loading...

Thursday, March 14, 2019

Hudyat Nga Ba Ng Pagpapatiwakal Ang Magmahal?


Ang alamin nang lubusan
Ang pag-ibig na wagas at tunay
Ay landas tungo sa hukay
At paghinto ng iyong buhay…
Ang ipikit ang mga mata
Sa mga bagay na nakikita
At manatili sa kinaroroonan
Dahil sa takot na masaktan…
Sa pagsisinungaling ay nanindigan
Habang nananangis ang katotohanan
Sumisigaw na bigyan ng kalayaan
Buksan ang iyong mata sa katotohanan…
Ang hawakan mo si kupido
Kasama ang mahiwagang pana
Upang ikaw ang siyang tumudla
Sa puso ng mahal mong sinisinta…
Ang talikuran ang katotohanan
At maniwala sa mga mapanira
Ang paglimot sa mga alaala
Sa buhay mo minsa'y nagpasaya…
Ang pagputol ng tulay
Na nagu-ugnay sa nakaraan
Ang umibig sa sigaw ng isipan
Hindi ang tinitibok ng puso…
Ang magmahal para sa kabutihan
Sa kasamaan, sa kaligayahan
Sa matinding kalungkutan
At walang katapusang kabiguan…
Ang magmahal na wala sa sarili
Na walang pagpapahalaga sa panahon
Ang magpatawad at lumimot
Dahil hindi na kaya ng puso…
Ang isakripisyo ang panahon at kinabukasan
Para sa lahat na iyong minamahal
Sa ngalan ng dakilang pag-ibig
Ay hudyat ng pagpapatiwakal!

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!