loading...

Friday, May 31, 2019

President Duterte to Comelec: Why are you insisting on Smartmatic? It is no longer acceptable to the people

Duterte to Comelec: Palitan na ang Smartmatic
Ayon sa reports ng PTV (People's Television) May 30, 2019 - sa harap ng Filipino Community sa Japan, hindi na napigilan ang saloobin ni Pangulong Duterte sa iba't ibang pahayag na kanyang napapakinggan mula sa mga taong nakaranas ng kapalpakan ng Smartmatic sa tuwing may eleksyon.

Mula sa Tokyo, Japan isiniwalat ni Daniel Manalastas (reporter ng PTV) na ayon kay Pangulong Duterte, kwesyonable raw ang kridibilidad ng Smartmatic dahil sa mga paratang na dayaan at mga aberiya sa nakaraang halalan. Kaya naman iminungkahi ni Pangulong Duterte sa Comelec na palitan na ang Smartmatic.

President Duterte to Comelec, I quote: “You have 3 years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to the people, to the congressmen, or you — anything that promotes cheating. Why are you insisting on Smartmatic?”

May 30, 2019 Duterte sa Harap ng Filipino Community in Japan

Maniwala man tayo O hindi, lahat ng mga gustong baguhin ni Pangulong Duterte lahat po ay may dahilan O may basihan. Kung ating babalikan ang dahilan kung bakit kanyang ipina-rehab ang Boracay dahil sa sobrang dumi ng tubig-dagat doon na pwedeng magdulot ng iba't ibang sakit sa tao.

Ganun din po nang kanyang ipalinis ang Manila Bay dahil din sa puno na ng sari-saring dumi at nakakamatay na amoy mula sa mga basurang nagkakalat at dumi ng tao at hayop na lumamon sa dating malinis at kaaya-ayang tubig-dagat ng Manila Bay.

Minsan sumagi sa ating mga isipan na sana ang isunod na linisin ni Pangulong Duterte ay ang Comelec at Smartmatic dahil na rin sa paniniwala natin na ang Comelec at Smartmatic ay pinagmumulan ng malaking korapsyon. Ngayon heto na ang first move ng ating mahal na pangulo - kanyang pinayuhan ang Comelec na palitan na ang Smartmatic at maghanap ng bago na makakapagbigay ng serbisyo na walang aberya.

Sources of idea and other info:

Japan2019 Duterte, Pinayuhan Ang Comelec Na Palitan Na Ang Smartmatic
Duterte to Comelec: Dispose Smartmatic in The Next Automated Election
Pinag-utos Na ni Pangulong Duterte sa Comelec na Itapon Na ang Smartmatic

Wednesday, May 29, 2019

RA No.11921 'Magna Carta Of The Poor' Signed by President Duterte on April 12, 2019: Pangulong May Malasakit (after Marcos) sa Ikagaganda ng Pamumuhay ng mga Mahihirap na Filipino

RA NO. 11921 - Magna Carta Of The Poor
Nobody can question sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga anak. Pinatunayan ito ni Pangulong Duterte nang kanyang pirmahan nang walang pag-aalinlangan ang Republic Act No. 11921 known as "Magna Carta Of The Poor" on April 12, 2019 - a month before the Midterm elections on May 13, 2019. 

RA No. 11921 is a move to help provide the poor Filipinos with the means to meet their basic necessities and would require government agencies and departments to give the million poor Filipinos full access to all services of the government.


The said law on Magna Carta Of The Poor (RA No.11921) dictates that the poor will be classified as persons with below poverty income level as defined by NEDA (National Economic Development Authority). And those persons with below poverty income level will enjoy the following rights: (1.) Right to Food, (2.) Right to Decent Work, (3.) Right to Education, (4.) Right to Decent Housing and (5.) Right to Good Health.

