loading...

Saturday, April 27, 2019

Batohan nila General Bato Dela Rosa at Samira Gutoc

Gen Bato Dela Rosa and Samira Gutoc
Sa harap ni Pinky Web Pia Hontiveros ng CNN Philippines, (Saturday April 27, 2019) nangyari ang batohan ng dalawang kandidatong pagka-Senador na sina General Bato Dela Rosa endorsed by President Duterte at Samira Gutoc na isa sa walaong kandidato ng Otso. Pulsuhan natin ang kanilang batohan.

Samira Gutoc: "Sir Bato, ang problema po, 'yung drug prevention problem po ba natin nabigyan po ba ng budget 'yung ating mga barangay anti-drug councils? Dagdag pa nya, "Nauna tayo sir sa killing before prevention so ang aking problema sir, before ka makisawsaw sa war on drugs, sawsawan mo muna yung strenghtening of the pillars of the justice system." And she calls Gen Bato as "Sawsaw".

Of course, sa tapang ni Gen Bato - hindi siya nasindak sa batong ipinukol sa kanya ni Samira Gutoc at mas maraming bato na mabibigat ang kanyang ibinato diretso sa mukha ni Gutoc.

Gen Bato Dela Rosa: "Alam nyo madaling sabihin ang ganyan, hindi kayo ang nakaharap sa adik na siraulo. Kung ikaw ang pulis na nakipagbarilan sa mga adik, ano kaya ang pakiramdam mo? You have to preserve yourself. Kailangan depensahan mo sarili." He added, "Hindi tayo pwedeng mag war on drugs na walang patayan. Anong klaseng pag-iisip yan? Gusto mong ikaw lang ang mamamatay? Hindi mo dedepensahan sarili mo, magpapabaril ka na lang sa mga adik? Hindi pwede yan, kailangan i-enforce natin ang batas. Kung hindi tayo nag war on drugs baka lahat ng kabataan ngayon mga zombies na naglalakad sa kalsada, siraulo na."

Source of idea and other info: Samira Gets Bato's Goat...
Kabayan, kung papamiliin kayo - kaninong bato ang nagustuhan ninyo - ang bato ni Samira Gutoc O ang bato ni Gen Bato Dela Rosa?

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!