loading...

Tuesday, March 26, 2019

Bigo ang Dilawan sa Planong to Destabilize Duterte's Administration


Para masira ang pagkatao ni Pangulong Duterte sa mga Filipino, ang mga Dilawan ay buong pwersang nagkaisa sa paghahanap ng mga isyu para mag-init ang mga Pinoy sa pangulo. Sila ang mga grupo na ayaw sa presidente. At gagawin nila ang lahat para malugmok ang pangulo sa kahihiyan at maging dahilan para magalit sa kanya ang sambayanang Filipino sa mundo.

Sila ang mga oligaryo sa bansa na kinaka-sabwat ang mga bayarang media sa Pilipinas, mga opisyal ng Simbahang Katoliko sa pangunguna ni SOC Villegas at ang paring si Reyes, mga NPA/CPP/NDF, ang CHR - sa pangunguna ni Chito Gascon, ang opisina ng Fake VP Leni Robredo na laging kontra kay Pangulong Duterte, mga Yellow Senators at Congressmen at iba pang grupo ng mga Pinoy na ayaw sa bagong administrasyon.

Acierto Corrupt Ex-COP

Kamakailan lamang ginamit nila ang isyu sa pagkalas ni Pangulong Duterte sa ICC (International Corrupt Court), pero hindi sila nagtagumpay tapos isinunod nila ang isyu ng water shortage sa Metro Manila sa paniniwala na magiging dahilan ito para magalit ang mga tao sa presidente, subalit hindi pa rin sila nagtagumpay. And then gamit ang Otso, nagpalabas sila ng kung anu-anong fake news laban sa administrasyon sa pag-asang paniniwalaan sila ng mga Filipino.

Dahil hindi kinagat ng tao ang kanilang iba't ibang isyung ibinato kay Pangulong Duterte - kanilang pinag-diskitahan ang relasyon ng Pilipinas sa China. Binigyan nila ng negatibong kwento gamit ang bayarang media - pinalabas nila na ang Pilipinas ay kontrolado na ng China, kasama ang galit nila sa mga Chinese workers na binigyan ng trabaho sa Pinas ng gobyerno kapalit daw sa malaking utang ng Pinas sa China. Pati ang foreign policy ng pangulo tutol sila.

Dahil sa walang kumakagat sa kanilang mga fake news at propaganda - heto na pinasok si Ex-COP Acierto tulad kay Matobato para idiin si Pangulong Duterte na may kinalaman daw sa malaking sindikato ng droga sa Davao sa pamamagitan ng pag-dawit kay Michael Yang na linked daw sa droga na ex-presidential adviser ni Pangulong Duterte. Tanong ngayon - ano pa kayang mga isyu ang susunod na ibabato nila kay Pangulong Duterte?

Michael Yang Ex-Presidential Adviser

Yes. Malakas pa rin ang Dilawan sa kalokohan lalu na po pagdating ng paggawa ng fake news at propaganda laban sa administrasyon sa tulong ng mga bayarang media sa Pilipinas. Kung maaalala lang natin kung gaano makapangyarihan ang mga bayarang media sa Pinas ay nang minsang nagsiwalat ng malaking eskandalo tungkol sa election frauds si Atty. Glenn Chong sa hearing sa Senado laban sa allegedly sabwatan ng Comelec at Smartmatic sa mga nangyaring dayaan ng elections mula 2010, 2013 at 2016 na itinago ng bayarang media sa bawat Filipino at salamat na lang at may isang pinoy who is standing alone in his way para patuloy na ibulgar ang tunay na baho ng Comelec at Smartmatic na naging dahilan sa pagkamatay ni Red Santillan.

Ngayon ang mga Dilawan ay hindi na mapakali para mag-isip ng iba't ibang paraan kung paano nila masisira ang pangulo sa mga Filipino. Subalit ang mga nakakaraming Filipino ngayon ay gising na at hindi na mangmang para hindi makaunawa sa mga masasamang plano ng Dilawan. Salamat at may social media to update us. Desperado na ang mga kalaban ng pangulo. Bigo ang Dilawan sa planong to destabilize Duterte's administration.

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!