Kung itong RA No.11921 (Magna Carta Of The Poor) na approved and signed ni Pangulong Duterte on April 12, 2019 ay pinansin at inilabas ng Mainstream Media a month bago mag eleksyon matitiyak natin na lalung liliit ang nakuhang mga boto ng Otso Diretso. It was only on May 27, 2019 the media highlighted the news.


At ayon na rin sa mga lumalabas na mga news both on prints and online news - itong "Magna Carta Of The Poor" ay unang nailatag in 2013 pa pangunguna ni Senator Loren Legarda et al and was submitted to former President Noynoy Aquino for his approval and signature but Noynoy Aquino refused to sign it with his reasons - "Walang pera ang gobyerno, at walang kakayahan ang kanyang gobyerno para gastusan ito."

Kayo na ang humusga - wala ba talagang pera ang gobyerno ni Noynoy Aquino noon para mapaganda ang pamumuhay ng mga mahihirap? O may pera ngunit nakalaan para nakawin lang? O patunay na wala talaga siyang pagmamahal at malasakit sa milyon-milyong mahihirap na Filipino?

Sources of idea and other info:

President Duterte Signs RA No.11921
Magna Carta Of The Poor
Concern Ng Ating Pamahalaan Sa Mahihirap Na Filipino
Pirmado Na Ang Magna Carta Of The Poor
2013 (Rappler) Aquino Refused To Sign Magna Carta Of The Poor

Friday, May 24, 2019

Duterte to Trillanes: Binaboy Mo Ang Senado...Ikaw Yung Number One Na Gumamit Ng DAP

Duterte to Trillanes: Binaboy Ang Senado
Ayon sa live report ni Karen Davila ng ABS-CBN (May 23, 2019) President Rodrigo Duterte lashes opposition Sen. Antonio Trillanes IV, calling him shameless following reports linking the latter to an ouster plot against the president.

Utak ng Mapanirang bidyo


Ilang oras nang muling lumantad sa publiko si alyas Bikoy at tuwirang itinuro si Senador Antonio Trillanes at Liberal party na utak sa mapanirang video “Ang Totoong Narco List” at sa isang pagtitipon nagsalita ang Pangulo laban kay Trillanes.

Duterte to Trillanes: Binaboy Mo Ang Senado

Banat ni Pangulong Duterte kay Trillanes: “Pinaaral kayo sa Philippine Military Academy (PMA). Medyas, sapatos, t-shirt, pagkain ay gastos ng tao. Then you stage a mutiny. And because the president was so unpopular, nanalo itong si Trillanes. Anong ginawa mo? Binaboy mo ang senado. You use that power to ran after people. Hindi alam ng mga sundalo na marami kang kotse at properties na nakalista sa ibang tao. Ikaw ‘yung number one na gumamit ng DAP.”

Depensa ni Sen Kiko Pangilinan sa Paratang ni Advincula

Ang aligasyon ni alyas Bikoy (Joemel Advincula) laban kay Trillanes at LP ay agad na pinabulaanan ni Sen Kiko Pangilinan - boladas nya: "Kahit ano sasabihin ng testigo kahit kasinungalingan laban sa LP sa takot na masaktan ng Administrasyon. Wala kaming ugnayan sa video at kay Bikoy. Kasinungalingan lahat ang mga paratang na yan. Gawa-gawa lang ng Administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa Administrasyon."

Trillanes Denies Bikoy' Allegations

Ganun din po si Trillanes kanyang itinanggi ang paratang ni Advincula saying, "I deny the allegations made by this Bikoy character. This could be another ploy of the administration to harass the opposition. For now, I will be consulting with my lawyers so that we could also file the appropriate charges against him."

Nasaan ang Hustisya ng Demokrasya?

