sa napakalaking sindikato ang COMELEC at SMARTMATIC na ayon sa abot ng kanyang pag-aaral, paniniwala at sa mga ebidensya na kanyang nakalap - ang sindikato na ito ang siyang dahilan kung bakit sa panahon natin ngayon - kaliwa't kanan ang mga korap na opisyal ng ating bayan.

Ang darating na 2019 MidTerm Elections na magaganap sa Mayo 13, 2019 ay huling laban ni Atty. Glenn Chong - at ayon sa kanya magtatagumpay lamang siya kung kasama kayong mga nagmamahal at nagtitiwala sa kanya. Watch the video above. Ang suporta ninyo ay mahalaga. Nawa'y isa siya sa lucky 12 na senador to occupy the 12 seats in the Senate.

Her are my final best chosen 12 Senatorial Candidates for the 2019 MidTerm Elections: (1.) Atty. Glenn Chong, (2.) Atty. Gadon, (3.) Bong Go, (4.) Gen Bato Dela Rosa, (5.) Imee Marcos, (6.) Pia Cayetano, (7.) Cynthia Villar, (8.) Francis Tolentino, (9.) Bong Revilla, (10.) Doc Willie Ong, (11.) Raffy Alunan at (12.) JV Ejercito. Naiintindihan ko na hindi magkakapareho ang kandidato na pipilin natin - pero nakatitiyak ako na sa 12 senatorial candidates na nakalista dito - meron kayong napupusuan. Thank you for that.

Wednesday, March 20, 2019

Atty. Glenn Chong Pinatay Na Ng Kalaban: Watch The Video


Dahil sa kasikatan ni Atty. Glenn Chong, mapa-Pilipinas at Ibayong-dagat, ang kanyang mga kalaban ay hindi na mapakali. Kung anu-anong gimik at fake news ang lumalabas sa social media sinasabi na si Atty. Glenn Chong ay patay na.

Akala seguro ng mga kalaban ni Atty. Glenn Chong - ang kanilang fake news ay kakagatin ng mga Filipino sa mundo. Palibhasa mapera ang kalaban ni Atty. Glenn Chong - gagawin ang lahat ng kalaban na mawala si Atty. Glenn Chong sa kanilang landas.

Para sa lahat na sumusuporta kay Atty. Glenn Chong, mga OFWs sa mundo at ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas - kasama ang lahat na Filipino na nagtitiwala sa kakayahan ni Atty. Glenn Chong, nawa'y ipagdasal ang kanyang kaligtasan.

Watch the video at pakinggan ang panawagan ni Atty. Glenn Chong. Buhay na buhay pa rin siya at palaban.

Sunday, March 17, 2019

Goodbye ICC Philippines Officially Out

Goodbye ICC Philippines Officially Out
Sa talino ni Pangulong Duterte, nag-mukhang tanga at bobo ang ICC (International Criminal Court). March 17, 2019 - marks the effectivity ng pag-kalas ng Pilipinas sa ICC. At mula sa araw na ito, ang bansang Pilipinas ay makakatipid na po sa buwanang budget na approximately 100 milyong pesos na pambayad sa ICC - pera na mula sa mga Filipino taxpayers. 

Maliwanag sa sikat ng araw at buwan - pinagkaperahan ang Pilipinas nitong ICC nang matagal na panahon. Salamat na lang po at ang bansang ito ay nagsilang ng isang matalinong Pinoy na may tapang at malasakit - sa katauhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 

Congratulations Philippines. Dapat lang po na ipagbunyi natin ito from today forward. At dapat ay hubaran sa pagka - Filipino si Atty. Sabio at lahat na kanyang kasabwat. Parang nakikita ko na - ang mga Dilawan, LP, CBCP, CHR at iba pang grupo na kontra sa bagong Administrasyon ay di na makadumi ng maayos ngayon - tiyak nag iigit-igit (LBM) na sila sa sobrang kaba at takot pati Dilawang Senadors, pakiramdam nila ay may nakakalso sa kanilang mga lalamunan. 

Seguro ang mga kalaban ngayon ni Pangulong Duterte ay nagpupuyos ang kanilang mga dibdib sa sobrang galit. Isa na sa kanila ay ang mga pari ng Simbahang Katoliko - dahil may usap-usapan sa social media na ang mga lupain na inangkin ng mga pari, obispo at ng iba pang mataas na opisyal ng Simbahan ay ipamimigay ni Pangulong Duterte sa mga Filipino.

