Mobile No. 09359229483 is Used by Scammers to Victimize People for Money
On March 3, 2019, at around 2PM, nakatanggap ng mensahe ang anak ko mula sa mobile # +639359229483. Ang sabi "Hi Ms. Marife Pruel account owner of 09066778997. Kindly answer our call regarding your unauthorized use of your paymaya. Thank you."
After reading the message, ako at ang anak ko ay naniniwala na iyon ay galing sa Paymaya. Dahil walang ibang nakakaalam sa account ng anak ko sa Paymaya maliban ang taga Paymaya Philippines.
On March 4, 2019 (Monday) around 3:30PM, ang anak ko ay tumanggap na ng call mula sa mobile # 09359229483. Ang caller ay isang babae at nag instruct sa anak ko na ipa-upgrade ang account nya sa Paymaya at mag deposit sa kanyang Paymaya account ng 20 thousand pesos. At nanakot pa kung hindi daw ipapa-upgrade makukulong ang anak ko dahil daw hindi siya authorized para gamitin ang Smart Padala.
Napasigaw ako ng "Sira ulo ka pala". Tapos naputol na ang pag-uusap. Paano nya nasabing hindi authorized na gamitin ang Smart Padala samantala ang Paymaya ay isa sa partners ng Smart Padala.
On December 2, 2018, ang anak ko ay nag open ng account sa Paymaya sa tulong ng isang kaibigan na Paymaya user din. Kanyang nakombinse ang anak ko na kapag naging Paymaya ka na, pwede mo magamit ang paymaya account mo sa pagbabayad ng iba't ibang bills, tulad ng Meralco bills ganun din sa Smart Padala at Loading business.
Yes, sa unang dalawang buwan - naging maayos ang kanyang paymaya, nakakapag loading ang anak ko, nakapagbayad ng aming meralco bills at dalawang beses siyang gumamit ng Smart Padala. Nang unang araw na e activate ang kanyang Paymaya ATM card, nag deposit siya muna ng 500 php tapos ng medyo dumami na ang nagpa-load nagpasya na siya na dagdagan ang deposit niya sa Paymaya account from 500php to 2,600php.
Pero pagdating ng unang linggo ng Pebrero 2019 - nagsimula ang problema sa kanyang Paymaya account. Ang anak ko hindi makapag log-in sa kanyang Paymaya account online. Ang password na ginagamit nya ay nire-reject na. Maraming beses niyang ipinalam sa Paymaya ang problema - pero ang laging sagot ng Paymaya ay e-reset ng anak ko ang password - pero walang ring saysay. Ilan beses siyang nag reset ng password.
At that time ang natitirang balance sa kanyang ATM Paymaya card ay nasa 1,450 php. So ipinaalam namin sa nagturo sa kanya na mag Paymaya, ang problema hanggang ang naging desisyon ng anak ko ang e-withdraw ang natitirang balanse sa kanyang ATM Paymaya card. Yes, she withdrawn the money amounting to 1,400php leaving the 50php sa ATM Paymaya card.
Akala namin OK ang lahat, pero biglang nagwala ang anak ko ng matanggap niya ang call mula sa numerong ito: 09359229483 na nagpipilit na e-upgrade niya ang kanyang Paymaya account at lagyan daw niya ng 20,000 php. Dahil dito, lalung lumakas ang suspetsa namin na ang Paymaya Philippines ay may kinalaman dito.
Kaya naman kinausap namin yon tumulong sa kanya na mag Paymaya para makarating sa opisina ng Paymaya Philippines at amin din ipinadala yong mobile number ng caller na babae plus yong message ng caller gamit ang numerong nabanggit - ang sagot ng taga Paymaya Philippines ayon sa kaibigan ng anak ko - ang Paymaya hindi raw nagpapadala ng message kay Marife Pruel o Tumawag man sa anak ko.
Ang tanong ngayong gumugulo sa isipan naming mag-ama ay ito: Paano nalaman ng caller na ang anak ko ay registered user ng Paymaya? At siya pa ay nagpupumilit na e-upgrade ng anak ko ang kanyang Paymaya account at mag deposit ang anak ko ng 20,000 php? At masaklap pa, ang SSS number ng anak ko na ginamit niya para magpa register sa Paymaya ay alam ng caller na putang inang babae na yon - kung hindi siya connected to Paymaya Philippines?
I just hope, ang sinumang makakabasa nito help me spread to other people para makapag-ingat na rin. At makarating ito sa atoridad tulad ng NBI para imbestigahan kung sino ang nagmamay-ari ng mobile phone number nato: 09359229483. Kung ang Paymaya ay walang kinalaman sa caller na ito o kung hindi nila tao, employee - dapat alamin din nila kung sino ito para maingatan ang kanilang reputasyon dahil maliwanag na ginagamit ang kanilang company name to victimize people for money.
No comments:
Post a Comment