Ganito ba talaga ang bansang may demokrasya - pagkatapos gumawa ng iba't ibang propaganda para siraan/sirain ang naka-upong namumuno ng bansa, panay tanggi na sa mga paratang laban sa kanila? Nasaan ang hustisya?
Sources of idea and other info:

Trillanes Nakatikim Ng Malutong Na Banat Kay Duterte
Duterte Blasts Trillanes Anew
Advincula: Pawang Kasinungalingan Ang Laman Ng Nasabing Video
Depensa ni Outgoing Sen Trillanes sa Paratang ni Advincula alyas Bikoy

Thursday, May 23, 2019

Balikan kaya ni Sen Bong Revilla ang mga taong dahilan ng kanyang pagkakulong ngayon nakabalik na siya sa Senado?

Senator Bong Revilla #11 Elected Senator 2019 Midterm Elections with 14,624,445 Votes
Posible kaya na balikan ni Sen Bong Revilla ang mga taong may kinalaman sa kanyang pagkakulong ng apat na taon at anim na buwan, ngayon nakabalik na siya sa Senado?

Matagumpay ang pagbabalik sa Senado ni 'Boy Tornado' - Bong Revilla. Sa tulong ng 14,624,445 votes mula sa mga Pilipinong nagmamahal at nagtitiwala sa kanya sa Pilipinas at mula sa mga Pilipino sa ibayong-dagat. Hindi naging hadlang sa kanyang pagbabalik sa Senado ang mahigit apat na taon na nakulong siya dahil nadawit siya sa 2013 pork barrel scam.

Assorted News for May 22, 2019

Kung ating babalikan ang kwento ng buhay nya - si Sen Bong Revilla ay nadawit sa 2013 pork barrel scam at sinasabing naglipat ng kanyang mga pondong pork barrel sa mga pekeng NGO ng sinasabing utak ng scam na si Janet Lim-Napoles para sa mga hindi umiiral na proyekto kapalit ng pagtanggap ni Bong Revilla ng ₱224,512,500 kickback mula kay Napoles. 


Apat na taon at anim na buwang nakulong si Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ng Camp Crame, dahil sa kasong plunder at diumano'y pakikipagsabwatan niya sa pork-barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles. Pero pinawalang-sala si Bong Revilla ng Sandiganbayan noong December 7, 2018.

Proklamasyon ng 12 Nanalong Senador
On May 22, 2019, naiproklama na ang 12 nanalong Senador, tatlo sa kanila ay mga independent candidates while the other 9 were candidates endorsed by President Duterte PDP-Laban Party and the Hugpong ng Pagbabago of Mayor Sara ng Davao City. 

Below is a list of the 12 newly elected Senators  namely:

9 Senators endorsed by President Duterte and Mayor Sara of Davao City: (1.) Cynthia Villar, (2.) Bong Go, (3.) Pia Cayetano, (4.) Bato Dela Rosa, (5.) Sonny Angara, (6.) Imee Marcos, (7.) Francisco Tolentino, (8.) Koko Pimentel and (9.) Bong Revilla. 3 Senators identified as Independent candidates namely: (1.) Grace Poe, (2.) Lito Lapid and (3.) Nancy Binay. These 12 newly elected Senators are scheduled to take their oaths on June 30, 2019 and officially would join the 18th Congress.

I said that 2019 Midterm elections a lucky year for Bong Revilla and the Cavitenos because sa kasaysayan ng eleksyon sa Tanza, Cavite - ang 2019 Midterm elections marked as kaunaunahang eleksyon na nangyari na ang mga nanalong kandidato ay mula sa TeamYap at TeamRemula. Lahat ay panalo (landslide victory) ang mga kandidatong tumakbo pagka- Congressman, Gobernador, Vice Gobernador, 2 Board Members, Mayor, Vice Mayor at 8 Councilors kasabay sa pagka-panalo ni Sen Bong Revilla.