ICC Finished Na - Photo Credits: DWIZ 882
Pero alam nyo ba kabayan - hanggang ngayon ang Diliwan ay nagmamatigas parin tanggapin na wala na tayo sa ICC. Sa pangunguna ni Gary Alejano kanyang ipinahayag through his man Mr. Jake Manara Abs na die-hard Otso, I quoted below:
--------------------------------------------
"Mananagot ka sa kasalanan ng bansa. ICC WITHDRAWAL WILL NOT SAVE EJK ENABLERS FROM CHARGES. Let me remind everyone that the Philippines’ withdrawal from the ICC has wide and long-term implications and consequences. From a domestic point of view, the withdrawal from the ICC will embolden our leaders to commit further human rights violations. Let it also be known that there is still an ongoing petition before the Supreme Court regarding the legality of the decision made solely by the President and his cohorts.

"From an international perspective, President’s idea to withdraw signifies an act that goes against universal values other countries have adopted and fostered. Moreover, his act will restrict our country from receiving any foreign aid which requires as a condition the preservation and protection of human rights. In addition, it will further limit our options for foreign loans, in the same way we resort to exorbitant Chinese loans. Overall, withdrawing provides no benefit to our country, other than the President thinking he can escape criminal prosecution but more egregiously, it paints our country negatively before the international community.

"Finally, let me emphasize that the ICC continues to maintain jurisdiction to investigate complaints for extra-judicial killings that were committed before the effectivity of the withdrawal. I daresay the enablers of extra-judicial killings in this country will pay the price in full. They will not be spared from the clutches of justice once the war on drugs, which have claimed thousands of Filipino lives, is proven to be a crime against humanity. You can withdraw but you cannot hide. #SundaloNgPilipino #GaryAlejano."
---------------------------------------------
Bilang reactions ko sa sinabi ni Mr. Jake Manara ABs - ito ang naging sagot ko: "Wala na nga pong karapatan ang ICC sa Pilipinas - kumalas na po tayo officially March 17, 2019 the Philippines has won the freedom and independence dahil sa talino ng ating pangulo - nakamit natin yan. Pakisabi na lang po kay Mr. Gary Alejano (at sa iba pang otso diretso) that he is dreaming. Wala ka bang tiwala sa ating Justice System Mr. Jake? Bakit ipinipilit mo pang makialam ang ICC sa bansa natin? Ang ICC po ba ay sandalan mo rin? Katulad ka rin ba ni Atty. Sabio at ng kanyang mga kasabwat?"

I just hope na matauhan na ang lahat na mga Pinoy sa mundo. Ang ginawa at kasalukuyang ginagawa ng ating butihing pangulo ay hindi lamang sa kanyang kapakanan. Ang kanyang pagpupunyagi ay para sa ikabubuti ng ating Inang-bayan at ang mga mamamayang Filipino. Nakita at atin narin naranasan ang buhay ng pagiging puppet ng mga dating namumuno ng ating bansa - ngayon sa pangunguna ni Pangulong Duterte - nakakakita na tayo ng liwanag. Wag na nating hayaan na mamatay ang liwanag na ito - na pinagkait sa atin ng higit tatlong dekada. Magkaisa tayo at samahan natin ang ating pangulo sa pagtupad ng mabuti nyang mithiin para sa bayan. 

Thursday, March 14, 2019

Hudyat Nga Ba Ng Pagpapatiwakal Ang Magmahal?


Ang alamin nang lubusan
Ang pag-ibig na wagas at tunay
Ay landas tungo sa hukay
At paghinto ng iyong buhay…
Ang ipikit ang mga mata
Sa mga bagay na nakikita
At manatili sa kinaroroonan
Dahil sa takot na masaktan…
Sa pagsisinungaling ay nanindigan
Habang nananangis ang katotohanan
Sumisigaw na bigyan ng kalayaan
Buksan ang iyong mata sa katotohanan…
Ang hawakan mo si kupido
Kasama ang mahiwagang pana
Upang ikaw ang siyang tumudla
Sa puso ng mahal mong sinisinta…
Ang talikuran ang katotohanan
At maniwala sa mga mapanira
Ang paglimot sa mga alaala
Sa buhay mo minsa'y nagpasaya…
Ang pagputol ng tulay
Na nagu-ugnay sa nakaraan
Ang umibig sa sigaw ng isipan
Hindi ang tinitibok ng puso…
Ang magmahal para sa kabutihan
Sa kasamaan, sa kaligayahan
Sa matinding kalungkutan
At walang katapusang kabiguan…
Ang magmahal na wala sa sarili
Na walang pagpapahalaga sa panahon
Ang magpatawad at lumimot
Dahil hindi na kaya ng puso…
Ang isakripisyo ang panahon at kinabukasan
Para sa lahat na iyong minamahal
Sa ngalan ng dakilang pag-ibig
Ay hudyat ng pagpapatiwakal!

