loading...

Saturday, April 27, 2019

What is Your Worth If You Sold Your Vote

What is your worth if you sold your vote?

Ang vote buying ay pwede magsimula sa 500 php, 1,000 php, 2,000 php, 3,000 php, 4,000 php, 5,000 php at higit pa. Tingnan ninyo sa chart kung magkano ang halaga mo sa bawat araw sa loob ng 1,095 days katumbas ng 3-year, ang halaga mo sa bawat linggo sa loob ng 156 weeks - katumbas ng 3-year, ang halaga mo sa bawat buwan sa loob ng 36 months - katumbas ng 3-year sa mata ng mga kandidatong nanalo na bumili sa boto mo mula sa 500php, 1000php, 2000php, 3000php, 4000php at 5000php.

Sa tuwing may eleksyon sa Pilipinas, ang vote buying ay laging kasama sa sistema. Para bang hindi makulay ang halalan kung walang vote buying. Ang kalimitang gumagawa nitong vote buying practice ay yong mga kandidatong may mga pera at suportadao ng mga mayayamang oligaryo na mahina ang hatak sa mga tao - kaya gamit ang kanilang pera bibilhn ang boto ng mga botante.

Tandaan ninyo mga botante, ang sinumang kandidatong lalapit sa inyo at mag-aalok ng pera kapalit ng inyong mga boto - senyales yan na sila ay hindi magiging tapat sa kanilang paglilingkod sa bayan at mamamayan. Senyales yan na sila ay magiging abala sa pagnakaw sa kaban ng bayan para bawiin ang kanilang ipinambili ng boto.

At kapag nanalo sila dahil ibenenta ninyo ang inyong mga boto - wala kayong karapatan magreklamao o mag-demand sa kanila ng anumang bagay kasi ang dignidad ninyo at kinabukasan ninyo, at kinabukasan ng mga anak ninyo ay ipinagbili ninyo sa kanila. At sa loob ng tatlong taon ng kanilang panunungkulan kayo ay yuyurakan, duduraan, pagtatawanan at mamaliitin ang pagkatao ninyo. Gugustuhin nyo ba na mangyari ang ganun senaryo?

No comments:

Post a Comment

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!