Sources of idea and other info:

May 22, 2019 News Update 
Planong Pagbabalik-Pelikula ni Bong Revilla
Talambuhay ni Bong Revilla
TeamYap 2019, Tanza, Cavite

Tuesday, May 21, 2019

Lumiit ang mundo ni dating Ombudsman Morales, turing sa kanya Security Threat ng bansang China

Ombudsman Morales Dumating sa Manila Airport Mula sa Pagkasipa sa HongKong Airport
Lumiit ang mundo ni dating Ombudsman Conchita C. Morales. Hindi siya welcome sa HongKong ngayon na kapit-bansa ng Pilipinas - na dinadayo ng milyon-milyong tao ng mundo. Bakit po nagka-ganun? Ano po ba ang ginawa niya para ituring siya na 'Security Threat' ng HongKong, China?

Para masagot ang mga tanong - mangyari lang po panoorin po ninyo ang video na mula sa State of the Nation ni Jessica Sojo sa ginawang interview kay dating Ombudsman Morales nang dumating siya sa Manila International Airport mula nang siya at ang kanyang pamilya ay isuka sa HongKong airport pabalik sa Pilipinas.


Ayon kay Ms. Jessica Sojo - ang pagharang ng Chinese Immigration ng HongKong kay Ms. Morales ay may koneksyon ito nang si dating Ombudsman Morales ay isa sa dalawa na nag file ng informal complaint sa ICC laban sa presidente ng China dahil sa mga aktibidad ng China sa South China Sea dahilan nang pagkasira di umano ng kalikasan at kabuhayan ng ating mga mangingisda.

Ang insidenteng nangyari kay dating Ombudsman Conchita Morales sa HongKong Airport ay nagbunga ng iba't ibang reactions mula sa mga netizen. Isa sa mga reactions mula kay Ginoong Vicente, I quote,"Kinasuhan mo ang may-ari ng bahay, tapos ngayon ay papasok ka at makikikain ka - kung ako ang may-ari ng bahay ay talagang sisipain kita palabas!"

Sige kabayan, pulsuhan muna natin itong pagkasipa ni dating Ombudsman Morales sa HongKong - at pansamantala muna tayong mag break sa mga issues na may kinalaman sa halalan 2019. Kayo ba ay pabor O hindi pabor sa pagharang ng Chinese Immigration ng HongKong kay dating Ombudsman Conchita C. Morales?

Source of idea and other info: Jessica Sojo on Facebook Live Reports  

Monday, May 20, 2019

Opposition Blames The Poor and Uneducated Filipino Voters

The Bobodato (Bobo + Kandidato) = Stupid Candidate
Dahil sa pagkatalo ng Otso Diretso sa nakaraang May 13, 2019 elections -kanilang sinisi ang million poor and uneducated Filipino voters as they called them "Bobotante" mula sa salitang (Bobo + Botante) = stupid voters.

My vote is as precious as the vote of a wealthy and educated person

Para sa akin, ang tawagin na bobotante ang milyon-milyong mahihirap na Filipino sa bansang ito at isisi sa kanila ang naging resulta ng nakaraang halalan - ay hindi makatarungan. Ang kagaya kong pobre na at walang pinag-aralan, pagdating ng araw ng botohan - ang halaga ng isa kong boto ay kasing halaga sa boto ng isang mayaman at edukado.

Why are you blaming the poor and uneducated Filipino voters, Otso Diretso? 

Why blamed the million poor and uneducated Filipino voters sa inyong pagkatalo? Kasalanan ba nitong mga mahihirap at walang pinag-aralang Filipino voters (including myself) kung ang ibinoto namin ay yung mga kandidato ng Administrasyon - hindi kayo?

The Bobotante can distinguish the good and bad candidates  

Ito ang tandaan ninyong mga opposition ng bagong administrasyon - sa loob ng tatlong taon sa panunungkulan ni Pangulong Duterte - we, the Bobotante as you called us - ay natoto na how to distinguish between good and bad candidates. Kaya asahan ninyo sa darating na 2022 National Elections - kaming mga mahihirap at walang pinag-aralan na minamaliit ninyo ay baka sisihin ninyong muli sa inyong pagkatalo.

Definition of Otso Diretso  

Otso Diretso is an electoral alliance of political parties in the Philippines in the 2019 Philippine general elections that are in opposition to President Rodrigo Duterte. It is a slate of eight candidates for the Philippine Senate.