Thursday, March 7, 2019

Milyon Ang Nagkasakit Ng UTI Sa 1986 EDSA People Power


Milyon pala ang nagkasakit ng UTI (Umibig Tapos Iniwan), sila ang mahilig sa Balimbing sa kasagsagan noon ng EDSA People Power in 1986. Marami na ang yumao sa sakit na ito 'UTI' dahil lumala ang infection. Hindi na kayang gamutin ng anumang klaseng gamot na antibiotics. Hanggang sa kasalukuyang panahon - marami pa ring carriers nito ang buhay. Kaya hinayhinay sa Balimbing kabayan para maiwasan ang sakit na UTI. Wag nang hintayin na sa huli ang pagsisisi.

Below are reactions from people who have watched the video.

Camilo Lopez: "Nabiktima ang buong Pilipinas ng kataksilan kaya sumapit ang sumpa sa Inang Bayan at naging alipin ang lahat na mga Pilipino! Paano tayo babalik sa nakaraan? Kailangan magkaisa ang Pamilyang Pilipino sa buong Pilipinas at buong mundo, wag na bigyan ng position ang mga opposition. Kailangan linisin natin ang sistema ng gobyerno. Wag na bigyan ng pagkakataon ang mga opposition na muling hilahin ang bansa sa burak ng kapahamakan."

1986 EDSA People Power

Jhomel Villareal: "Huli na para magsisi. Ang kailangan natin ngayon ay magkaisa para sa kinabukasan ng ating bansa. Suportahan ang mga pulitiko na mabuti ang hangarin sa bayan. Wag na mag balik ng kahit sino sa mga dilawan."

Abimelech Sanders: "I revered Cory, Ninoy and the LP during my childhood. Throughout those times, they let me believe (even to my grandma on my mother's side) that Cory was a good president while Marcos was an evil villain of sorts at minsan naga-argue kami ng tita namin sa father's side kasi may nagawa naman din si Marcos. Several years have passed noong nasa Grade 10 na ako, I was able to escape the Yellow control and reborn as a righteous person. After hearing all of his greatest achievements during his time, I was astonished and at the same I was furious that these Yellow bastards has been lying to me ever since I was a child. And I vowed that the New Society that Marcos had built will soon return."

Carlough Bargamento: "These are the reasons why former President Marcos declared Martial Law because Filipinos are extremists, liberal and law breakers constituted rebellion, coup d'etat and illogical activists that lowering the value of our LAW AND PUBLIC PEACE ORDER OF A COUNTRY. Mr. Marcos was a logical dictator and delivering very right in his leadership during his reign and our dear president, PRRD is a rightful man of his fist to discipline these crappy heads of fews motivated by the assistance and conspiracies of oligarchs, patriarchal elite families, tycons, drug lords, NPA, terrorists and other leftists who just want to ruin our country from their bollixed crud."

Monday, March 4, 2019

Mobile No. 09359229483 is Used by Scammers to Victimize People for Money

Mobile No. 09359229483 is Used by Scammers to Victimize People for Money

On March 3, 2019, at around 2PM, nakatanggap ng mensahe ang anak ko mula sa mobile # +639359229483. Ang sabi "Hi Ms. Marife Pruel account owner of 09066778997. Kindly answer our call regarding your unauthorized use of your paymaya. Thank you."

After reading the message, ako at ang anak ko ay naniniwala na iyon ay galing sa Paymaya. Dahil walang ibang nakakaalam sa account ng anak ko sa Paymaya maliban ang taga Paymaya Philippines.

On March 4, 2019 (Monday) around 3:30PM, ang anak ko ay tumanggap na ng call mula sa mobile # 09359229483. Ang caller ay isang babae at nag instruct sa anak ko na ipa-upgrade ang account nya sa Paymaya at mag deposit sa kanyang Paymaya account ng 20 thousand pesos. At nanakot pa kung hindi daw ipapa-upgrade makukulong ang anak ko dahil daw hindi siya authorized para gamitin ang Smart Padala.


Napasigaw ako ng "Sira ulo ka pala". Tapos naputol na ang pag-uusap. Paano nya nasabing hindi authorized na gamitin ang Smart Padala samantala ang Paymaya ay isa sa partners ng Smart Padala. 

On December 2, 2018, ang anak ko ay nag open ng account sa Paymaya sa tulong ng isang kaibigan na Paymaya user din. Kanyang nakombinse ang anak ko na kapag naging Paymaya ka na, pwede mo magamit ang paymaya account mo sa pagbabayad ng iba't ibang bills, tulad ng Meralco bills ganun din sa Smart Padala at Loading business.