Who are you calling a Bobotante?

In the Philippines, the “bobotante” (a portmanteau of the words “bobo,” or stupid, and “botante,” or voter) is often used to refer to voters who select ‘unqualified’ candidates for office. In short, “bobotante” is another shot at the masses by the middle- and upper-class who rest comfortably in the privilege afforded to them by a system that excludes the poor but benefits the rich. 

Sources of idea and other info:

Who are you calling a Bobotante
Definition of Otso Diretso
Lack of voter Education to blame for poll results

Saturday, May 18, 2019

Sino kina Sarah Elago at Ronald Cardema ang papanigan mo?

Sarah Elago vs Ronald Cardema
Base sa opinyon nila Ronald Cardema former National Youth Commission Chair at Sarah Elago kilala na isang leftist Congresswoman - Kabataang Party-list Rep - makikita at mararamdaman natin ang malaking pagkakaiba sa kanilang mga opinyon sa resulta ng halalan 2019 Midterm Elections.

Pagkatapos ng election 2019, nagpalabas si Ms. Sarah Elago ng kanyang saloobin sa naging resulta ng halalan 2019 kung saan ang Otso Diretso na kanyang sinuportahan ay nilampaso ng mga kandidato ng Pangulo at ng Mayor ng Davao. At ang kanyang Kabataang Party-list ay nangulilat din. Tuwiran niyang inakusahan ang gobyerno ni Pangulong Duterte sabi nya: "Dinaya ng DU30 Government ang Elections."

Ang akusasyon ni Ms. Sarah Elago sa gobyerno ni Pangulong Duterte ay sinagot ni Ronald Cardema ng ganito: "Polls show Pinoys don't like NPA-allied solons anymore." Ang hindi natin maseguro ay kung naintindihan ni Sarah Elago ang sinabi ni Ex-NYC Chair.

Ronald Cardema further explains: "More Filipinos voted Duterte Youth than Kabataan because they don't like NPA-allied Congressmen anymore. More Filipinos voted for Duterte allies than opposition members because the nation is content with President Rodrigo Duterte." This was Cardema's post at Facebook addressed to Kabataang Party-list Rep Sarah Elago.

Tanong: Sino kina Ronald Cardema at Sarah Elago ang susuportahan at paniniwalaan mo?

Sources of idea and other info: 

Polls show Pinoys don't like NPA-allied solons anymore
Dinaya ng DU30 Gov't ang Election, ayon kay Sarah Elago

Tuesday, May 14, 2019

Otso Diretso Suportado Pala ng Matatalinong Kabataang Nauto

Otso Diretso Choice ng Matatalinong Kabataang na Na-Brainwashed
Ang tinutukoy ni Gat Jose Rizal na "Nasa Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan" ay yun mga kabataang may prinsipyo, hindi nagpapauto at hindi naniniwala sa mga kasinungalingan. Hindi tulad nitong mga kabataang ginamit at na-brainwashed ng Otso Diretso para sila ay suportahan. Sila ang mga kabataang bobo na naging sunod-sunuran sa mga pangguguyo ng mga Yellow opposition.


The Otso Diretso candidates focused on the failures and missteps of the administration. They really like to get back power. They downplayed the accomplishments of the sitting administration. They used black propaganda to erode the popularity of President Duterte.

Ang pagkatalo ng Otso Diretso ay patunay na mali ang sinasabing mga matatalinong kabataan na pag-asa ng bayan. Ang kanilang mga sinuportahan ay mga kandidato na ang layun ay wasakin ang magandang sinimulan ng Pangulong Duterte. Nakita natin yun sa panahon ng campaign period.

Monday, May 13, 2019

Umulan ng Pera sa Guiuan, Eastern Samar sa Araw ng Eleksyon


Umulan ng pera sa Guiuan, Eastern Samar mula sa mga kandidatong uhaw sa kapangyarihang mamuno sa Guiuan at probinsya ng Eastern Samar. Kung tawagin mga padulas kapalit ng mga boto ng mga botante.


May sinabi si Pangulong Duterte nang siya ay ma-interview ng media pagkatapos siyang bumoto sa Davao tungkol sa vote buying and vote selling: "If they were caught, they will be persecuted according with the law." For more details, watch the video above.


Lahat naman ng tao nangangailangan ng pera. At ang mga padulas sa tuwing darating ang eleksyon naging parte na ito. Masisisi ba natin ang mga botante kung abutan sila ng naka-sobre na may kasamang paki-usap mula sa nag-abot - na wag kalimutan ang pangalan sa balota?


Ang mga perang ito ay ebidensya na meron nga talagang nangyaring vote buying at vote selling. Kung may batas nga po na nagbabawal nitong practice - sino sa dalawa ang dapat parusahan? Ang kandidatong bumili ng boto? O ang nagbenta ng boto?

Ayon kay Pangulong Duterte, ang vote buying at vote selling ay hindi lang naka-point sa pera. In other form of vote buying and vote selling ay makikita rin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na pakikinabangan ng tao tulad halimbawa - pagkain. He explained it by saying at ang pagkaunawa ko ay ganito: "Ang isang kandidato ay meron yan mga leaders - ang mga leaders na yan ay kumakain, hindi pwedeng gutumin ang mga leaders habang nagpapakahirap sa pagtratrabaho para ipakilala ang kandidato sa tao."

Sunday, May 12, 2019

Kodigo Ko sa Palad Ko: May 13, 2019 Elections

Kodigo Ko sa Palad Ko
Ang botohan ay nagsimula nang 6AM at magtatapos ito at 6PM. For those who have not yet casted their votes - bawat precint ay may mahabang pila. Sa init ng panahon dapat magdala kayo ng payong, sombrero, pamaypay at inuming tubig at pumila kayo ng maayos.

Sa bawat precint - priority ang mga buntis at mga senior citizen. Kung bunti ka at senior citizen na hindi mo na kailangan pang pumila, papapasukin ka agad sa loob ng precint kung saan po kayo boboto.

Bago pumila, tingnan nyo muna ang mga listahan na nakapaskil sa wall ng building or room kung saan gagawin ang botohan - to check kung pangalan ninyo ay nakasama sa listahan. Kunin ninyo ang precint number at kung anong numero nakalista ang pangalan mo - dahil yun ang unang ityatanong sa iyo.

This morning pumila ako at around 9AM - at nakapasok ako sa loob at around 10:45AM at natapos akong bomoto at around 10:55AM. Natuwa ako dahil nang lumabas na ang resibo, lahat po ng aking ibinoto ay nakalista: 12 senatorial candidates, 1 congressman, gobernador, vice gobernador, 2 Board Members, Mayor, vice mayor, 8 councilors at 3 party-lists. Ang listahan ng party-lists ay nasa likod ng balota. Ibig sabihin nito nasa good condition ang machine.

Dahil nandito ako sa Tanza, Cavite - eko-congratulate ko na ang TeamYap at TeamRemulla for the win also my chosen senatorial candidates and party-lists. I voted straight sa mga kandidato magmula kay Congressman Boying Remulla, Jonvic Remulla for governor, Jolo Ramon Revilla for vice governor. Board members: Angelito Langit at Ping Remulla. Yuri Pacumio for mayor, Munding Del Rosario for vice mayor at 8 councilors: #3, #4, #7, #8, #9, #10, #14 and #15.

Para doon sa mga senador at party-lists: Sila ang aking napusuan at dama ko na magiging kaakibat sila ni Pangulong Duterte sa lahat ng kanyang adhikain. Ang kanilang mga numero sa balota ay nakasulat sa palad ko: #21, #24, #32, #34, #46, #60, #7, #51, #16, #29, #27 at #19. Ang napusuan kong party-lists ay sila: #101, #157 at #181.