Yes, sa unang dalawang buwan - naging maayos ang kanyang paymaya, nakakapag loading ang anak ko, nakapagbayad ng aming meralco bills at dalawang beses siyang gumamit ng Smart Padala. Nang unang araw na e activate ang kanyang Paymaya ATM card, nag deposit siya muna ng 500 php tapos ng medyo dumami na ang nagpa-load nagpasya na siya na dagdagan ang deposit niya sa Paymaya account from 500php to 2,600php.

Pero pagdating ng unang linggo ng Pebrero 2019 - nagsimula ang problema sa kanyang Paymaya account. Ang anak ko hindi makapag log-in sa kanyang Paymaya account online. Ang password na ginagamit nya ay nire-reject na. Maraming beses niyang ipinalam sa Paymaya ang problema - pero ang laging sagot ng Paymaya ay e-reset ng anak ko ang password - pero walang ring saysay. Ilan beses siyang nag reset ng password.

At that time ang natitirang balance sa kanyang ATM Paymaya card ay nasa 1,450 php. So ipinaalam namin sa nagturo sa kanya na mag Paymaya, ang problema hanggang ang naging desisyon ng anak ko ang e-withdraw ang natitirang balanse sa kanyang ATM Paymaya card. Yes, she withdrawn the money amounting to 1,400php leaving the 50php sa ATM Paymaya card.

Akala namin OK ang lahat, pero biglang nagwala ang anak ko ng matanggap niya ang call mula sa numerong ito: 09359229483 na nagpipilit na e-upgrade niya ang kanyang Paymaya account at lagyan daw niya ng 20,000 php. Dahil dito, lalung lumakas ang suspetsa namin na ang Paymaya Philippines ay may kinalaman dito. 

Kaya naman kinausap namin yon tumulong sa kanya na mag Paymaya para makarating sa opisina ng Paymaya Philippines at amin din ipinadala yong mobile number ng caller na babae plus yong message ng caller gamit ang numerong nabanggit - ang sagot ng taga Paymaya Philippines ayon sa kaibigan ng anak ko - ang Paymaya hindi raw nagpapadala ng message kay Marife Pruel o Tumawag man sa anak ko. 

Ang tanong ngayong gumugulo sa isipan naming mag-ama ay ito: Paano nalaman ng caller na ang anak ko ay registered user ng Paymaya? At siya pa ay nagpupumilit na e-upgrade ng anak ko ang kanyang Paymaya account at mag deposit ang anak ko ng 20,000 php? At masaklap pa, ang SSS number ng anak ko na ginamit niya para magpa register sa Paymaya ay alam ng caller na putang inang babae na yon - kung hindi siya connected to Paymaya Philippines? 

I just hope, ang sinumang makakabasa nito help me spread to other people para makapag-ingat na rin. At makarating ito sa atoridad tulad ng NBI para imbestigahan kung sino ang nagmamay-ari ng mobile phone number nato: 09359229483. Kung ang Paymaya ay walang kinalaman sa caller na ito o kung hindi nila tao, employee - dapat alamin din nila kung sino ito para maingatan ang kanilang reputasyon dahil maliwanag na ginagamit ang kanilang company name to victimize people for money.

Sunday, March 3, 2019

Binasag ang Pagkatao ni Mar Roxas ni Pangulong Duterte at iba pang Kandidato ng Otso



Hambogero pala itong si Mar Roxas ayon kay Pangulong Duterte. Dati pala siyang Secretary of Trade and Industry sa panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Tapos nag jumped siya pagkatapos ng election sa side ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Siya ay naging Secretary of Transportation and Communications at naging Secretary of the Interior and Local Government. Pero sa mga departamentong hinawakan niya mula kay Macapagal at Noynoy Aquino - ni isang bagay wala siyang nagawa na naiwan niya sa bayan na pwede ipagmalaki nya sa mga Pinoy, ayon kay Pangulong Duterte.

Nangangahulugan lamang, si Mar Roxas ay isang incompetent leader. Hindi siya karapat-dapat na maging isang senador. Magaling lang siya sa ngawa at pagsisinungaling. Magkakatulad silang lahat na tumatakbo sa partido ng Walo na ang mga lakad ay taliwas sa tuwid na daan.

Magiging kawawa ang bansang ito at ang mga mamamayang Pilipino kung sa darating na MidTerm elections sa May 13, 2019, ang Otso ay makalusot sila sa Senado. Tanong kabayan: Sino ang mga kandidatong pagka-Senador na dadalhin mo sa Senado?

Source of idea and other info: President Duterte Binasag ang Pagkatao ni Mar Roxas at Iba pang mga Otso Candidates

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!