Dahilan kung bakit ko po napusuan sila Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile - at offically kong ibinoto sila this Midterm elections ay ito: Silang tatlo ay biktima ng administrasyon ni Noynoy Aquino noon. Sa 24 senators - bakit sila lang ang nakasuhan? Yes. Nakulong sila - pero nakalabas sila dahil kulang ng ibidensya.

Isang bagay ang napuna ko - ang botohan ngayon May 13, 2019 - nakita ko ang sobrang pagtitipid ng Comelec compared sa last 2016 elections. Ngayon 2019 elections ang limang precints ay pinag-isa nalang sa isang kwarto. Ang limang precints ay isang machine nalang ang ginamit. Samantala noong 2016 elections - itong limang precints 59A, 59B, 59C, 59D at 59E ay maykanya-kanyang room at bawat precint ay may sariling vcm machine.

Wednesday, May 8, 2019

Dahil kay Bikoy Nasilayan ni Bam Ang Ma-labanos na Kulay na Likod ni Bong Go

Senatorial candidate Bong Go
Akala ko tsismis lang ito sa online. Pero hindi magsisinungaling ang ebidensyang ito. Dahil sa isyung Bikoy - ang matagal nang inasam ni Bam Aquino ay nangyari nga. Maluwalhati nyang napagmasdan ang ma-labanos na kulay na likod ni Senatorial candidate Bong Go. Bigla ko tuloy naalala si Trillanes na noon ay gustong-gusto nyang makita ang likod ni dating VM Polong ng Davao.

Buking ang pagkatao ni Ginoong Advincula aka Bikoy

Advincula aka Bikoy - isang Scammer, Swindler at Estapador
Ayon sa mga reports na naglipana sa online - ito palang si Advincula (Bikoy) ay isang Scammer, Swindler at Estapador. At ayon narin sa pag analisa ni Thinking Pinoy (TP) - ang paglantad ni Advincula ay para raw band-aid lamang para pantapal sa nagdurugong political career ng mga LP candidates.

Hamon ni Senatorial candidate Bong Go doon sa naniniwala kay Bikoy

Sa mga naniniwala kay Bikoy
Bong Go: "Hinahamon ko na lang po ang mga Pilipino. Kung naniniwala po kayo kay Bikoy at sa mga akusasyun nya sa pamilyang Duterte at sa akin, iboto nyo po ang Ocho Diretso, sina Bam Aquino at sila Alejano."

At para naman doon sa naniniwala kay Pangulong Duterte at Bong Go

Sa mga hindi naniniwala kay Bikoy
Bong Go: "Ngayon, kung naniniwala po kayo sa amin ni Pangulong Duterte, sa mga ipinaglalaban namin, iboto nyo ako. Maraming salamat po."

Source of idea and other info: Katauhan ni Bikoy, Binuking

Saturday, May 4, 2019

Si Rodel Jayme Ba ay Inosente Or an Accomplice to Destroy President Duterte and His Family


Halos laman na ng lahat ng mga peryodiko, newspapers at mga social media ang mukha ni Rodel Jayme na ayon mismo sa kanya isa siya sa libo-libong certified Dilawan/LP supporters - noon pang panahon ni Noynoy Aquino hanggang sa pagka VP ni Leni Robredo.

Authorities have arrested Rodel Jayme on April 30, 2019 - the man they said is behind a website that constantly shared links to anonymous videos linking the president and his family to the illegal drug trade, but not the actual uploader of the Youtube videos, Justice Secretary Menardo Guevarra clarified Thursday.

Sa interview na ginawa ng News 5 -  Itinanggi ng dinakip na si Rodel Jayme na may kinalaman siya sa pag-upload ng 'Bikoy' videos na nagdadawit sa pamilya nina Pres. Rodrigo Duterte sa iligal na droga. Sabi nya, ginamit lamang daw siya.

Ayon kay Rodel Jayme ay wala siyang kinalaman sa nasabing Bikoy video - ano ang dapat niyang gawin ngayon na siya ay hawak ng NBI - di kaya mas mabuti sa kanya na sabihin na niya lahat kung sinu-sino ang nasa likod nya? Sabihin na niya kung sino at kung saan galing ang perang tinanggap niya kapalit ng gawin niya ang website na MetroBalita.com na ngayon ay deleted na tulad ng mga videos ni Bikoy na hindi na available sa YouTube ngayon.

Nang madakip si Rodel Jayme ng mga otoridad on April 30, 2019, ang unang pumutak ay ang Otso - sa pangunguna ni Fake VP Leni Robredo, si Diokno, Mar Roxas, Senador Pangilinan, Hilbay at iba pang Dilawan/LP. At napuna natin na biglang tumahimik si Alemango at Trillanes - dahil nadawit ang salitang Magdalo sa kinasasangkutan ni Rodel Jayme ngayon. 

Ang malaking problema ngayon ni Rodel Jayme - maliban sa kanyang sarili ay ang pamilya niya at kamag-anakan na ayon sa usapan ng mga netizen ngayon sa online - yun ang magiging alas na baka hawak ngayon ng grupo ni Bikoy - dahil ang totoong Bikoy is still at large. Itong si Rodel Jayme ay sapatero sa Marikina. Tanong kabayan: Ano ang dapat gawin ngayon ni Rodel Jayme?

Sources of idea and other info:

Admin of Site Posting Links to Bikoy videos
News 5 Interview kay Rodel Jayme

Wednesday, May 1, 2019

Kailangan sa Kongreso Kasangga ng Pangulo

Source and Photo Credits (Politics.Com.PH) Duterte to Congress
Lumipas ang 365 days mula nang ma issue ang Executive Order No. 51 sa kapakanan ng mga manggagawa on May 1, 2018 ni Pangulong Duterte expecting na ang Congress will consider passing much needed legislative measures that will fully protect our workers’ rights, especially to security of tenure and self-organization - pero ang Congress ay nanatiling idle.

Pagka lipas ng isang taon sa selebrasyon ng Labor Day, ngayon May 1, 2019 (Politics.Com.PH) sa kanyang mensahe para sa mga manggagawa - na ayon sa kanya "the working class not as a tool of employees and capitalists, but as an essential catalyst for our nation’s overall progress” and again urging Congress to pass measures that will protect the welfare and rights of Filipino workers to self-organize and security of tenure.



Source and Photo Credits (Politics.Com.PH) President Duterte's Labor Day Message 
Kung ating pupulsuhan ang isang taon na lumipas - ang Congress ay walang actions sa hiling ng pangulo. Both the House of Reperesentatives and Senate have just ignored the president's request. Sa dami ng mga mambabatas ni isa sa kanila wala man lang gumawa kahit manlang pahapyaw na draft sa hiling ng pangulo para sa mga manggagawa. 

Pagpapakita lamang ito na karamihan ng mga mambabatas sa Congress ay hindi talaga kasangga ng ating pangulo. Dahil dito magkaisa tayo mga kabayan - na ang mga Senador at Kongressmen na ating iboboto sa darating na eleksyon ay magiging tunay na kasangga ni Pangulong Duterte para maging katuwang niya sa lahat ng kanyang mga adhikain sa ikakabuti ng bayan at mamamayan. 


Sources of idea and other info:

Executive Order No. 51
May 1, 2019 Duterte's Labor Day Message

EDSA People Power is no longer the music of Filipinos

Maps of Taal Evacuation Centers

Popular Posts

Bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite, pinangunahan natin ang pag-akda ng SOGIE Ordinance o mas kilala sa tawag na Anti-Discrimination on LGBT Ordinance. Kasama ang lahat ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan na sumang-ayon sa ordinansang ito. Panahon na para isabatas ang SOGIE Bill sa buong bansa. Ipagtanggol ang karapatan ng mga may piniling kasarian! YES TO SOGIE BILL!